CHAPTER 26
“EIC, ‘yong iba raw pong materials na gagamitin sa tuesday na kay Ms. Apolonio pa, roon na lang daw po natin kuhanin. Mag-aayos na rin po kami ng tent ngayon. Nandoon na po malapit sa main gate ‘yong ibang mga chairs.”
Pababa na ako ngayon sa building namin nang lapitan ako ng isa sa mga co-journalist ko. “Thank you, Cian! Nabanggit na sa’kin kanina ‘yong tungkol sa materials. Iche-check ko na lang rin kung secured ba ‘yong mga upuan do’n malapit sa main gate kasi baka mahalo sa ibang department.”
“Iyon lang naman po. Thank you rin, EIC.”
Tumalikod na ito sa’kin matapos na magpaalam.
Hindi ko kasabay si Gail ngayon dahil may kailangan pa raw itong tapusing presentation. Kaya’t mag-isa lang ako. Tatapusin na raw n’ya ang lahat para raw sa darating na biyernes ay wala na s’yang dapat pang intindihin.
Nadaanan ko ang iba’t-ibang building. Lahat ay abala na sa pag-aayos para sa gaganaping event. Tanaw na ang makukulay na banderitas sa malalayo. Ang kani-kaniyang kulay ng bawat department ay nakasabit na rin. Ramdam na ramdam ko na talaga ito.
Papunta na ako ngayon sa car park para hintayin si Sheena. Sabay kaming uuwi dahil ngayon lang kami ulit nagtugma ng schedule. Ang akala ko pa naman ay mauuna ako sa kanya pero nagkamali ako nang matanawan ko na ito mula pa lang sa malayo. Nakatayo ito sa labas ng sasakyan n’ya at mayroong kausap sa phone.
Nang matanaw na rin n’ya ako ay sinenyasan n’ya akong bilisan ko ang paglalakad. Dali-dali naman akong lumapit sa kanya.
“Bakit?” mahinang tanong ko sa kanya dahil may kausap pa ito. “Si lola Espe,” agad namang sagot n’ya.
Kinuha ko agad sa kamay n’ya ang cellphone at itinapat sa tainga ko. “Hello po, lola. Kumusta po kayo? May nangyari po ba r’yan, bakit po napatawag kayo?” Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala kay lola.
“Apo, Lyanne. Calm down. Okay lang ako. Ang katunayan nga niyan ay si Sheena ang tumawag para mangumusta. Binanggit n’ya rin sa’kin na baka raw pumasyal kayo rito sa La Union sa darating na biyernes. Ikaw ang kumusta, maayos ba ang lagay mo? Bakit mukhang biglaan naman ‘ata itong pagpunta n’yo.”
Naka-loud speaker ang phone kaya rinig na rinig din ni Sheena ang sinasabi ni lola. Nagkatinginan kaming dalawa nang tanungin ako nito. Malabong pangunahan ako ni Sheena ng pagsasabi kay lola kaya talagang wala itong ideya.
“M-maayos naman naman po ako lola.” Hindi ko napigilang mautal. Wari ko’y rinig na rinig ni lola ang pagkabasag ng boses ko. Napailing si Sheena nang makita ako. Hindi ko na napigilang bahagyang maluha. Pinipigil ko ito dahil ayaw ko namang si lola pa ang bigyan ko ng iisipin.
Isa pa kasi ito sa kahinaan ko, si lola Espe. Isa ito sa tunay na nagmamalasakit sa’kin. Kaya sa mga ganitong pagkakataong mayroong bumabagabag sa’kin ay isa s’ya sa gustong-gusto kong lapitan at takbuhan.
“Elyxia, Lyanne,” Nagbabanta ang tono ng boses nito. Natahimik si lola sa kabilang linya, habang ako naman ay pinipigil ang pag-iyak. Inabutan agad ako ng panyo ni Sheena. Nasa tabi ko lang ito. Nagsalitang muli si lola. “Hihintayin kita pagpunta mo rito at I-kuwento mo sa’kin ang dahilan. Ayaw kong sa tawag ka-iiyak dahil hindi kita mayakap, apo. Mukhang nahihinuha ko na ang dahilan. Talagang malaki ka na nga, pero cry-baby ka pa rin.”
Sobrang touched na touched na sana kami ni Sheena sa sinabi ni lola pero nang marinig na sinabi n’yang cry-baby pa rin daw ako ay pare-pareho kaming natawa. Narinig kong bumulong sa’kin si Sheena. “Where’s the lie?” Nakangisi na ngayon.
Napangiti na rin ako dahil sa sinabi ni lola. Palagi talaga itong ganito sa amin.
“Thank you po, kahit na bully ka po minsan. Dadaan po kami r’yan lola, ‘wag ka na pong masyadong mag-alala sa’kin ha?” Mahinahon kong sabi sa kaniya.
Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga ni lola sa kabilang linya. “’Di ko ‘yon maiiwasan, Lyanne. Basta balitaan mo ako kung kumusta ka. Wala naman akong ginagawa rito, inaalagaan ko lang ang mga gamit dito, ang mga halaman ko at tsaka naglalaro lang ako ng candy crush kaya marami akong oras para kausapin ka. Tumawag ka sa’kin ha.”
“Opo lola, tatandaan ko po ang bilin n’yo. Galingan mo po sa paglalaro mo r’yan. Huwag ka pong nagpupuyat ha? Hindi po mabuti ‘yon sa’yo.” Ako naman ang nangaral ngayon sa kanya. Kabisado namin si lola. Mayroon din itong pagka-pasaway.
“Oo na, o s’ya sige na, nasaan si Sheena ibigay mo sa kanya at kakausapin ko sandali.”
Ibinigay ko kay Sheena ang phone n’ya. Iniabot nito sa’kin ang susi at pinauna na akong sumakay sa sasakyan. Kinausap pa muna n’ya sandali si lola. Mukhang marami ring bilin at paalaala sa kaniya.
Nauna na akong pumasok sa sasakyan at hinihintay siya. Naalala ko na naman tuloy kung bakit ako malungkot ngayon.
Sumakay na rin si Sheena. Tumingin pa muna ito sa’kin bago magsalita.
“Mauna muna raw tayong pumunta kay lola, duon daw natin iwan ang iba nating dalang gamit.”
Tumango ako sa kanya bilang pagsang-ayon. “Mag-stay ka rin ba o ihahatid mo lang kami?” Hindi kasi nito sinasabi kung sasama ba talaga s’ya.
“Oo, sasamahan ko kayo. Gusto mo ba mag-aya ako?”
“Huwag na, masyadong abala rin mga kaibigan mo. At tsaka gusto ko ring matahimik muna.”
“So maingay kami ganoon?” Natatawang sagot naman n’ya pabalik.
“Baliw, hindi.”
“Okay get it. Tayo na lang muna nila Gail.”
Nagsimula na ‘tong magmaneho. Tahimik lang kaming dalawa at parehong malalim na nag-iisip.
Napansin kong iba ang tinatahak naming daan ni Sheena at hindi ‘yon papauwi sa condo.
“Hoy! Saan punta natin?”
“Resto Bar, kain dinner tapos inom.” Casual lang itong sumagot sa’kin animong walang kakaiba sa sinabi n’ya.
Mahina ko itong hinampas sa braso. “Bakit iinom?”
“Syempre, broken ka kamo ‘di ba? E di inom.”
Saglit tuloy akong napaisip sa sinabi n’ya. I’m not against about drinking. Hindi ko lang gusto ang lasa no’n. Nang minsan kasing natikman ko, unang shot palang ay halos magsuka na ‘ko.
“Light lang naman iinumin natin. ‘Wag kang mag-alala ako bahala sa’yo.”
Pero dahil sa sinabi n’ya ngayon ay nagdalawang-isip ako. Gusto ko ring subukan. Light lang naman daw at paniguradong hindi naman ako malalasing ng sobra. Kuryoso rin ako kung totoo bang matapos makainom ng alak ay makakalimutan mo nang lahat ng iniisip mo.
