CHAPTER 29
“Ngayong gabi ba ang alis n’yo mga apo? Baka puwedeng bukas na nang umaga kayo pumunta ng Casa Alta, malapit lang naman iyon dito. Namiss ko na mayroong tao rito sa mansiyon. Ngayon lang ako may kasama.” Kaharap namin ngayon si lola. Kakatapos lang namin kumain at magpahinga. Ang iilang gamit ay pinasok na rin muna namin sa kuwarto. Ginagamitan na n’ya kami ngayon ng pangongonsensiya. Ang gusto kasi nito ay bukas ng maaga na raw kami pumaroon sa Casa Alta.
Tiningnan ko si Sheena. “Oh, bakit sa’kin ka nakatingin?” Mataray pa nitong sabi sa’kin.
“Wala, Maudin. Ganda mo.” Nilipat ko naman ngayon ang atensyon kay lola. “Opo lola, sasamahan ka po muna namin. Mayroon pa naman pong kinabukasan.” Nginitian ko ito. Nang marinig ang sinabi ko ay malawak din itong napangiti.
“Tsaka mayroon ka pa ring hindi kinukuwento sa’kin. Gusto kong malaman kung ano iyon.” She slightly raised her brows.
Napatingin kami kay Sheena nang malakas itong tumawa. “Iiyak na naman ‘yan lola. Gusto ko na ngang batukan ‘yan minsan e. Hindi kasi s’ya iyan. Kakaibang-kakaiba.”
Sinamaan ni lola ng tingin si Sheena, nagbabanta. “Maudin, ganiyan ka rin noon ha. Tsaka tandaan n’yong dalawa, ang inaakala nating tayo ay hindi talaga. Lumalabas kung ano at sino tayo bilang tao sa mga sitwasyong at sa mga pagkakataong sumusubok sa’tin. Kaya tama, at some point in our life we actually became the different person.”
I was speechless about what lola Espe said. Tumagos ito. Ang pinsan ko ay ganoon rin, nakikinig. Tumingin ito sa’kin. She mouthed, ‘sorry na’.
Papalubog na rin ang araw lumapit na ngayon si Gail sa inuupuan naming tatlo nila lola. Mukhang tapos na itong kumuha ng mga larawan.
“Ang ganda po talaga rito, puwede bang magpaiwan na lang po ako, lola?” Pagtatanong ni Gail.
“Gail huwag mong binibiro ‘yan si lola, walang kasama ‘yan dito at baka nga paiwanan ka n’yan kasama s’ya.” Panghahamon ko naman.
“Kung hindi lang ako nag-aaral bestie, alam mo ‘yan. Kakayanin ko talaga sa ganitong lugar tapos ang ganda-ganda pa ng mansiyon ni lola. Kahit samahan ko pa s’ya rito, pagbalik n’yo nga lang ako na ‘yong legal na apo, half din ng mana sa’kin na mapupunta.” Siraulo talaga ‘tong si Gail. Hindi rin napigilan ni lola ang matawa. Napakagaan naman kasi ng mood ni Gail. Talagang literal na magliliwanag ang paligid mo kung s’ya ang kausap at kasama.
“Gusto ko na itong bestfriend mo, Lyanne. Buti pa s’ya mukhang nagbabalak na manatili. Paano naman kayong dalawa nitong si Maudin?”
Malalim akong napabuntong hininga. “Malay n’yo po lola, dumating ‘yong panahon na kailangan ko na ritong manatili sa La Union. Malay n’yo po rito ako makapagtrabaho, hindi ba?”
“Eh matagal pa iyon, baka mainip ako, hindi kita mahintay.”
Sinaway naman ni Sheena matapos marinig ang sinabi ni lola. “’Wag nga po kayo nagsasalita ng mga ganiyan. Next year bibigyan na rin kita ng mga apo sa tuhod ayaw mo po palang naiinip e.”
Simula pa kanina ay tatawa-tawa na si lola, lalo pa ngayon. “’Di na ako magtataka kung sa susunod na taon ay mayroon na nga.” Tugon nito agad.
Napapailing-iling na lang ako, kailan kaya seseryoso ang mga taong ito. Pero sigurado ako na pinapagaan lang din ni Sheena ang atmospera sa paligid. Ayaw na ayaw kasi naming parehong pinag-uusapan ang mga ganoong bagay. Hindi namin kakayanin. Takot kami sa realidad ng buhay.
“Si lola naman! Bakit ka nag-agree? Biro kasi ‘yon.” Pagpoprotesta n’ya.
“Ewan ko sa inyo, sandali kukuha ako ng pagkain. Kumain kayo ulit.” Tumayo si lola Espe sa kinatatayuan n’ya. Wala ng bago sa nakasanayan nito. Kapag nandito kami ang highlight talaga ng buong araw namin ay kumain nang kumain.
“Bestie, puwede bang magswimming sa pool? Mukhang maganda sa ibaba, tara kaya?” Pag-aaya ni Gail sa’kin at kay Sheena.
“Oo puwede, r’yan muna tayo ngayon tapos bukas sa Casa naman. Magpalit ka roon sa restroom,” sabi ko pa sa kanya at sumenyas kung saan itong gawi.
“Sige sandali muna rin, kayo rin magpalit na. Masarap maligo sa gabi tapos ang ganda pa ng ilaw d’yan sa pool. Nako sinasabi ko sa’yo Elyxia Lyanne, hindi na ako aahon.”
“E ‘di wag, Gail. Okay lang naman.” Pambabara ko sa kaniya.
“Epal, sandali nga magpapalit na ‘ko.” Inirapan pa ako nito bago tumalikod sa’kin.
Pumunta kami sa kuwarto ni Sheena at kumuha nang damit pampaligo. Gusto rin naman naming dalawa na pagbigyan si Gail sa gusto nito dahil unang beses lang naman n’yang nakarating dito.
“Anong dala mo, Ely? May swimsuit ka ba r’yan?” Pagtatanong sa’kin ni Sheena habang naghahalungkat ng gamit.
“Oo mayroon.” Mahina kong sagot sa kanya, nakatuon din ang atensyon ko sa pagkuha ng rashguard na isusuot ko ngayon.
Gulat itong tumingin sa’kin. “Wow kung saka-sakali parang ngayon lang kita makikitang magswimsuit. Kung nandito si Alec, iisipin kong para sa kaniya ‘yong pagsusuot mo ng bikini.” Pagbibiro nito.
“I dressed for myself. Not for anyone else, Maudin. Tsaka wala na nga rito ‘yong tao e.”
“Ay! Disappointed?”
Iniwanan ko na ito sa loob dahil ang tagal n’yang mamili ng isusuot. Narito lang naman kami ay todo pa rin ito sa paghahanap. Sheena Maudin just being herself, extra as always.
Paggawi ko ng restroom ay nasa labas na si Gail. Naka two-piece swimsuit ito. ‘Di ko rin naman maitatangging maganda talaga ang bestfriend ko, ang height at ang hubog ng katawan nito ay talagang pangmodelo. Dagdag pang grabe rin talaga ang taglay na talino. Beauty and brain talaga si Gail.
“Wow! Pretty mo naman.” Napunta ang atensiyon nito sa’kin. ‘Di n’ya ‘ata naramdaman ang paglapit ko dahil masyadong tutok sa phone.
“I know, bestie. I know. Ako lang ‘to.” Nang makalapit ako sa kaniya ay inilapag na nito ang phone na hawak.
“Hindi manlang naging humble ‘to.” Iniwanan ko na s’ya sa labas. Pumasok ako sa loob ng restroom at nagpalit.
Narinig kong kumakatok na ‘yong dalawa at sinasabing bilisan ko raw.
Paglabas ko ay todo selfie na ang dalawa at grabe na ang pagfe-flex.
“Tagal naman kasi, bilisan mo magpicture tayo. I-story ko ‘to.” Sabi ni Gail.
Lumapit ako sa gawi nila, nasa balkonahe pa rin kami. Medyo madilim na at tanging ilaw na lang mula sa mansiyon ang nagbibigay ng liwanag.
“Tara na sa baba, ligong-ligo na si Gail.” Pag-aaya ko sa kanila,
Pagbaba namin ay nadaanan namin sa sala si lola. Abala pa rin sa paggawa ng paggawa ng meryenda. Nang marinig ang yapak namin pababa ay lumingon ito.
“Oh, maliligo kayo? Bukas ‘yong heater doon. Susunod ako at dadalhin ko itong mga inihanda ko.’
Tumango lang kami kay lola at dumiretso palabas papuntang pool area. Mayroong kubo sa gilid ng pool kaya doon muna kami dumiretso, ibinaba lang ang phone na dala at ang towel.
“Ay! Aray ko! sumobra naman ‘ata sa init ito bestie. Para tayong pinapakuluan.” Tawang-tawa kami kay Gail. Parang tanga lang kasi.
“Sa umpisa lang ‘yan masasanay din katawan mo maya-maya.” Sagot ni Sheena.
Naliligo lang kaming tatlo at patuloy sa paglangoy. Ang sarap at ang payapa sa pakiramdam. Tama lang talaga ang desisyon kong pumunta rito.
Patuloy lang din sa paghaharutan si Sheena at Gail dito sa pool. Enjoy na enjoy naman ang mga ito. Literal na parang mga bata.
Nang makaramdam ako ng bahagyang panlalamig sa tubig ay napagpasyahan kong pumunta sa kubo noong matanaw kong naroon na si lola at pinanonood kami.
“Wait muna, puntahan ko lang si lola sa kubo. D’yan lang kayo ha.”
Tumango lang silang dalawa sa’kin.
Naglakad ako papunta kay lola. Noong napansin ako nito ay iniabot agad sa akin ang tuwalya.
“Bakit umahon ka na apo? Nilalamig ka na ba?”
Ipinatong ko lang sandali sa katawan ko ‘yong tuwalya at tinabihan si lola sa loob ng kubo. “Medyo malamig lola, samahan na rin po kita rito.”
Nakatingin lang kami sa gawi nung dalawa. Nakatanaw sa kawalan. Hindi ko rin alam kung ano ba talagang tinatanaw ko.
Nagsimula akong tanungin si lola. “Kumusta ka po? Kumusta po ang kalusugan n’yo lola? Hindi po namin kayo napapansin na nagse-send ng result ng mga test n’yo. Tuloy ka naman po sa check mo hindi ba?” Sunod-sunod kong sabi.
Humarap na ito sa akin ngayon. “Mabuti naman ako, tuloy pa rin naman ang check-up ko, Lyanne. Kasama ‘to sa pagtanda kaya huwag kayo masyadong mag-alala sa’kin.”
“Basta po lola, tawagan n’yo po ako o si Sheena pag kailangan mo ha? ‘Wag po puro candy crush, imessage n’yo rin po kami, sasagot po kami, pangako.”
Ginawaran ako nito ng maliit na ngiti. “Ikaw, kumusta ka? Anong dahilan ng pagtakas mo? Kabisado kita, noong kausap ko palang si Maudin alam kong mayroon ng mali.”
I started to feel heavy, tinatanong lang naman ako ni lola pero ngayon pa lang ay parang gusto ng sumabog ng emosyon ko.
“Hindi ko po alam kung paano ko sisimulan, lola. Masyado po ‘atang naging mabilis ang pangyayari. Simula po noong araw na makita ko s’ya, pakiramdam ko po mayroon kaming koneksiyon, pakiramdam ko po pamilyar s’ya sa akin. Hanggang sa gusto ko na po s’yang mas kilalanin, parati po s’yang nasa isip ko.” Huminto ako sa pagsasalita dahil nadistract ako sa malawak na ngiti ni lola sa’kin habang matiim na nakatingin.
“Bakit po lola?” taka kong tanong. “Wala naman apo, ‘di ko lang inaasahang maririnig kitang magkuwento ng ganiyan sa’kin ngayon. Magpatuloy ka.”
Gaya ng sabi n’ya ay nagpatuloy ako sa pagkukuwento. “Ang dami po naming pagkakapareho, ang dami po naming pinagkakasunduan, ang dami n’ya pong binabahagi sa’kin lola. Lahat po iyon tandang-tanda ko, lahat po ng sinabi n’ya sa’kin palagay ko ay nanirahan na sa isip ko. Hindi ko po magawang makalimutan ultimo iyong maliliit na detalye.” Malalim akong bumuntong-hininga.
Hindi pa rin kumikibo si lola, binibigyang pagkakataon pa akong magsalita. “Ang sabi n’ya po sa’kin lola, para lang daw po s’yang buwan, hindi ko man daw po kita paminsan-minsan pero nariyan lang daw po s’ya, nakatanaw at nakabantay. Lola, matapos ko pong maramdaman ‘yong saya at kapayapaan habang kasama s’ya, hinihiling ko pong huwag na ‘yon matapos. Hindi ko po inaasahan na bigla na lang s’yang mawawala sa’kin. Alam ko pong hindi ko s’ya pagmamay-ari lola. But I feel like he owns me that I belong to him.”
Ipinatong ni lola Espe ang kamay n’ya sa ibabaw ng kamay ko. Nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha ko ngayon. Ang kaninang pinipigil na emosyon ay parang bulkang sumabog.
“Apo, mahal mo s’ya ‘no? Kitang-kita ko sa mga mata mo ngayon.”
Tumango lang ako kay lola. Patuloy pa rin ang mahihinang hikbi ko.
“Tandaan mo, Lyanne. Nasa tamang pagkakataon at tyempo ang lahat. Ang sabi n’ya nga sayo ay para siyang buwan ‘di ba? Kung ganoon, hintayin mo s’ya, paniguradong bago dumating ang panibagong kinabukasan, sa gitna ng gabi, hindi natin masabi , baka ang buwang hindi mo tanaw noon ay maaring hawak na ng dalawa mong mga kamay. If you love him, you must wait. Endure a little longer. Hold on even tighter. At sa pagkakataong hawak mo na s’ya, sabihin mo kung anong nararamdaman mo sa kaniya at ‘wag na ‘wag mo ng pakawalan.”
“Hindi ko po sigurado kung magpapakita pa ba s’ya sa’kin , lola. Hindi ko po alam kung masasabi ko bang mahal ko s’ya. Wala po akong ideya sa kung anong mangyayari sa paghihintay ko.”
I heard him sigh. “Life is a leap of faith. We can’t ever tell where we are heading unless we try, we hope, unless we wait, unless we are willing to take the risk. Kung saka-sakaling sa paghihintay mo’y walang mangyari, pasalamatan mo pa rin ang sarili mo dahil alam mong sinubukan mo, wala kang pagsisisihan, Lyanne.”
After hearing what lola Espe said, sudden realizations hit me. Tama ang lahat ng punto ni lola. Sadyang naroon lang ang takot sa’kin.
Pero sa mga sandaling ito, naisip kong hindi ako ganoon kagaling sa paghihintay.
I hate waiting, but if waiting means being able to be with him, I will wait, I'll wait forever if that’s how long it takes.