MISSED

1774 Words
CHAPTER 27 “Ely! Woah! Who are you with? Mukhang ngayon lang nagproseso sa kanya na ako itong kaharap. His lips are slightly parted. Awkward akong ngumiti sa kanya dahil nakatingin ‘yong babaeng kasama n'ya sa’kin ngayon ng masama. Akala mong kakainin ako ngayon ng buong-buo dahil sa kinakausap ko ‘yong kasama n’ya. Dahil kinausap na rin naman ako nito, hindi ko na kinakailangan magpanggap pa na hindi ko ito kilala. “H-hello Kyle! Kasama ko ngayon si Sheena, ang pinsan ko, inaya n’ya ako rito e.” Nakatingin lang si Kyle sa’kin at halata mong gulat ngayon at maraming nais sabihin, pero nang makitang nagrereklamo na sa kanya ‘yong babaeng kasama ay walang pasabing pinaalis na n’ya ito. Nagulat pa ako kung paano itrato ni Kyle ‘tong babae. Napakaloko rin talaga, matapos magpakasaya kasama ‘yong babae ay basata-basta na lang din paalisin. Narinig pa naming dalawa na nagdabog iyong babae at tumalikod sa gawi namin paalis sa tapat ng restroom. “I thought you’re not drinking based from Alec...” Napatikom agad ang bibig nito noong mabanggit ang pangalan ng kaibigan. Ultimo s’ya ay nabigla sa pagkakabanggit sa pangalan ni Alec. Paniguradong alam nito kung nasaan ngayon si Alec, paniguradong may ideya ito sa kung ano mang nangyayari ngayon. Nang marinig ko ang panglan n’ya ay mas lalong nabuhay ang pangungulila ko sa prsesensiya ni Alec. Mayroong kudlit ng sakit sa puso ko nang maalalang ilang araw na kaming hindi nagkikita at nagkakausap. Miss ko na ang boses nito, ang mga biro n'ya pati na rin ang pagsabay n'ya sa'kin mag-almusal sa umaga kahit na hindi naman nito ginagawa 'yon noon. Kuryoso ako kung nasaan ngayon si Alec, kung ano ang mga ginagawa n’ya, kung maayos lang ba s’ya pero hindi ko kayang itanong kay Kyle ‘yon dahil pakiramdam ko’y bago ko pa matapos ang tanong ko ay mauuna na ‘kong umiyak. “Maybe for a change?” iyon lang ang tanging naisagot ko kay Kyle. Tumawa pa ako para maitago ang tunay na nararamdaman. Tumingin lang ito sa’kin, mukhang hindi binili ang sagot at pagpapalusot ko. “Where’s your table? I didn’t saw you earlier?” Pagtatanong nito. “Near bar counter, Kyle. Magtatatlong oras pa lang naman kaming naririto.” Casual lang na sagot ko. Pinipigilan ko ang sarili na magsalita nang magsalita dahil kung hindi ko pipigilan ang sarili ay baka kung anu-ano na ang lumabas sa bibig ko. Napataas ang kilay nito. “And you’re both drinking in that whole 3 hours here? Damn. Nakarami na ‘ata kayo. Kaya n’yo pa ba umuwi? May dala ba kayong sasakyan?” Bakas sa mukha n’ya ang concern sa amin. “Mayroon kaming dala, pinsan ko ang nagmamaneho.” “Where’s she? Let me take you home. Grabe, I didn’t expect you guys here.” Umiiling-iling pa ito. Akala mo namang masamang-masama na magpunta kami sa ganitong lugar. Naglakad kaming dalawa ni Kyle papunta sa table namin ni Sheena. “Mag-isa ka lang bang naririto Kyle?” Hindi ko napigilang tanungin s’ya. Narinig ko itong nasamid sa pagtatanong ko. “Uhm, yea, I’m alone. Why?” Nauuna ito sa’kin maglakad huminto ito saglit at nilingon ako. I shook my head. “Wala lang.” “Do you miss him?” Hindi ko alam ngunit halata sa boses nito ang pang-aasar. Alam ko naman ang tinutukoy n’ya, alam kong si Alec ang pinatutungkulan n’ya ngunit nagpanggap na lang akong walang alam. “Who’s ‘Him’?” I heard