CHAPTER 33
“I wouldn’t let this day to slip away, Alec. I don’t want to miss my chance to say that...” Kabado kong sabi sa kaniya.
Hinarap ako nito, pinipigilan ako sa sasabihin ko, naramdaman ko ang daliri n’ya sa aking mga labi. “It’s fine if you’re not yet ready. Don’t rush because I'm not in a hurry. I’m just letting you know what I really feel.”
Natawa ako nang marinig ang sinabi n’ya. He stared at me with disbelief.
“Ang lagay ba ay ikaw lang ang puwedeng umamin sa ating dalawa?” Umiwas ako ng tingin sa kaniya matapos kong sabihin iyon.
“What did you say?” Pinipilit na ako nito muli na lumingon sa kaniya ngunit iniiwas ko pa rin ang mukha ko. Iniinis s’ya.
“Baby,” narinig kong binulong n’ya sa aking tainga. Hindi ko maiwasang kiligin sa paraan ng pagkakasabi n’ya. Masyado itong malambing.
Traydor talaga ang buo kong pagkatao dahil isang sabi n’ya lang n’on ay lumingon agad ako sa kaniya.
“Okay, so you like ‘baby’ huh?” Diniinan n’ya pa talaga ‘yong pagkakasabi n’ya sa salitang ‘baby.’ Talagang nang-aasar. Tawang-tawa pa ito.
“Alec, Mahal din kita.”
After saying that, I feel relieved. Silence between the two of us happened. Sa wakas ay nasabi ko na rin ‘tong matagal ko nang gustong sabihin sa kaniya. Hindi ko alam kung ito yung perpektong tyempo, pero sigurado akong ito ‘yong tamang pagkakataon. Mayroon na akong pagkakataon para sabihin sa kaniya kaya’t hindi ko na ‘to sinayang pa.
Ang katabi ko ay natahimik, natigil sa pagtawa. It’s visible in his eyes that he’s shocked. His lips are slightly opened. Ganiyang-ganiyan rin ako kanina nang sabihin n’yang mahal n’ya ako. I feel you, Alec Bren.
“Tama naman ‘yong pagkakarinig ko ‘di ba?” Pagtatanong nito sa’kin. “Ano ba ‘yong narinig mo?” agad ko namang sagot.
Mas inilapit nito ang sarili. Tinatanggalan ang espasyo ang pagitan namin. Bumulong si Alec at animong takot na marinig ng iba. “Na mahal mo ‘ko,” kitang-kita ko ang pamumula sa mga tainga nito.
“Mahal kita.” Pag-uulit kong muli sa sinabi ko kanina.
Malawak itong napangiti, tinakpan ng dalawang kamay n’ya ang mukha. Nagtatago, pinipigil ang kilig. I love this side of him, mali pala ako, mahal ko ang lahat sa kaniya.
Tumayo ito at tumakbo palayo sa’kin. Nagtaka pa ako sandali, hinayaan ko lang ito dahil tanaw na tanaw ko pa rin naman s’ya. Narinig ko itong sumigaw ng pagkalakas-lakas, sa gitna ng mga tao, sa gitna ng gabi.
“Elyxia Lyanne said she loves me.” He is shouting his lungs out. Giving his all in.
I’m one of the luckiest person in this existing world to meet him. Naalala ko pa ang mga naging pag-uusap namin ni lola na mas lalong nagpabukas ng isipan ko noong araw na ‘yon kung saan napagpasyahan ko na maghintay sa kaniya gaano man katagal. Pero mukhang umaayon naman sa’kin ang lahat dahil hindi ko na kailangang maghintay pa sa kaniya dahil narito na siyang muli. Tanaw na tanaw ng aking mga mata. Mukhang lahat ng lihim na hiling at panalangin ko ay pinagkaloob at tinupad.
I was just staring at him from a far. Giving him time for himself. Nakatayo lang ito at nakatanaw sa harapan. Alam ko namang hindi na ito makakalayo at makakatakbo pa sa’kin. Hindi ko na s’ya hahayaan.
Nang maalala ang naging usapan namin kanina ay hindi pa rin ako talagang makapaniwala. Lahat ng ito ay masasabi kong bago sa pakiramdam, bago ito at kakaiba sa aking mga naranasan noon. Masaya ako, masaya akong maramdaman at maranasan pa lahat ng aking una kasama s’ya, kasama si Alec.
Tumayo ako ngayon mula sa aking pagkakaupo, sinundan s’ya. Hindi nito namalayang nakalapit na ako sa kaniya at ngayon ay nasa likuran. Ganoon na lamang siguro naging kalalim ang naging pag-iisip nito.
I hugged him from behind. I feel him stiffened, pero agad naman itong nakabawi. Hinawakan nito ang kamay ko na nakayakap sa kaniya.
“Xia,” pagtawag nito sa pangalan ko. I just respond, “Hmmm?”
“I won’t promise you that I’ll be a perfect partner, but I’ll promise you that I’ll always try my best to understand you and to be better for you.”
Lahat ng sinasabi n’ya ay tagos sa puso ko, pero ang pumukaw ng buo kong atensyon ay ‘yong sinabi n’yang ‘perfect partner’.
“Penguin, tayo na ba?” Kuryoso kong tanong. Mas hinigpitan ko rin ang pagkakayakap ko sa kaniya. Narinig ko ang matunog niyang tawa dahil sa sinabi ko. “Bakit ikaw ang nagtatanong n’yan?” nakita ko ang paggalaw ng kaniyang ulo, umiling-iling pa ito, mukhang hindi makapaniwala.
“Bakit? Hindi ba dapat? Curious ako e.” Parang paslit na pagpoprotesta ko sa kaniya. Lumipat ako sa harapan n’ya para mas maayos na makita ang kaniyang mukha.
Nakataas pa ang kilay nito sa’kin ng harapin ko s’ya. “Hindi naman din ako nagmamadali, Xia. Narito lang naman ako.” Bakas pa rin ang pagkamangha sa kaniyang mukha.
“Paano kung mawala ka ulit?” Nalungkot ako nang maisip ‘yon.
“Okay sige, let me ask you, tayo na ba? Do you want to be my girlfriend?”
Ako naman ngayon ang hindi agad nakakibo. Parang umurong ang dila ko. Ang tapang tapang ko pa kaninang magtanong sa kaniya ng ganoon, ako naman pala ‘tong maduduwag bandang huli.
“See, baby? That’s exactly my reaction when you asked me.”
“Nagulat lang naman ako, pero----” Hinihintay nitong matapos ang sasabihin ko.
“Pero?” Inilapit nito ang mukha sa’kin. He’s being playful again.
“Gusto kong maging girlfriend mo...” Mahinang sabi ko sa kaniya, sapat lang para marinig n’ya ang sinabi ko.
Alec was caught offguard by what I said. He looked surprised. Kahit man ako ay nabigla rin sa sinabi ko. Wala na rin akong oras pa para bawiin pa ‘yon dahil nagkusa na iyong lumabas sa aking bibig. I really mean what I said, kaya para naman akong tanga kung babawiin ko pa.
“Really, Xia? Sigurado ka ba r’yan? Baka nape-pressure ka lang ha.” Sunod-sunod na tanong nito.
I give him assuring smile. Hinaplos ko ang mukha nito. “Sigurado ako sa’yo una pa lang.”
Paninigurado nito. “Girlfriend na kita?” Tumango-tango ako bilang tugon. Binigyan ko rin ito nang mabilis na halik sa pisnge. Nahuli agad n’ya ako sa mga bisig n’ya at muli akong kinulong.
Naagaw ang atensyon naming dalawa ni Alec nang may marinig kaming umubo.
“Lovebirds hinay-hinay muna. Mayroon pang bukas.” Sabay kaming lumingon ni Alec. Pumailanlang ang boses ng bestfriend kong si Gail. Kasama rin nito si kuya Kier, si Kyle pati na rin si Sheena. Mukhang nagising itong pinsan ko at hindi pa makapaniwala sa mga nangyayari at sa nakikita.
“What’s going on, guys? Why are you here?” Tiningnan pa nito ang tatlong lalaki.
“Alec chased his dream.” Sumagot sa kaniya si Kyle.
Lumingon si Sheena kay Kyle at napako ang tingin dito. “And why are you here too? Hindi ba dapat si Alec lang?”
Nanonood lang kami sa kanilang dalawa. Agad na nalipat ang atensyon namin sa kanila.
“We accompanied him. Why are you so grumpy?” Nakakunot-noong tanong ni Kyle sa pinsan ko.
“I’m not.” Nakita kong pasimple pa itong umirap. Bagay talaga silang dalawa. Inaasahan ko na talagang ganito ang magiging interaksyon nila. Ang sungit naman din kasi nitong pinsan ko, hindi n’ya talaga rin alam minsan ang salitang ‘nice’.
I’m living for KySheen bardagulan. These people is so mature.
Bumaling naman ngayon si Sheena kay Alec. “Finally, you’re here. Hindi na iiyak-iyak ‘tong si Ely.”
“Yes, because I missed her a lot.” Matapos sagutin ni Alec ay tumingin ‘to sa’kin.
“Hope all. Tsaka kung anu-ano natutuhan n’yan no’ng wala ka. Uminom pa nga ‘yan kasama ako e.” Panglalaglag sa’kin ng pinsan ko. E ang totoo naman ay s’ya ang may plano noon. S’ya ang nag-aya sa’kin.
“Yea, I heard about that, Kyle told me that they saw you.” Hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa’kin. Kinabahan tuloy akong bigla sa paraan ng pagsasalita niya.
I feel so exposed. Sheena betrayed me. Hays.
Binulungan ko si Alec. “Mag-eexplain naman ako.”
“As you should, baby.”
Pinutol ni kuya Kier ang pag-uusap namin. “Guys, it’s getting late. What are your plans? Napagod ako sa byahe.”
“Hahaha, lonely ng buhay mo kuya. Napaghahalataan ka.” Sabi ni Gail sa kuya Kier n’ya.
“Aba, Gail. Ikaw rin naman.” Pumatol naman ito kay Gail.
“Tara na, we still have tomorrow. Masyado ng gabi. We’re just beside your room, pag may kailangan kayo naroon lang naman kami.” Si kuya Kier.
“Grabe kayo, talagang sa tabi pa talaga namin ha.” Maarteng sabi ng pinsan ko. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ‘to ngayon, masyado ngang ‘grumpy’ gaya ng sabi ni Kyle.
“Of course, so, people can’t just go away and pretend like nothing happened at all,” mabilis na tugon ni Kyle. Halatang mayroong laman ang sinabi nito. Lihim akong natawa. Sabay pa kaming nagkatinginan ngayon ni Alec.
“Halika na kayo. Tama na’yan.” Ako na mismo ang nagpahinto ng diskusyong nagaganap sa amin. Mukha kasing walang katapusan iyon.
Napagpasyahan naming sabay-sabay na pumanhik na sa aming hotel room. Ang sabi nila’y katabi lang daw namin ang kuwarto nila. Natuwa naman ako ng isipin ‘yon. Ayaw kong malayo kay Alec.
Magkahawak kamay kaming dalawa habang naglalakad. Hindi namin maiwasan makatanggap ng pangbubuska mula sa kanila. Ayaw akong bitiwan ni Alec kaya’t wala na akong magagawa roon.
“Mukhang mayroong hindi kayo sinasabi sa amin ha. Okay, kunyari wala kaming alam na mayroon na kayong something d’yan. Official na ba?” Narinig namin si Gail. Hindi ko napigilang masamid dahil sa sinabi nito. Halatang hinuhuli lang din ang reaksyon ko. Sasabihin ko naman ‘yon sa kanila ni Sheena. Nakakatawa lang na wala pa man din ay nahulaan na n’ya.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nito.
Nang makarating kami sa tapat ng kanilang hotel room ay pumasok na agad si Kyle pati na rin si kuya Kier. Saglit lang ito sa amin nagpaalam. Si Alec naman ay hindi pa rin pumapasok at balak pa akong ihatid sa mismong pintuan ng kuwarto namin. Kung sweet na s’ya noon sa’kin, ganito pala kapag boyfriend ko na s’ya. Hindi malabong magkaroon ako ng diabetes dahil sa epekto ng ka-sweet-an n’ya.
Kinilig ang buong sistema ko ng banggitin sa sarili ang naisip, nang banggitin ang salitang ‘boyfriend.’ Ang lala pa ng pagdadrama ko noong mga nakaraang linggo, tapos ngayon, magiging kami rin pala.
“Why are you smiling?” Kuryoso nitong tanong ng makita akong nakangiti. “Wala lang, iniisip ko lang na boyfriend na kita ngayon.”
“Ganoon mo talaga ako ka-gusto?” Hindi na n’ya rin mapigil ang kumakawalang ngiti ngayon sa kaniyang mga labi. Sabayan pa ng pamumula ng kaniyang mga tainga.
“Siguro nga.” Maikli kong sagot sa kaniya.
Pumasok na rin si Gail at Sheena sa kuwarto namin.
“I have to go, papasok na rin ako,” pagpapaalam ko sa kaniya, binitawan ko na rin ang mga kamay nitong nakahawak sa’kin.
“Alright, see you tomorrow.”
“Bye,” kumaway pa ako sa kaniya.
Hindi pa rin ito umaalis sa harapan ko. Hindi ko alam kung mayroon pa ba ‘tong gustong sabihin o ano.
“What? Matulog ka na, Penguin. Magkikita pa naman tayo bukas.” I chuckled a bit. I’m slowly discovering his different sides. He’s clingy and I do love it when he became one around me.
“Okay, Xia. Let’s see each other tomorrow.” Hinintay ko muna itong tumalikod sa gawi ko at saka ko sinara ang pinto.
No words can express how delighted I am. Alec do paint different colors in my plain black and white life. He’s the first one who made me feel all these emotions that I never know that’s actually existing before. No adjectives can describe what exactly I feel right now. I’m too overwhelmed. It’s still processing in my mind.
He’s my first in everything. He’s my first love, my first heartache, my first special hope and dream.
He’s my first boyfriend and hopefully my last.