Nakarating kami sa sinasabi ni Sheena na RRS Resto Bar. Ang labas ay tanaw na tanaw na maliwanag dahil sa mga ilaw. Maraming sasakyan sa labas pa lang. Halatang maraming tao sa loob. Hindi ako pamilyar sa pinuntahan namin ngayon lang din daw si Sheena nakarating dito.
“Let’s go. Wag ka kung kani-kanino sasama Ely, ha.” Paalala naman nito sa’kin. “Bakit naman sasama ako sa iba, ano ba ‘ko bata? Bigyan mo lang ng lollipop makukuha na?” Natawa ito sa sinabi ko. “Gaga.”
Pumasok na kami sa loob. Sa entrance pa lang ay natanaw ko na, na maraming tao sa gitna. Mga umiinom. Naamoy ko agad sa paligid ang matapang na amoy ng alak. Maingay ang buong Resto dahil sa malakas na tugtugin.
Nakasunod lang ako kay Sheena. Huminto kami sa couch kung saan malapit ang counter. Naupo lang ako at hihintay si Sheena dahil umorder ito.
Nakita kong maraming nagsasayaw sa dance floor. Lahat ay nagkakasiyahan. Everyone has their own world, going wild and free. Hindi naman ito ang unang beses ko sa ganitong lugar, nakakapunta na ako rito hindi dahil sa umiinom ako. Pero dahil sa sinusundo ko si Sheena kapag lasing na lasing na ‘to.
Bumalik si Sheena matapos nito umorder. Naupo lang ito sa tabi ko. Hindi naman din nagtagal ay isinerve sa amin ang pagkain at drinks.
Lumapit ito sa'kin, hindi kami gaanong magkarinigan dahil sa lakas ng tugtog sa paligid.
“Eat first then, let’s drink.”
Bumulong din ako sa kaniya. “Busog naman ako, nasaan na ba ‘yong drinks.”Nakalapit pa rin ito sa’kin, “Wow, excited ka? Kumain ka muna.”
Tiningnan ko ‘yong mga pagkain at drinks na nakalagay sa mesa. Hinawakan ko ‘yong bote na kapareho ng nakita ko na gaya sa ibang table. “Ito ba?” Tinanguan lang ako nito bilang sagot.
Tinungga ko agad ito. Hindi naman ganoon kapait ng lasa. Sa katunayan ay masarap ito. Mukhang iba ito sa pinatikim sa’kin ni Sheena noong una.
Umiinom lang ako. Ninanamnam ang katamtamang tamis at pait ng alak. Tiningnan ko pa at inaaninag ang bote.
“Told you, kaya mo ‘yan. It’s just a smirnoff. It won’t hurt. Pero, you’re not in a hurry, Ely. Hinay-hinay lang.” Hawak na rin nito ang isang bote. Kakaaiba ang sa kaniya. Wari ko'y sa itsura pa lang ng bote ay malala na ang tama. Nakita kong umiinom na rin ito.
Tahimik lang kaming dalawa ni Sheena. Habang napalilibutan ng maraming tao. Hindi ko alam kung mayroon ba itong problema. Dahil nitong mga nakaraang linggo ay hindi naman ito nagkukuwento sa’kin. Parating ako lang at ang mga kuwento ko ang pinapakinggan n’ya.
Gusto ko tuloy ma-guilty dahil masyado akong nakatuon sa sarili ko at sa mga iniisip ko sa puntong hindi ko na s’ya nakumusta.
Narinig ko itong nagsalita. Sapat lang ang lakas ng boses nito para marinig ko s’ya. “How are you rightnow?”
Uminom muna ako sa hawak kong bote bago ako sumagot sa kanya. Ilang sandali pa muna akong nag-isip kung kumusta nga ba ako. “Buhay pa naman ako, I'm still breathing.” Isinenyas ko pa sa kanya ang katawan ko. Pinapakitang ayos lang ako.
She laughed and slightly shook his head. “Yes, you look fine ‘Physically.’ What about the inside?” Idiniin n’ya pa talaga ang salitang iyon. Parang nasapul n’ya akong bigla sa kanyang tanong.
