HOME

1578 Words
CHAPTER 31 It’s already 6pm, nagpapahinga kami ngayon sa loob ng hotel room. Pagod kami sa maghapong pagtatampisaw at paglalaro sa dagat. Papalubog na rin ang araw nang mapagpasyahan na naming umahon. Ayaw din kasi paawat nitong dalawa. Talaga namang sulit na sulit ang oras namin kanina. Nakahiga lang kaming tatlo ngayon sa kama, magkakatabi. Si Sheena ay nagpapaantok, samantalang sa tabi naman ni Sheena si Gail. Nagpo-phone. Tahimik lang kami at ang malamyos na tugtugin lang sa loob ng hotel room namin ang nagsisilbing ingay. Tumingin sa gawi ko si Gail at mahina ang boses na nagtanong. “Bestie, anong oras ka matutulog? ‘Di ka na ba pupunta sa baba?” Napakunot-noo ako sa tanong n’ya, nagtataka. “Hindi ko alam, bakit?” She just shrugged, ignoring my answer. Nag-usap kaming tatlo kanina na magpapahinga na lang kami para sa mga water activities na gagawin namin bukas. Alam na ‘yon ni Gail kaya’t nakakapagtaka lang na nagtatanong na naman ito ngayon. Kinuha ko muli ang atensyon nito. Nagbubulungan lang kaming dalawa dahil tulog na si Sheena na ngayon ay napapagitnaan naming dalawa. “Pst. Gail! Bakit nga?” Agad naman itong lumingon sa’kin. “Naisip ko lang kung anong itsura ng Casa Alta sa gabi. Gusto kong makita. Bumaba kaya tayo maya-maya? Sandali lang naman, doon na rin muna tayo, habang nagpapalipas ng oras.” Agad naman akong sumang-ayon sa gusto n’ya, kasi totoo naman ding kahit alam mo na ang itsura ng Casa Alta sa maliwanag, iba pa rin sa pakiramdam na makita ito sa gitna ng gabi. Lalong-lalo ng iba talaga ang dulot nito sa pakiramdam. Kahit na ang unang beses ko rito ay hindi ganoon kaganda dahil sa hindi inaasahang pangyayari. I just checked our pictures earlier. Ang gaganda ng mga litrato namin. I posted one of my pictures in my i********: stories. Napakatagal ko pa itong pinakakatitigan kanina bago ko napagpasyahang I-post ito. Hindi pa man din nagtatagal ay nakapagreply na itong bestfriend ko. Akala mo namang hindi kami magkasama at magkatabi lang ngayon. Isa pa, s’ya ang kumuha ng litrato sa’kin. Binasa ko ang message nito. “Ganda mo naman po, single ka po ba or taken?” Natawa ako. Seryoso pa talaga  itong nakaharap sa phone n’ya. Sinakyan ko na lang ang kalokohan n’ya. “Taken. Taken for granted...” Pagkasend ko pa lang ng reply ko sa kanya ay nakita ko ng napangiti ito. “Sa true lang ‘yan bestie.” Bumangon ako sa pagkakahiga at pasimple s’yang hinampas, ingat na ingat na baka magising at maabala namin si Sheena. Tawang-tawa lang si loko. Nakita kong sumilip si Gail sa phone n’ya at agarang umalis sa kama. “Tara, baba na tayo. Gusto mo bang uminom?” “Wow, Gail. Umiinom ka na rin?” Gulat kong tanong sa kaniya. Nagkibit-balikat lang ito sa’kin. “Try lang naman sana.” “Huwag na, magpalamig na lang tayong dalawa roon.” Lumapit lang ako sa couch at kinuha ang hoodie ko. Sinuot ko ito sa’kin. Nakapantulog na kaming pareho ni Gail ngayon. Hindi na rin namin ginising si Sheena kayat’ hindi kami nakapagpaalam na lalabas. Naglalakad lang kaming dalawa ni Gail habang tinitignan ang paligid. Marami pang tao sa lobby ng hotel. Mga wala pang balak na mga magpahinga. Papunta kami sa puwesto namin kanina kung saan naroon ang duyan dahil iyon ang perpektong lugar para matanaw ang kabuuan ng Casa Alta. Nang makarating kami sa ilalim ng puno kung saan naroon ang duyan ay sabay pa kaming naupo. Kasyang-kasya kami ni Gail. Animong ginawa talaga ito para sa amin. Pareho kaming walang imik, nakatingin lang kami sa iilang naliligo pa sa dagat. Tinatanaw ang mahihinang hampas ng alon. S’ya ang bumasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa nang magtanong ito. “Bestie, where do you see yourself five years from now?” “Journalist pa rin, nagsusulat na sa mga kilalang company ng dyaryo. Contributor at editor ng TML.” Dire-diretso kong sabi sa kaniya. Ganoon na nga lang siguro ako kasigurado, sa puntong hindi ko na kailangan pang isipin kung ano ang ginagawa ko no’n limang taon mula ngayon. I saw her smile. “I admire you because you’re really sure about things, about your plans, it’s really clear.” Isinandal nito ang likod n’ya sa duyan. Nakahaharap na ito sa gawi ko. “Ikaw, saan mo nakikita ang sarili mo limang taon mula ngayon?” Balik na tanong ko naman sa kanya. Itinaas nito ang dalawang kamay at ginawang unan sa ulo. Nakatingin lang ito sa kawalan. “Alam mo, gusto ko naman itong ginagawa ko. Hindi ko lang maiwasang isipin na, paano kung ngayon ko lang ito gusto? Paano kung sa susunod na buwan o kaya sa susunod na mga taon, mawalan na ako ng interes dito? O baka kaya, along the way mapagod ako. Kaya sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano bang dapat isagot ko r’yan. Kasi mismong ako, hindi ko pa makita ‘yong sarili ko na nakapirmi na talaga sa isang bagay.” Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Gail. Ngayon lang ito nagsabi ng ganito sa’kin, kaya’t hindi ko maitago sa sarili ang gulat. Mukhang ayos naman kasi ito, mukhang hindi naman ‘to nag-iisip ng iba, ngunit ngayon, habang pinapakinggan s’ya mas lalo kong naunawaan ang nais n’yang iparating. “Pakiramdam ko kasi, hanggang ngayon hinahanap ko pa rin ‘yong gusto kong gawin talaga sa buhay. I wanted to do something na makakapagpasaya talaga sa’kin. Kaso, hanggang ngayon wala akong ideya kung ano ‘yon. Sinubukan ko ‘tong kurso natin, bestie. Ayos naman, okay lang. Pero alam mo ba iyon? Para bang hindi ako satisfied.” Mayroong lungkot sa mga mata nito. “Gail, I admire you too. Kasi alam mo? Atleast sumusubok ka, atleast sinusubukan mo. Ikaw na nga rin ang nagsabi hindi ba? Patuloy mo pa rin kamong hinahanap ‘yong mga bagay na gusto mo talagang gawin. Don’t stop. It’s not just a one-time process. Continue exploring and discovering kung saan ka ba magiging productive at the same time kung saan mo makukuha ‘yong fulfillment.” “You know bestie, you’re right. Naghahanap naman ako e. Hinahanap ko naman. Kaso ‘yong thought na paano kung masayang ‘yong mga taon ko kakahanap ng gusto ko talagang gawin ‘di ba? Tapos ‘yong mga kasabayan ko, alam na nila kung para saan sila, baka ako nawawala pa rin no’n.Baka ako ‘di ko pa rin alam purpose ko no’n.” Lumingon na ito sa’kin. Animo’ng sa akin makikita ang mga sagot sa katanungan n’ya. “Kailan pa naging waste of time ‘yong paghahanap kung para saan ka talaga? Parte iyon Gail ng proseso. Iyang mga experiences na makukuha mo along finding where you belong? Makakatulong ‘yan sayo. Maybe not now, hindi mo pa marerealize ‘yon. Pero sigurado ako, it will help you. Hindi ‘yon sayang, Gail. Atsaka isa pa, huwag mong ikumpara ang sarili mo sa iba, mayroon tayong kani-kaniyang oras. Mayroong kani-kaniyang nakalaan sa’tin. Baka maaga lang nilang nalaman kung anong para sa kanila. Pero hindi ibig sabihin no’n nahuhuli ka na. Wala naman tayo sa karera, Gail. Take your time, finding it.” Kinuha ko ang kamay nito sa likod ng kanyang ulo at hinawakan. “Kung saka-sakaling nawawala pa ako no’n o kaya patuloy ko pa ring hinahanap ‘yong purpose ko. Nariyan ka lang naman ‘di ba, bestie?” I hug my bestfriend. Assuring her. “Sabay nating hahanapin kung para saan ka. At anumang gusto mong gawin, sigurado akong suportado kita.” Niyakap ako nito pabalik. “Ang drama natin, ang drama ko masiyado.” Sinundan agad nito ng mahihinang tawa. Kumalas na ito sa pagkakayakap sa’kin at umayos na ito ng upo. “Ang lamig naman pala rito,” narinig ko ang pagrereklamo nito. “Kanina pa tayo rito, ngayon mo lang naramdaman?” sagot ko naman sa kaniya. “Sorry naman, wala pa ako sa wisyo kanina. Kaya manhid ako. Sandali nga muna, kukuhanin ko lang ‘yong sweater ko sa itaas. Ayos ka lang naman d’yan ‘no? Iwanan na muna kita sandali ha.” Tumayo na ito at akmang tatalikuran na ako. “Gail, papanhik na rin ako. Doon na lang din ako sa itaas.”Nararamdaman ko na rin kasi ang lamig. “Huwag na, babalik ako. Sandali lang. Hintayin mo ko.” Hindi na ako nakipagtalo pa sa kaniya. Hinayaan ko na ito. Sinabayan ko rin ng paglakad si Gail, papunta naman ako malapit sa dagat. Yakap ko ang sarili dahil sa lamig na dumadampi sa’king balat. Gusto ko lang makita sa malapitan ang buwang nakatanaw sa’kin ngayon. Gusto ko lang maramdaman ang presensiya n’ya. Sandali kong ipinikit ang mga mata, umuusal ng mga salitang alam kong mananatili lang sa’kin. Ganoon pa man, pilit akong nagbabakasakali. Babalik na sana ako sa duyan kung saan kami nakaupo ni Gail kanina para roon s’ya hintayin nang maestatwa ako sa aking kinatatayuan dahil sa biglaang paghawak sa’kin at pagyakap. Naramdaman ko ang bisig na nakapulupot sa’kin ngayon. Sumariwa tuloy sa isipan ko ang unang beses na naririto ako. Ganitong-ganito rin ang nangyari noon. Hindi agad ako nakagalaw. Ang mata ko’y muli kong ipinikit, nakikiramdam. I am wondering at this moment. I'm supposed to feel scared. But this sudden hug and touch that I felt in my body, it’s familiar and it feels like I’m home. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD