CHAPTER 28
Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit na dadalhin ko mamaya sa pagpuntang La Union. Half day lang ang pasok ng Manila University ngayon dahil sa preparation ng gaganaping College Week sa Tuesday. Kaya, maaga kaming nakauwi. Si Gail naman ay pupunta na lang dito sa condo para sabay-sabay na kaming tatlo sa pag-alis mamaya. Unang beses pa lang makakarating ni Gail ng Casa Alta kaya’t excited din talaga ito. Biglaan itong naging pagpunta namin at hindi naaayon sa plano dahil sa totoo lang ay tuwing bakasyon lang din kami namamasyal o kaya’y umuuwi kay lola.
“Elyxiaaaaaaaaaaa!” Narinig ko ang mahabang pagtawag sa’kin ni Sheena mula sa labas ng pinto. Nahulaan ko na agad kung bakit.
Tiningnan ko ang pagbukas ng pinto at ang sabay n’yang pagpasok. Hindi maipinta ang mukha nito habang nakahawak sa cellphone n’ya.
Dumiretso ito sa kama at padabog pa itong naupo sa tabi ko. Nakaharap pa rin ito sa phone n’ya.
“Bakit? Anong nangyari?” taka ko kunwaring tanong.
Tinakpan nito ng dalawa n’yang kamay ang mukha. “Ikaw dapat tinatanong ko kung anong nangyari nung nakaraang gabi ‘di ba? Hindi mo sinabi sa’kin. Tapos---” Hindi nito tinuloy ang sasabihin at nagpanggap na naiiyak-iyak pa s’ya. Akala mo naman talaga.
Tuloy pa rin ako sa pag-aayos. Hindi ko rin alam kung bakit ang dami kong dadalhing damit gayong di naman kami magtatagal. Baka kasi kung saka-sakaling makaisipang kong ‘di na umuwi ay magpapaiwan na lamang ako. Kung maaari lamang.
“Alin ba ang hindi ko sinabi sa’yo?” S’ya ang hinihintay kong magkuwento kung paano n’yang nalaman kung ano man ang tinutukoy n’ya ngayon.
“May nagmessage sa’kin kagabi, ngayon ko lang nabasa.” Huminto pa ito, binibitin pa ang sinasabi.
“Oh, anong sabi sa’yo?”
“Hinalikan ko raw s’ya? Totoo ba? Nakakahiya pala kapag kinumpronta ka mismo. Bakit naman noon hindi ako nahiya?!” Frustrated nitong sabi. Nakakatawa s’yang tingnan ngayon.
“Oo, ginagawa mo talaga ‘yon, pinigilan lang kita. Nakakahiya kasi first time ka kinompronta ‘no”
“Gusto kong sumigaw nang malakas. Hays! Kasi nagmessage pa s’ya para sabihing s’ya raw ‘yong hinalikan ko. Kailangan bang maging aware pa ko kung sino eh, paniguradong hindi naman na kami magkikita?”
“Di mo sure ‘yon.” Agad naman na kontra ko sa kaniya.
Mahina nitong hinampas ang braso ko. “Hindi na talaga, isu-sure ko ‘yon. Ganito pala ang pakiramdam.”
“Malaki ang MU, Sheena. Pero isipin mong nasa isang Unibersidad lang naman kayo, paniguradong magkikita pa kayo n’yan ni Kyle.” Panggagatong ko pa sa hiyang nararamdaman n’ya ngayon.
She rolled her eyes in disgust. “Ayaw ko na talaga, tsaka kilala mo ba ‘tong si Kyle? Guwapo ba ‘to?”
Hinarap ko na s’ya ngayon dahil tapos na rin akong mag-ayos. “Kaibigan ‘yan ni Alec tapos ni kuya Kier. Guwapo ba kamo? Ikaw pa nga nagsabi sa kanya noong nakaraang gabi na guwapo s’ya e. Hinawak-hawakan mo pa nga ‘yong mukha.” Kaswal lang akong nagkukuwento sa kaniya. Gusto na niya sigurong lumubog ngayon sa kinatatayuan dahil sa mga sinasabi ko. Dahil iyon naman ang totoo.
Exxagerated itong tumayo sa harap ko at nagpapadyak. “Grabe naman, baka joke time ka lang ha. Wala akong tiwala sa’yo e. Tsaka ano ba ‘yan kaibigan pala ni Alec the Ghoster ‘yan e. Mas lalong ayaw ko na sa kaniya.”
Nang marinig ang sinabi n’ya kay Alec ay agad ko itong binato ng unan. “Don’t say that. Kahit ganoon nangyari don’t talk s**t behind him.”
“’Di naman mabiro ‘to. Red days ka girl?”
“Loko ka kasi e.”
Umiling-iling na lang ako sa kanya. Natawa lang ito ng makitang pinagtanggol ko si Alec. Ayaw ko lang kasi na dahil sa nangyari ay maidepina na ang kabuuang pagkatao ni Alec. Ako ngang mismong nasasaktan ay hindi ko makuhang magalit sa kaniya at higit sa lahat ay wala akong masamang sinasabi sa kaniya. Pero naiintindihan ko rin naman si Sheena nagbibiro lang iyan at masyado lang ding concern sa’kin.
Hindi pa rin maka move-on si Sheena tinitingnan pa rin nito ‘yong phone n’ya at patuloy sa pagtitipa, mukhang kausap si Kyle. Bagay silang dalawa, mukha kasing nakahanap ng katapat ‘tong pinsan ko.
Nahiga lang ako sandali sa kama at tinitingnan lang s’ya kung paanong mainis sa kausap. Kinuha ko ang atensyon nito.
“Maudin, nagmessage na si Gail. Papunta na raw s’ya rito.”
“Sige, sandali at mag-aayos lang din ako. Nababadtrip ako rito sa Kyle na ‘to.”
Maloko ko s’yang tiningnan at pinapakitang hindi ako na niniwala sa sinasabi n’ya. “Nakakainis ba? Hindi naman halata sa’yo. Mukhang nae-enjoy mo nga kausap e. Tsaka bagay kayo, Maudin.”
Ibinalik n’ya ang tingin sa’kin halatang hindi makapaniwala. “Bagay ako sa lahat, Ely. ‘Wag lang sa kaniya ‘no.”
Lihim na lang akong napangiti. Bagay silang dalawa ni Kyle. Kung magkakaroon man ng pagkakataon itutulak ko talaga si Sheena rito.
“So, mean. Sige na bilisan mo. Para maaga tayo makapunta roon ng masulit manlang ‘yong oras doon.”
Bago ito tumalikod sa’kin ay nagsalita pa itong muli. “Kung saka-sakaling iiyak ka ulit, Ely. ‘Wag mo na ipakita sa’kin. Gegerahin ko talaga ‘yon si Alec oras na makita ko ‘yon.”
“Sige na bilisan mo na parating na si Gail.”
Lumabas na ng kuwarto ko si Sheena. Nahiga lang ako sa kama. I was just staring at the ceiling. I don’t know what exactly I was thinking. My mind seems just a plain black but it speaks a lot.
Hindi nagtagal ay naririnig ko na sa labas ang boses ni Gail. Masyado silang maingay ni Sheena. Nagkakasundo rin talaga silang dalawa ng sobra.
Nang marinig ko ng tumatawag si Gail ay tumalikod ako sa gawi ng pinto. Nagkukunyaring di s’ya naririnig.
“Maiiwan na lang daw ‘yong mga mapagpanggap d’yan. ‘Di deserving na isama.”
Lumingon agad ako sa kaniya nang marinig ang sinabi. Nakakahiya naman ‘ata sa kaniya na ako ‘yong nag-aya tapos ako pa ang maiiwan.
Sinamaan ko s’ya ng tingin. “Ako pa talaga maiiwan ‘no?”
“Ay, biglang nagising?” Tatawa-tawa pa ito. Excited itong tumabi sa’kin. “Ano ba ‘yon?” tanong ko naman sa kaniya.
“Naalala mo ‘yong kinuwento mo sa’kin no’ng nakaraang gabi? ‘Yong about kay Sheena at Kyle. Grabe, kinuwento rin sa’kin ni Kyle tapos halata mong interesado s’ya. Ang dami n’yang sinabi. Too much information na nga e.”