his loud laugh. “The first guy that enter your mind when I said ‘him’. Hmm?” “I missed him more than anything. Do you think he feel the same?” My voice sounds so hopeful now. Narinig kong bumuntong hininga ito. “Maybe, Ely. We didn’t now.” Nalungkot ako nang marinig ang sinabi nito. Mas lalo ko lang tuloy naramdaman ang kirot. Masyado akong umasa roon. Hindi ko lubusang tanaw ang dinadaanan namin dahil marami kaming nakakasalubong na tao sa bar. Nakakaramdam na ako ng hilo dahil sa amoy ng piligid, Masyadong matatapang ang amoy nito. Kaya’t pakiramdam ko ay pipikit na ang mga mata ko kung magtatagal pa ng ilang minuto. Nang malapit na kami sa couch kung saan kami nakaupo ni Sheena ay tumama ako sa upuan, mukhang mayroong mga nagtrip at iniharang ito sa daan. Hindi ko ito napansin dahil madilim sa paligid. Napaigik ako sa sakit sa biglaang pagsugid ng kirot sa aking tagiliran. Narinig kong malakas na napamura si Kyle. “F*ck, Ely! Malalagot ako nito kay Alec e. Are you okay?” Ang mga sumunod nitong sinabi ay hindi ko na gaanong narinig. Masyadong nablanko ang utak ko dahil sa bahagyang pagkirot ng aking tagiliran. Nakatayo naman ako agad. Inalalayan ako ni Kyle papunta sa table namin ni Sheena. Nang makarating kami roon ay nadatnan naming nakahiga na ito sa couch at salita nang salita. Kahit na nahihilo na rin ako ay nag-alala ako sa kanya, kung ayos lang ba ang lagay n’ya. Nilapitan ko ito at marahang tinapik ang mukha. “Maudin, ayos ka lang ba? Uuwi na tayo. Bumangon ka na riyan.” “Yes, I’m good. Here’s our car key.” Kinuha ni Sheena ‘yong kamay ko at nilagay doon ang susi. Hindi pa rin ito bumabangon sa pagkakahiga. Si Kyle naman ngayon ay parehong nakamasid lang sa aming dalawa. “Let me help her.” Lumapit na ito kay Sheena. “Who are you?” Tanong nito sa lalaking kaharap.Napasapo ako sa aking noo nang hawakan ni Sheena ang mukha ni Kyle at hinaplos-haplos ito. Hindi naman pumapalag si Kyle at siya’y hinayaan lang. “Nice face huh, ang guwapo.” Itatayo na sana ni Kyle ito at kukuhanin ko na rin sana ang gamit n’ya na nasa couch ng biglang sinunggaban ni Sheena ng halik si Kyle. Napatunganga pa ako ng ilang sandali sa kapangahasan nitong pinsan ko. Gusto ko tuloy pumikit na lang at tuluyang matulog. Hindi nakagalaw si Kyle sa biglaang ginawa ni Sheena. Animo'y naestatwa ito. Napahawak pa tuloy ito sa magkabilang baywang ni Sheena para alalayan dahil kung hindi ay malalaglag ito sa couch. Lumapit agad ako sa kanila at pinigilan ko si Sheena. Ako ang nahihiya para sa ginawa n’ya. Tinulungan ko na lang si Kyle. Mukhang gulat pa ito sa nangyari at hindi pa nagsi-sink-in sa kanya ang ginawa ng pinsan ko. “Let me hold her, just hold her bag. Are you okay?” Iniabot nito sa’kin ang bag ni Sheena. Kinumusta pa ako nito. Kaya ko namang lumakad, kaya ko naman dahil hindi naman ako ganoong nakarami ng ininom. Siguro’y sadyang epekto lamang ito ang antok. “Ipapahatid ko na lang ang sasakyan n’yo, Ely. Sa’kin na kayo sumakay. Ihahatid ko na kayo.” Tumango na lang ako sa kaniya bilang pagsang-ayon, wala na rin ako sa hulog para kontrahin pa ang gusto n’ya. Papalabas na kami sa Resto Bar. Medyo nahirapan pa kaming dumaan nang maayos dahil masyado pa ring maraming tao. Nakasunod lang ako sa kanilang dalawa. Nakita kong kapit na kapit ang pinsan ko kay Kyle at halos nakayakap na rito. Grabe talaga ito. Isa na naman ito sa maraming hindi ka-proud proud na memories ko kasama s’ya. Nang makalabas kaming tatlo ay pinagbuksan kami ng pinto ng sasakyan ni Kyle. Nauna akong pumasok at sinunod nito si Sheena na tulog na tulog na ngayon. Sana lahat, nakatulog na. Gustong-gusto na rin pumikit ng mga mata ko pero napipigil dahil sa isiping kailangan pa naming ligtas na makauwing dalawa. Sinabi ko lang kay Kyle kung saan ang condo namin. Alam naman nito kung saan iyon kaya’t tuloy-tuloy lang ito sa pagmamaneho. Inaantok na ang pakiramdam ko ngunit wari ko’y buhay na buhay ang diwa ko. Ang dami kong tanong ngayon sa isip at ang dami kong gustong sabihin. Tahimik lang kami, nakatanaw lang ako sa aming dinadaanan. Si Kyle naman ay paminsan-minsan kong nahuhuli sa rearview mirror na nakatingin kay Sheena. Napapaiwas tuloy ito sa tuwing nahuhuli ko s’ya. Dahil sa malalim na pag-iisip ay hindi ko na kakayanin pa kung lilipas ang pagkakataong ito para tanungin si Kyle. Kinuha ko ang atensyon n’ya. “Is he okay?” ‘Di ko maitago ang kagustuhang malaman ito. Tiningnan lang ako nito mula sa salamin at patuloy pa rin sa maingat na pagmamaneho. Natagalan pa itong sumagot halatang nag-iisip. “He’s fine, I guess...” Mukhang tama nga akong sa hindi namin muling pagkikita at pag-uusap ay ako lamang ang naapektuhan. Mukhang ako nga lang ang nakakaramdam sa kaniya nang kakaiba. Ganunpaman, kahit papaano ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Nakakalungkot man na hindi na kami nagkakausap pero nang malamang maayos naman s’ya ay sapat na sa’kin. Hindi na ako muling nagtanong pa sa kaniya. Nanahimik na lang ako hanggang sa makarating kami ng condo. Ibinaba at hinatid kami ni Kyle sa mismong unit namin. Si Sheena ay tulog na tulog na ngayon habang hawak-hawak pa rin s’ya ni Kyle. Nang makarating kami sa mismong unit ay binuksan ko agad ang pinto, dinaluhan ko si Kyle para ipasok si Sheena at ihiga ito sa may couch. Matapos noon ay hinatid ko lang ito sa labas ng pinto. “Kyle thank you, hindi ko rin inaasahan na makikita kita kanina. Kaya nagulat din ako. Salamat sa paghatid sa amin at pasensiya na sa abala.” Ngumiti ito sa akin. “Walang anuman ‘yon. Huwag ka na ulit pupunta roon, kayo ng pinsan mo lalo kung kayo lang dalawa dahil mahirap na. What’s her name again?” “Hahaha. Interested?” Malawak akong napangiti. “I have the right to know the name of the girl who kissed me earlier right?” Nakaismid na ito ngayon. Maloko ang tono nito. Tunog heartbreaker. Tunog malakas magpaikot ng babae. “Sheena Maudin.” “Woah, prety like her. Anyway, I have to go, give me the car key. Ipahahatid ko na lang dito bukas ‘yong sasakyan.” Ibinigay ko sa kanya ang susi. Nagpasalamat lang ako rito. Hindi ko na rin mapigil ang kakaibang antok ko at mukhang ngayon ko na nararamdaman ang hilo. “Ely, take care of yourself. Tumango ako sa kanya. “Lagyan mo ng ice pack ‘yong tagiliran mo.” “Yes, noted. Thank you. Mag-ingat ka Kyle.” “I’m not in the position to tell you what’s going on, but please, if ever, try to understand him.” Iyon ang sinabi n’ya sa’kin. Halatang binibigyan pa ako ng palaisipan. Hindi na ako nito hinintay na makapagsalita at makasagot pa, ngumiti lang ito at umalis na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD