CHAPTER 32
Sometimes home isn’t four walls, it’s two eyes and a heartbeat.
The moment our skin touched, I knew it was him. I knew it’s Alec.
“I miss you, Xia.” I heard his familiar voice. Puno ito ng pagsamo.
Hindi pa rin ako gumagalaw mula sa pagkakakulong ng mga bisig n’ya sa’kin. Hindi ko pa rin ito hinaharap. Dahil kung sakaling sa paglingon ko’y wala talaga s’ya at tanging panaginip lamang ang lahat, gusto ko na lamang manatili pa, gusto ko na lamang maramdamang muli ang init ng yakap n’ya.
Malalim akong bumontong-hininga. Wari ko’y nag-iilusyon lamang akong muli. Baka isa na naman to sa epekto ng labis kong pangungulila sa presensiya n’ya.
“If ever I’m dreaming, please, please...” Parang tangang pagkausap ko sa sarili. Bahagya ko pang tinapik-tapik ang aking pisnge.
Naramdaman ko ang mga kamay n’yang pumigil sa’kin. “You’re not dreaming, turtle. I’m here.”
Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at dahan-dahan akong ipinihit paharap. Ipinikit ko ang mata, pinakikiramdaman lang ang lalaking nasa harapan.
I heard him talked. “Open your eyes please.” Awtomatiko naman ang naging pagtugon ko sa sinabi nito. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko. Inaaninag s’ya. Pinapamilyaran. Kahit naman alam kong s’ya talaga ito dahil sa kakaibang dulot ng presensiya n’ya sa’kin.
Nang oras na mapagtanto kong totoong si Alec ‘tong nasa harapan ko’y parang nablangko ang utak ko. Ang tanging alam at gusto ko lamang gawin ngayong mga sandaling ito ay yakapin s’ya.
Malalim ang naging tingin nito sa’kin, animong binabasa ang buong kong pagkatao. Hindi ito umiimik, halatang hinihintay ang magiging reaksyon ko. Hindi ko na pinalipas pa ang oras at niyakap ko ito ng mahigpit.
“I miss you, Alec. I miss you, I miss you.” Paulit-ulit kong sabi sa kaniya habang nakayakap nang mahigpit dito. ‘Di ko mapigilan ang nag-uumapaw na pakiramdam. Nag-uunahan sa pagtulo ang aking mga luha.
Naramdaman ko ang balik nitong yakap sa’kin. Hinihimas nito ang likod ko, inaalo. “I miss you more. I’m sorry, turtle. Narito na ‘ko ulit.” Rinig na rinig ko ang paghinga nito. Ganoon kami kalapit ngayong dalawa.
Hindi ko pa rin ito binibitawan at pinapakawalan. Patuloy lang ako sa paghikbi. Hindi ko na matukoy kung ano bang eksaktong nararamdaman ko sa mga oras na ito.
“Sssshh, tahan na. Huwag ka na umiyak.” Hinarap ako nito sa kan’ya at bahagyang kumalas sa pagkakadikit namin ngunit hawak pa rin nito ang mga kamay ko.
“B-bakit ka nawala? Hindi ka nagsabi sa’kin. Iniisip ko kung nasaan ka, iniisip ko kung anong ginagawa mo o kung maayos ka lang ba.” Bakas sa pagkabasag ng boses ko ang lungkot. Bahagya pa ang aking pagkautal. Parang akong batang nagsusumbong dahil mayroong umaway sa akin.
Marahan nitong hinaplos ang mukha ko. Tinutuyo ang mga luha. “Hindi ka rin nawala sa isip ko, Xia. Alam kong mali ‘yong ginawa ko... na hindi manlang ako nagpaalam at nagsabi sa’yo. Kaya heto na ‘ko ngayon. Ayaw kasi kitang tuluyang mawala sa’kin, kung palilipasin ko pang muli ang ilang araw.” Humina ang boses nito nang sinabi ang huling linya.
“Nararamdaman ko naman na mayroong kakaiba nang araw na ‘yon. Hindi ako nagtanong kasi alam ko namang magsasabi ka sa’kin lalo na kung maari ko ba ‘yon malaman.”
"I'll explain everything, kapag puwede na. Just trust me, Xia.” Mayroong munting pag-asa at pagmamakaawa sa boses nito nang sabihin n’yang magtiwala ako sa kaniya.
Ngayong nasa harapan ko na s’ya. Para bang biglang naglaho ‘yong paghahangad kong malaman ‘yong mga rason kung bakit s’ya nawala. Wala ‘yong halaga sa’kin dahil sapat na sa’kin makita s’ya ngayon sa’king harapan. Habang hawak n’ya ako, habang hawak namin ang isa’t-isa, panatag na ako roon.
Tumango ako sa kaniya. “I’ll trust you extra this time. Ipangako mo rin sa’kin na kung ano man ‘yong mga bagay na bumabagabag sa’yo ay sasabihin mo sa akin.” Hinila ako nitong muli para maglapat ang aming mga katawan. “I will, I will let you know. Promise. I’m really sorry, Xia.” Paulit-ulit itong humihingi ng paumanhin sa’kin.
Ayaw ko namang aminin sa sarili kong kahit na wala akong marinig na patawad o kung ano pa man mula sa kaniya, ay ayos lang sa’kin. Gaya nga ng sabi ko, sapat nang makita s’ya ngayon. At isa pa, wala naman akong naramdamang galit sa kaniya. Hindi ako galit sa kaniya dahil mas nangingibabaw pa rin ‘yong pagmamahal.
“Stop saying sorry, Alec. Hindi naman ako galit sa’yo.”
Siguro nga talaga ay ganoon na lamang ako kalambot sa kaniya, natunaw na ang lahat ng pangungulila, lungkot at sakit na naramdaman ko noong mga nakalipas na araw na wala s’ya.
“Halika, maupo tayo.” Hinawakan nito ang kamay ko at giniya ako papunta sa gawi kung saan ‘di kami maaabot ng alon. Kung saan hindi kami mababasang dalawa.
Sabay kaming sumalampak at naupo ni Alec sa buhanginan. Hindi nito pinapakawalan ang kamay ko. Gaya rin naman n’ya, ayaw kong bitawan n’ya pa ako.
Titig na titig ito sa’kin. Ngayon ko lang naiisip ng lubos ang nangyayari. Lalo na kung bakit nga ba s’ya naririto ngayon.
“Paano mong nalaman na narito kami ngayon?” Takang tanong ko. “From Gailey. Last thursday pa lang alam na naming aalis kayo. Nagpunta kami ni Kyle sa kanila dahil mayroong pinakuha si Kier. And I’m actually planning to reach you out. Kasi hindi ko na kaya. Hindi na ako tatagal.” Pagpapaliwanag nito.
Nagulat pa ako sa sinabi n’ya. So, all along, Gail knew that Alec is back. Kaya pala ganoon na lamang ito ka-balisa noong araw na ‘yon.
“Gail is mad. Ayaw n’ya pang sabihin sa’kin noong una pati na rin kay Kyle. Kaso, hindi nakatiis kaya bandang huli sinabi n’ya pa rin kung saan kayo papunta. She threatened me. Sabi n’ya mawawala ka na raw sa’kin kung hahayaan pa kita.” Dagdag ni Alec.
“Grabe ‘yang si Gail. Pala-desisyon talaga. Huwag ka ngang naniniwala roon basta.” I laughed a bit. Pinapagaan ang atmospera sa pagitan naming dalawa. Masyado naman s’yang natakot. I continued talking. “Kaya pala abalang-abala si Gail sa phone n’ya noon. Panay rin ang tawag ni kuya Kier. Kasama mo ba sila ngayon?”
Pinaglalaruan ni Alec ang mga daliri ko. Habang ang isang kamay ay hawak-hawak pa rin. Hindi ako nito nililingon. “Yes, I'm with them. Sabi ko nga’y kahit ako na lang ang pumunta. I knew this. Casa Alta has a special place in my heart.”
I’m a bit shocked, alam n’ya pala ito. “Nasaan sila ngayon?” Lumingon pa ako sa paligid. Sinusubukan silang hanapin.
“I don’t know, maybe with Gail.”
Sandali kaming natahimik na dalawa. Parehong malalim na nag-iisip. Hindi ako makapaniwalang kasama ko s’ya ngayon. Na katabi ko s’ya at abot-kamay ko na.
“Xia.” Pagtawag n’ya sa atensyon ko. “Uhmm?” Inilipat ko ang mata sa kaniya.
“I don’t want to lose you,” noong marinig ang sinabi n’ya ay parang tumalon ang puso ko. Masayang-masaya ito ngayon. Hindi ko mapangalanan.
Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang balikat. “You’ll never lose me. Never.”
Ipinangako ko sa sariling kung sa oras na dumating ‘yong pagkakataon na makikita ko ng muli si Alec. Sasabihin ko na ang nararamdaman ko para sa kaniya. Nagplano na ‘ko noon, ngunit kahit pala paghandaan mo, kapag naririto ka na sa mismong sitwasyon ay lulukubin ka ng kaba.
“I experienced how hard to be away from you. I was miserable not hearing your laugh, wasn’t able to see your smile and not feeling your warm hug. I know that time that I was so empty because I’m aware with the feeling being so full and contented while you’re here by my side.”
Habang nakikinig ako sa kaniya ay kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko. Nakalutang na ‘ata ang mga paa ko ngayon dahil sa mga sinasabi n’ya. Hindi ko alam kung nagtatapat ba ito. Hinihintay ko s’yang magsabi at kung saka-sakaling hindi ko man marinig ‘yon mula sa kaniya, hindi ako mag-aaksaya pa ng panahon para aminin kung ano talaga ang nararamdaman ko.
Love is not about being reciprocated. Ang mahalaga ay masabi ko iyong nararamdaman ko sa kaniya. Hindi naman n’ya kailangang mapilitang ibalik sa akin ‘yon.
I’m just staring at our intertwined hands.
“Elyxia Lyanne, with hundred percent certainty, I'm sure about you.” Huminto ito sa pagsasalita. Napalingon agad ako sa kaniya nang marinig ang sinabi. “Ano?” Gulat ang naging reaksiyon ko. Nakita ko itong natawa.
“I said I’m sure about you.” He just repeated what he said. Mahina ko itong hinampas, ayaw pa kasing ako nitong diretsahin.Masyadong paligoy-ligoy. “Anong ibig mong sabihin?”
I saw his smile. Halatang nagugustuhan ang nakikitang reaksiyon na nanggagaling sa akin.
Habang malawak itong nakangiti ay sinabayan n’ya ito ng salitang nagpawala ng sistema ko.
“I love you,” he slightly pulls me to get closer with him. Naramdaman ko ang malambot nitong labi sa aking noo. Ginawaran ako ng mabilis ngunit mabining halik.
Nang oras na dumampi ito sa’kin ay sabay kong ipinikit ang mata. I was stunned because of his sudden action. Hearing him say that he loves me and knowing that he feels the same way. I am sure that it is not just a butterfly but I definitely felt the whole zoo in my body.
Naniniwala na ako ngayon. Ito na mismo ang patunay.
The best and most beautiful things in the world cannot be seen or touched but they must be felt with the heart. And everything happened at this moment, in front of the ocean waves that’s starting to calm, in front of this wet sand, in front of this random people, I knew in my heart that I felt his love and sincerity.
Hindi ako agad nakagalaw, pilit pang pinoproseso ang ginawa n’ya sa akin pati na rin ang sinabi nito. After a second, he grabs my waist for a tight hug and leaned his head in my shoulders.
I whispered something to his ear that made him rigid. “I guess, we’re not lost anymore. Because we found each other's safe place now, Agape.”