“May potential sila ‘no? Sabi ko nga rin sa sarili ko kung may chance ipu-push ko silang dalawa e.” Nangingiti kong sabi. Noong mapagtanto ko kung bakit kasama ni Gail si Kyle kanina ay tinanong ko agad siya. “Bakit kasama mo pala si Kyle kanina? Akala ko ba nasa inyo ka kanina?”
Gulat ang rumehistro sa mukha nito dahil sa tanong ko. Huling-huli ko sa reaksyon n’ya na mayroong kakaiba. “Ha? Ano kamo ‘yon?”
“Bakit kasama mo si Kyle kanina?” Hindi ako nagpahalata sa kaniya. Casual lang akong nagtanong.
Agad naman itong nakabawi at sumagot agad. “May kinuha sa bahay, may gamit na naiwan si kuya Kier doon, inutusan ni kuya para kuhanin sa amin.”
Tumango-tango na lang ako at hindi kumibo.
Kilala ko si Gail. Ramdam ko kung mayroon itong hindi sinasabi sa’kin. Halata sa kaniyang nagsisinungaling s’ya at hindi nagsasabi ng totoo. Ganoon na lamang kasi ang gulat n’ya nang marinig ang tanong ko at sa reaksyon n’ya ko s’ya mismo nahuli.
Naputol na rin ang pag-uusap naming dalawa nang pumasok si Sheena at tawagin kami. Umakto na lang akong wala akong napansing kakaiba. Ganoon din naman s’ya at kung anu-ano na ulit ang kinukuwento sa’kin.
Ala-una pa lang ay papunta na kaming La Union. Apat na oras ang byahe papunta rito kung kaya’t bago lumubog ang araw ay na sa mansyon na kami ni lola Espe. Hiniling ni lola na doon muna raw kami pumunta para ibaba ang ilang mga gamit na dala at para na rin doon kumain.
Nasa likuran lang kaming dalawa ni Gail at si Sheena ang nagmamaneho. Tanging musika lang ang nagbibigay ng ingay sa loob ng sasakyan. Tahimik lang kasi kaming tatlo. At animo’y mayroong kani-kaniyang iniisip.
Parehong naagaw ang atensyon namin ni Sheena nang magring ang phone ni Gail. Napakalakas naman kasi nito. Agad nitong kinuha ang phone sa bag.
Tumingin pa muna ito sa amin bago sagutin ang tawag. Nag-aalangan. “Hello, kuya, bakit?”
Umiwas ako ng tingin at si Sheena naman ay balik lang ang mata sa harapan. Hindi ko na narinig pa ang usapan ni Gail at ni kuya Kier dahil hininaan nito ang boses.
Matagal-tagal din silang nag-usap na dalawa at matapos nito’y pinatay na ang tawag.
Walang traffic sa tinatahak naming daan kaya’t tuloy-tuloy lang ang naging byahe.
Nagpo-phone lang si Gail sa tabi ko at abalang-abala sa pagtitipa. Napapansin kong hindi ito mapakali kaya’t pinuna ko na ‘to.
“What happened?”
“Wala naman, nagmessage lang din sa’kin mga groupmates ko may pinapasend lang.”
I’m not buying her reasons. Sumang-ayon na lang ako sa kaniya.
After hours of travel nakarating kami ng La Union. Papunta na kami ngayon kay lola Espe.
“Grabe, first time ko rito bestie. Bakit nga ba ngayon mo lang ako isinama rito? All my life ‘di ko alam na nage-exist pala ‘to.” Nakatingin na ito sa labas ng bintana at tinatanaw ang malalaking puno sa labas.
“Gail, inaaya kaya kita rito noon kaso parating nasa ibang lupalop ka ng bansa. Tsaka alam mo namang parating bakasyon o kaya Christmas break kami umuuwi. Biglaan lang din ‘yong pagpunta namin sa Casa Alta last time dahil kay Sheena.”
Narinig kong sumingit sa usapan ang pinsan ko. “’Wag mo na nga ipaalala, Ely. Naiisip ko rin tuloy ‘yong taong kasama ko noon.”
Gail also knew about Sheena and Zen naikuwento ko sa kaniya iyon kaya pareho kaming natawa ngayon sa tinutukoy n’ya.
“Iyan, kapag ‘di ka sure ‘wag mo munang isama sa mga outing.” Sagot naman ni Gail.
“Kung alam ko lang ‘di ba? Masyado naman kasi akong naexcite. Pahirapan tuloy na ‘di s’ya maalala ngayon.”
Tinapik-tapik ni Gail ang balikat ko at ang isang kamay naman n’ya ay kay Sheena. “Guys, okay lang ‘yan. Nakita n’yo ako ‘di broken.”
Hinampas ko ang kamay nito. Akala mo naman talagang kahit kailan di s’ya nasaktan. “Sure ka na ba r’yan Gail? Kinakalimutan mo naman ‘atang nasaktan ka kay David noon kasi may crush kamong iba? Matured mo nga no’n kasi nakita mo lang na may kasama nag-assume ka na.” Pang-aasar ko sa kanya.
“Wow? Pinagtutuunan mo talaga ng pansin buhay ko bestie. Naalala mo pa ‘yon? Ako nga gusto ko na kalimutan. Nakakahiya e.” Tatawa-tawa pa ito.
I somehow felt peace when I’m around them. They’re also my comfort. Nakakatuwang magkakasama rin kami sa lahat, saya man o lungkot.
‘Di nagtagal ay tanaw na namin ang malaking gate ni lola Espe. Nakaukit sa malaki nitong gate ang apelyido n’ya.
“Coronel,” Malakas na pagbasa ni Gail.
“Grabe pa-lowkey lang kayong magpinsan tapos may mansiyon pala kayo. ‘Di ko ineexpect na ganito pala kalaki.” Eksahedero pa nitong sinabi at nakahawak pa sa bibig n’ya.
“Kay lola ‘yan hindi sa amin, Gail.” Sagot ko naman sa kaniya.
“Gano’n na rin ‘yon.”
Pinagbuksan lang kami ng gate ng helper ni lola. Mag-isa lang talaga ito sa bahay, pero paminsan-minsan ay pinupuntahan s’ya ng mga helper n’ya para kumustahin o kaya’y kapag nirequest n’ya gaya ngayong narito kami.
Bumaba na kaming tatlo nila Gail. Nakita agad namin itong si lola sa main door ng mansiyon. Nakaabang at nakatanaw. Lumapit kami agad sa kaniya at excited na humalik dito.
“Hello lola. Namiss ka po namin.” Si Sheena.
“Namiss ko rin kayo mga apo, ito na ba si Gail? ‘Yong kinukuwento mo Lyanne,” malawak ang ngiti ngayon ni lola habang nakatingin kay Gail.
“Ako na po ito, lola. Kinukuwento ka rin po sa’kin ni Ely.” Ibinalik din nitong si Gail ang taas ng energy ni lola sa kaniya.
“Ang ganda mo naman pala lalo sa personal ha.” Pambobola pa ni lola. Pinapanood lang namin sila. Mukhang sila na ‘yong mag-lola ngayon. Ano kayang papel namin ni Sheena sa buhay nila? Biro lamang.
Nang marinig ni Gail ang sinabi ni lola sa kaniya ay lumapit na ito rito at umangkla sa braso. Ang cute nilang tingnan. Magkakasundo rin talaga sila.
Umepal naman si Sheena kay Gail. “Feeling superior na ‘tong bestfriend mo, Ely. Feel na feel ‘yong papuri ni lola. ‘Di n’ya alam lahat ng makita n’yan sinasabihan ng maganda kahit hindi naman.”
I can’t help laughing hard. Totoo naman kasing ganoon ang ugali ni lola. Ganito kalakas makipag-asaran si Sheena. Sumimangot lang si Gail sa kaniya at umirap. Ang pinsan ko naman ay sobrang satisfied kasi nainis n’ya si Gail.
“Ang kulit n’yong tatlo. Halika na muna sa loob at kumain kayo.”
Pumayag kami sa plano ni lola. Bago rin kami kumain, gaya ng nakasanayan kapag mayroong bagong nakakapuntang bisita sa mansiyon n’ya ay iniikot n’ya ito at pinapakita lahat ng mga kagamitan. Sinamahan n’ya si Gail na maglibot sa loob, si Gail naman ay halata mong galak na galak makita ang bawat parte ng mansiyon. Lahat din 'ata ay kinukuhanan n'ya pa ng larawan.