SOFT WAVES

1188 Words
CHAPTER 30 Maaga pa lang ay narito na kami sa Casa Alta. Bago pa man sumikat ang araw kanina ay nakarating na kaming tatlo. Sandali lang ang naging byahe namin dahil malapit lang naman ito sa mansiyon ni lola Espe. Hanggang ngayon ay amaze na amaze pa rin si Gail. Kanina pa ito kumukuha ng mga larawan at hindi mapigil. Nakaupo kami ngayon sa isa sa mga Nipa house na nakahilera malapit sa dagat. Dito kami mag-aalmusal na tatlo. Hindi pa kami kumakain simula kanina dahil ginugol lang namin ang oras sa pag-iikot sa buong hotel pati na rin sa pagbibilad sa araw. “Nag-order ka na ba, Ely? May beer naman na available dito ‘no?” Sabi ng kaharap ko, si Sheena. “Oo nag-order ako breakfast, hindi beer. Aga mo namang iinom.” Mahinahon kong sagot. “May schedule pala dapat? ‘Di ko alam.” Natatawa nitong sabi. “Sige, wag ka na kumain ng almusal. Uminom ka na lang,” plastik ko itong nginitian. “Hindi ka mabiro ‘no. Where’s our food na ba? Gutom na ‘ko.” Pagrereklamo ng pinsan ko. Pinuna ko si Gail nang makitang tutok na naman ito sa phone. “Gail, abalang-abala ka na naman. Mamaya ka na magpipindot d’yan. Parating na rin panigurado 'yong pagkain.” “Wait, importante lang.” ‘Di rin nagtagal ay lumayo ito sa gawi namin at mayroong kinausap sa phone. Mayroong tumawag sa kaniya. Nang makabalik si Gail ay naiserve na ang pagkain namin. Halos lahat ng nasa harap namin ay seafoods. Ang dami masyadong nakahanda kahit na almusal pa lamang ito. Iilan lang ang pamilyar sa'kin na pagkain na nasa harapan. Gaya na lamang ng Prawn policatchu, goan crab curry, scallops at shrimp.Ang iba'y hindi ko alam dahil kakaiba ang itsura.   Kaunti lang ang inorder namin ngunit sinabi noong nagserve ng pagkain na kasama raw sa hotel service itong mga karagdagang pagkain. “Oh, bibitayin na ba tayo? Dami naman ‘ata niyan.” si Gail nang makalapit sa amin. “Nagpapa-impress sa’yo Gail. First time mo raw kasi rito e. Kaya mag-offer daw sila ng bongga.” Pang-uuto ni Sheena kay Gail. Paniwalain pa naman din ‘tong isa. Proud na proud pa itong ngumiti. “Dapat lang no, Sheena. Pagkaganyan sila, babalik-balikan ko talaga ‘tong Casa Alta.” “Guys, kain na muna kayo, tama na daldal.” Napangiti na lang ako nang sabay pa silang dalawa na sumagot. “Opo, mom.” We’re just enjoying the food we’re eating. Napakasarap naman talaga ng mga nakahanda rito. Napakagaling sigurong talaga ng mga nagluluto rito sa resort. Bukod sa taglay na ganda ng Casa Alta paniguradong dahil din sa mga pagkain kung bakit ito talagang binabalik-balikan. After an hour of peaceful eating, napagpasyahan na naming tatlo na magpalit na ng damit pampaligo. Nang makarating kasi kami rito kanina ay hindi pa naman kami agarang nagbabad sa dagat. Naglibot-libot pa lamang kaming tatlo. Alam kong pareho na rin nilang gustong makapagswimming, ganoon din naman ako. Kanina pa rin binabanggit ni Gail sa'kin na gusto na n'yang kuhanan ng litrato ang kani-kaniya naming suot. Narito kami ngayon sa aming hotel room. Abala ang dalawa sa paghahanda ng mga isusuot nila samantalang ako’y kumuha lang ng pares ng two-piece swim suit. Ngayon pa lang ako susubok magsuot ng ganito. Hindi naman ako insecure sa katawan ko sadyang palagay ko lang ay ngayon ang tamang pagkakataon na gamitin ‘tong swimsuit na binibili ko. Nakakatawa lang kasing bumibili ako ng mga ganito tapos hindi ko naman ginagamit. Nauna na akong magpalit sa kanila. Agad na akong