“You’re not fine at all.” S’ya na rin mismo sumagot ng tanong n’ya sa’kin. Dahil tama naman s’ya. Baka, hindi naman talaga ako maayos. Baka pinipilit ko lang, maging maayos kahit na ang dami-daming tanong sa isip ko.
I sighed. I have already decided to give up now pretending I’m strong. “You know Sheena, I’m still wondering why it ended so fast knowing that we didn’t even starting yet...”
She replied. “Funny, it’s always the one na ka-vibes natin, it’s always the one who gave us so much to remember.”
My attachment issues now are triggered because of Penguin.
Inilapit ko sa kanya ang hawak na bote, naintindihan naman agad nito ang nais kong gawin. “Cheers for your first heartbreak my favorite cousin.”
Napailing na lang ako’t bumulong sa sarili. “Nothing’s happy missing him this much, but yea, cheers, indeed.”
Nakaupo lang kami ni Sheena at patuloy sa pag-inom. Masyado na rin akong nalilibang at hindi ko na namamalayang nakakarami na ako, nakakarami na kaming dalawa dahil ilang oras na rin ang lumipas at patuloy pa rin kami sa ginagawa.
Hindi ako nakakaramdam ng kakaiba bukod sa antok. Si Sheena naman ay mukhang lasing na. Wala naman itong kibo at patuloy lang sa paglagok sa hawak na bote.
Tinawag ko ang atensyon ni Sheena. “Maudin, pupunta akong restroom. Saan ba gawi, alam mo ba?”
“Left side, Ely. Nakita ko lang kanina.” Sumenyas pa ito kung saang gawi.
I slightly nod at her. Tumayo ako para pumunta sa restroom. Pakiramdam ko kasi ay inaantok at bahagyang nag-iinit na ang pisnge ko.
Pumasok lang ako sa restroom, I’m shocked about the noise inside the cubicles. Gusto ko na lang tuloy takpan ang tainga ko. Live ba ‘to? Ganito ba talaga sa mga ganito? Nakakaloka. Masyadong mahahalay.
Tinitingnan ko ang ibang pumapasok na babae sa restroom, pa-simple kong binabasa ang reaksyon sa mukha nila at wari ko’y normal na sa kanilang makarinig nang ganitong mga ingay.
I looked at my reflection in the mirror. My puffy eyes are visible now and my cheeks are slowly getting red. Alam kong tinatamaan na rin ako ng iniinom namin. Naghilamos lang ako matapos ay naglagay ng powder sa mukha ng sa gayon ay gumaan ang pakiramdam ko at mahimasmasan.
Lumabas na agad ako dahil hindi na rin ako makatagal sa naririnig na ingay sa restroom. Lihim na lang akong napailing.
Palabas na ako ng restroom ng mapahinto ako sa paglalakad at tila napako ako sa aking kinatatayuan dahil sa taong nakasalubong. Hindi ko inaasahang makikita ko s’ya rito. Hindi ko lubos maisip na dito pa kami magkikita.
Katapat lang ng comfort room nang mga lalaki ang sa mga babae. Kaya’t hindi malabong matanaw mo rin ang nasa kabila. Parang napipi ako at umurong ang aking dila. Minukhaan ko pa sandali ang lalaking nasa harapan ko. Baka kasi nagkakamali lang ako at dulot lang ito ng aking nainom.
Nakita kong paglabas n’ya sa men’s restroom at mayroon s’yang kasamang babae. Nakakapit pa ito nang mahigpit sa braso n’ya at animo’ng ahas na nakalingkis. Gulo-gulo pa ang buhok ng babae, s’ya naman ay may bahid pa ng nagkalat na pulang lipstick sa labi. Napahinto rin s’ya nang makilala at matanawan ako. Bakas sa mukha n’ya ang pagkabigla, halatang gusto nitong magsalita ngunit nanaig din dito ang gulat. Hindi ako nakagalaw agad dahil iniisip ko kung dapat ko ba itong batiin o hindi. Kung dapat na lang ba akong magpapanggap na hindi ko s’ya kakilala. Na hindi kami magkakilala.