pumasok sa restroom. Matapos kong isuot ang kulay pulang tie-front bikini top ay tiningnan ko ang kabuuang repleksiyon ko sa salamin. Napangiti na lang ako nang makita ang sarili. Ngayon lang talaga ako nagsuot ng ganito. Bumagay naman ito sa’kin. Umangat ang kurba sa’king katawan. Bago ako lumabas ay nilagay at ipinatong ko lang din sa’kin ang puting cardigan upang matakpan nang bahagya ang katawan kong tanaw na tanaw ngayon. Paglabas ko ng restroom ay malakas na napatili ‘yong dalawa. “Grabe hot mama!” Pang-aasar ni Gail. Sinamaan ko agad s’ya ng tingin. “Siraulo talaga ‘to.” “You’re so sexy. Can I get your digits, miss ma’am?” “Huwag nga kayong ganiyan na dalawa. Nahihiya na tuloy ako. ‘Wag n’yo ng pansinin. Act normal guys kasi naman e ako lang ‘to.” Maikling sabi ko sa kanila. “Hmmm, iniisip kong pinaghandaan mo ‘tong araw na ‘to, bestie.” May halong tono ng pang-aasar ito. “Sa true.” Pinagtutulungan nila akong dalawang asarin ngayon. Natuwa rin naman ako sa naging reaksyon nilang dalawa. Parang lumundag ang puso ko sa compliment nila. Sobrang na-appreciate ko talaga ang mga ganoong salita. Hinintay ko lang silang dalawang mag-ayos. Parang modelo itong dalawang kasama ko. Hindi na ako magtatakang maaagaw nila ang atensyon ng mga taong naliligo sa ibaba. Sheena is just wearing a simple white one shoulder top at naka-black plunge naman si Gail. Animo’y mayroong swimwear competition dito. Angat na angat din talaga ang ganda nilang dalawa. Pababa na kami ngayon, nadaan kaming tatlo sa hotel lobby. Hindi nga ako nagkamaling nakuha nila ang atensyon sa paligid. Lumapit sa’kin si Gail at bumulong. “Type ka ‘ata nung foreigner, bestie. Nakatingin sa’yo oh. Go ka na r’yan.” Mahina kong hinampas ang braso nito dahil sa pangbubusaka sa’kin. “Ikaw na lang, ganyan pa naman mga bet mo, mas matanda sa’yo.” “Awwe, that’s mean. Innocent until proven guilty, Elyxia Lyanne.” “Mas matanda si David sa'yo." Sinamaan ako nito ng tingin. "Two years lang naman 'yon.Tsk.” Pumunta agad kami sa malilim. Sa ilalim ng coconut tree kung saan mayroong duyan. “Sheena, Ely, let’s go. Let’s take a picture.” Tumayo kaming dalawa ni Sheena at sumama kay Gail.  Ang sabi naming paliligo ay napunta muna sa napakatagal na photoshoot. Enjoy na enjoy rin naman naming tatlo ang pagkuha ng litrato ng isa’t-isa. Kung anu-anong post din ang pinagawa nila sa’kin. Ako talaga ‘yong pinag-iinitan nilang dalawa dahil unang beses ko raw ito. Sinabi pang papasa na raw ako bilang Victoria Secret’s model. Talaga rin namang magagaling silang mang-uto. They keep me entertained. Alam ko naman talaga rin ang dahilan kaya’t pinapagaan nila ang loob ko, sa katunayan, gumagana naman iyon. Matapos naming magkuhanan ng larawan at ang napakatagal na pagflex ng kani-kaniya naming suot ay napagpasyahan na naming maligo. Wala pa masiyadong tao ang lumalangoy sa dagat dahil alanganin ang oras at mayroong kainitan. Tirik na tirik masyado ang araw. Masyado na rin kasi kaming excited na tatlo sa paliligo kaya’t di na namin iniinda ang tumatamang init ng araw sa aming balat. We’re just enjoying and taking our time to feel this different kind of satisfaction. Savoring the moment, feeling the ocean breeze in our faces, the smell of the saltiness of the sea and the soft waves touching our bodies. I’ll never get tired going back here in Casa Alta. It feels good to be back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD