TRUTH OR DARE?

3062 Words
CHAPTER 34   Maaga pa lang ay gumagayak na kaming tatlo nila Sheena. Masyado kaming excited para sa mga gagawin naming water activities ngayong araw. Some of our plans changed. Dahil sa mayroon kaming hindi inaasahang makakasama dito sa Casa Alta. Maaga palang, palagay ko ay walang makakapagpabago ng napakagaan kong pakiramdam. Tahimik lang akong nag-aayos ng iilan kong mga gamit na dala. Hinihintay ko pa si Gail at Sheena na hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin sa isusuot nila. “Anong oras ba tayo bababa? Gusto ko na mag-jet ski. Mayroon na bang operation no’n ngayong umaga?” Narinig kong pagtatanong ni Gail sa pinsan ko. Sinisipat pa rin ni Sheena ang kabuuang repleksyon n’ya sa salamin. Saglit lang nitong tinapunan ng tingin si Gail. “Yes, alam ko mayroon na.” “Tara na kaya?” Pag-aaya ni Gail. Sumingit na akong dalawa sa kanila. Kanina pa naman kasi kami talaga nakabihis pampaligo pero dahil sa tagal nila ay hindi pa rin kami makalabas. “Kayo na lang naman hinihintay ko.” Sabay silang tumingin sa’kin. Si Sheena ay natawa lang, halatang mayroon na namang kalokohang naiisip. “Bestie, nariyan ka pala? Feeling ko nakalutang ka pa r’yan dahil sa nangyari kagabi ha?” Kalma mo ‘yang puso mo.”  “Hindi ko maikalma, Gail. Paano ba iyon?” Pagbibiro ko rito. Pero ang totoo, hindi ko naman talaga alam kung sa paanong paraan ko nga ba maikakalma ‘tong puso ko sa mabilis na pagtibok. “Sa true lang ‘yan. Feeling ko nga hindi ka na natulog kagabi e. Galaw ka nang galaw sa kama, ‘di ka mapakali, mukhang hindi mo rito gusto matulog kung hindi sa kabilang kuwarto.” Tinitigan ako nito, itinaas-taas pa ang kilay. “Siraulo ka, Gail. Ikaw lang nag-iisip no’n ha!” Pagtatanggol ko sa sarili. “Sige, kunyari ayaw mo.”  “Let’s go guys, satisfied na ‘ko sa look ko. Puwede na tayo lumabas.” Pagputol ni Sheena sa pag-uusap namin ni Gail. Lumabas kaming tatlo, isinuot ko lang ang white see through cardigan upang matakpan nang kaunti ang balat ko, bumagay naman ito sa kulay itim kong black-sport suit sa loob. Awtomatikong huminto ang mga paa ko sa tapat ng pinto nila Alec. Nagkatinginan pa kaming tatlo. Hindi na nagtaka ‘yong dalawa at halatang hinihintay na lang ang susunod kong gagawin. Akmang kakatok na ako ay biglang bumukas ang pinto. Pare-pareho pa kaming nagulat dahil sa nakita. Agad akong napaiwas ng tingin. “Oh, what are you doing here guys? Nasa ibaba na sila Alec, nasa resto. Hinihintay na kayo, for sure.” Si Kyle ang bumungad sa amin at halatang bagong gising lang ito. Wala itong suot pang itaas at naka kulay pula itong swim trunks sa pang-ibaba. Kakulay pa ng suot ni Sheena. Nilingon ko agad ang pinsan ko. Nakataas na ang kilay nito at halatang napako ang tingin kay Kyle. Aliw na aliw akong makita ang mukha n’ya ngayon, mabilis kasi itong mamula. Halatang na-eenjoy ang tanawing nakikita sa kaniyang harapan. “Kagigising mo lang ba? Bakit hindi ka sumabay sa kanilang bumaba?” Pag-uusisa ni Gail. Nalipat na rin ang tingin ni Kyle mula kay Sheena at ngayon ay nasa kausap ng si Gail. Bakas pa rin sa mukha nito ang bahagyang pag-ismid. “I was waiting for someone’s reply that’s why I didn’t get enough sleep.” Kaswal lang itong sumagot. Hindi naman sumagot si Gail at mukhang naintindihang dapat na s’yang tumigil sa pagtatanong. Narinig naman namin ang biglang pag-ubo ni Sheena dahil sa naging sagot ni Kyle. Halatang mayroong kakaiba, nakakatawa lang dahil masiyadong halata ang pinsan ko. Parang ako ang nailang para sa kanilang dalawa. Ibinaling ko na lang ang atensyon kay Kyle at inaya ito. “Sumabay ka na sa amin Kyle, pababa ka na rin ba?” Pagtatanong ko sa kaniya. “Yes, let’s go.” Nakita kong mayroon itong kinuha sa bulsa n’ya, isinuot lang nito ang salamin at sumensyas na maglakad na kami. Narinig kong nagsalita ang pinsan ko. “Ganiyan ka lang?” Nakaharap ito kay Kyle.  Nagpapahayag ng pagtutol. “What’s the matter? You’re also showing too much of your skin, Maudin.” Bahagyang ibinaba ni Kyle ang suot na salamin at harap-harapang sinipat ang katawan ni Sheena. “Tsk. Tsk.” Hindi na nakakibo ang pinsan ko. Nakapagtataka lang na mayroong ganitong eksena. Naramdaman ko agad na kinurot ako ni Gail. Umangkla agad ito sa braso ko at iginaya ako para mauna kaming dalawa sa paglalakad. Ang dalawa naman ay nasa likuran namin, hindi namin naririnig ni Gail kung ano’ng pinagdidiskusyunan nila pero halatang umagang-umaga ay hindi sila nagkakasundo. Habang naglalakad kaming dalawa ay bumulong sa’kin si Gail. “Nafe-feel mo rin ba?” Mahina nitong sabi sa’kin. “Ang alin?” Nagtatakang sagot ko naman. Ngumuso lang ito at lumingon sa likod. Agad ko itong sinaway. “’Wag kang magpahalata. Kunyari wala tayong alam.” Pareho kaming mahinang natawa ni Gail. Kunyari hindi na lang kami nag-eexist nang sa gayon ay hindi sila mailang. Sa hindi kalayuan ay natatanaw ko na si Alec at si kuya Kier. Nasa labas silang lamesa at nakaupo. Halatang mayroong hinihintay. Nang makarating kami sa tapat ng mesa kung saan sila naroon ay agad itong tumayo. Sinalubong ako ni Alec ng malawak na ngiti. Napakaaliwalas ng itsura nito. Hindi na n’ya ako binigyan pa ng mahabang oras para hangaan ko ang kaniyang kabuuan. Ganoon pa man, kapansin-pansin ang suot nitong kulay puting polong bukas pa ang butones sa itaas at ang pang-ibaba nitong kulay itim na terno sa kulay din ng suot ko. Agaran  itong lumapit sa’kin para gawaran ako ng  yakap at para batiin. “Good morning,” pasimple akong napakagat sa labi upang pigilan ang malawak na pagngiti. Masyadong malambing ang tono ng boses nito. Dahan-dahan kong hinagod ang likod nito at binigyan din ng balik na yakap. “Hi,” I was speechless. Nakalutang nga ‘ata ang mga paa ko ngayon habang nakayakap sa kaniya. Pinakawalan ako nito sa pagkakayakap at saglit na hinarap si Gail pati na rin ang pinsan ko na nasa likuran. Binati lang niya ito at muling ibinalik ang atensyon sa’kin. “How’s your sleep?” Tiningnan ko ang magkahawak naming mga kamay. Sukat na sukat talaga ito sa isa’t-isa. “Ayos lang ang naging tulog ko. Ikaw ba?” I saw his playful smile. “Maayos na maayos because I dream of you.” Natawa ako sa naging sagot nito. “Ang corny mo, Penguin ha! ‘Di ikaw ‘yan.” Pang-aasar ko sa kaniya. “Let me be sweet, Xia. This is just me expressing.” Bahagya pa itong napanguso. Parang bata lang. “Okay, okay. Halika na. Kanina pa ba kayo rito?” Pumunta lang kami sa mesang nakareserba na para sa aming anim. Nakaupo na silang lahat. Magkatabi si kuya Kier at si Gail at magkatabi rin naman ‘yong aso at pusa sa upuan. Iginiya lang ni Alec ang upuan ko at mabilis na pumuwesto sa aking tabi. “Yes, kanina pa kami rito. Maagang nagising si Kier kaya inaya na n’ya akong bumaba and I was planning to call you earlier, kaso naisip kong baka tulog ka pa kaya sabi ko hintayin na lang namin kayo rito.” Mahabang paliwanag ni Alec. Nagbubulungan lang kaming dalawa at animo’y mayroong sariling mundo. “Maaga rin kaming nagising. Kaso ang tagal nilang gumayak lalo na ang pinsan ko.” “Elyxia Lyanne! Huwag mo nga akong nilalaglag. Si Gail kaya ang matagal maligo.” Napalingon kaming pareho ni Alec kay Sheena. Narinig nito ang sinabi ko kaya’t heto s’ya ngayon nagpoprotesta. Idinamay pa si Gail. “Sige, kunyari ako na lang. Kahit na ikaw ‘yong pinakahuling nagising Sheena.” Napuno ng tawanan ang mesa namin. Walang katapusan kasi ang lokohan no’ng dalawa. Habang nagkukuwnetuhan ay hinihintay lang din naming ihain ang aming almusal. Tahimik lang din si Alec sa tabi ko, nararamdaman ko lang ang titig nito sa’kin. ‘Di ko alam pero parang inoobserbahan nito ang lahat ng sa’kin. “Penguin, nararamdaman ko ‘yong tingin mo.” “Ang ganda mo.” Agad akong napalingon noong marinig ang kaniyang sinabi. Mahina ko pa itong hinampas. ‘Di lang ako makapaniwala. Mukhang kahit kailan din ay hindi ako magiging handa sa tuwing pinupuri ako nito. “Hindi ko alam kung inuuto mo na lang ako, Alec Bren.” I slightly tapped his shoulder. Napatingin ako sa ginawa nito. Iniayos niya ang kaunting paglihis ng suot kong cardigan. Hinigpitan pa nitong muli ang pagkakatali sa gitna ng hindi na ito masiyadong bumuka. “Hindi kita inuuto, Xia. Totoo lang 'yong sinasabi ko.”  Nginitian ko lang ito dahil sa ginawa at sa sinabi n'ya. Small gestures but it’s a big deal for me. Nakakakilig lang. Tumayo si Kyle sa mesa namin, ifo-follow-up siguro ang order naming pagkain. “Do you want to add something? Ano pang gusto mo?” Kyle’s standing in front of Sheena. Ang pinsan ko naman ay pormal lang na nakaupo at nakatingin sa menu. Nang marinig si Kyle ay agad na nilipat nito ang tingin, sinabi lang ang gusto pa n’yang pagkain. “Someone is simp.” Si Alec. Tinamaan naman agad si Kyle sa pagpaparinig ng kaibigan n’ya. “Bro, mas lalo ka na, ang clingy mo kay Ely ‘no.” Matapos sumagot kay Alec ay tumalikod na ito at pumasok sa loob ng resto. Paglabas ni Kyle ay kasabay na n’ya ang isa sa mga staff para iserve ang pagkain. Matapos maiserve lahat ng pagkain ay sabay-sabay kaming nag-almusal. Naging payapa lang ang pagkain namin. Isa na ‘ata ito sa maituturing kong masaya at payapang umaga. After an hour of eating, we just took a rest. Nanatili lang kami sa tabing kubo malapit sa dagat. Ang plano naming unang gawin ay mag jet ski, kaso ay tanghali pa raw ang operation kung kaya’t hinihintay talaga namin ito. Nakaupo lang kami ngayon at bilang pamatay oras ay napagpasyahan naming maglaro. Ideya ito ni kuya Kier at ni Gail. “Guys, let’s play.” Pag-aaya ni kuya Kier. Kinuha pa nito sa tabi n’ya ang walang laman na bottled water. “Walang katapusang truth or dare ang lalaruin natin. Tapos ‘yong mga consequences hindi dapat basta-basta. Gawin nating may thrill para kapag hindi ginawa ‘yong dare o kaya naman hindi sinagot ‘yong truth, pare-pareho tayong magbebenefit.” She explained the mechanics of the game. Wala namang kaibahan ‘yon sa nakasanayang laro. Ganun pa rin naman. “Okay na-gets n’yo ba?” Nilinaw pa nitong bestfriend ko. Tumango naman kaming lahat sa kaniya. Si kuya Kier ang nagpaikot ng bote. Kung kanino ito matatapat ay s’ya ang unang tatanungin o pagagawain ng dare. Mukhang suwerte nga naman sa larong ito ang bestfriend kong si Gail at s’ya pa ang unang-una. “Grabe naman ito! Ako agad? Dare na ako para masaya.” Tuwang-tuwa naman ‘tong si kuya Kier. Nagkunwari pa itong nag-iisip, sa kaniya na namin pinaubaya ang dare para kay Gail. “Since you chose dare call Mr. Gallego and say he won a hundred thousand.” Iniabot ni kuya Kier ang phone ni Gail na nasa tabi n’ya, wala pa man din ay natatawa na kaming lahat. Hindi ko lubos maisip kung ano'ng magiging reaksyon ni Mr. Gallego sa gagawin ng bestfriend ko. “Sige kuya ha. Basta pag ako ni-drop nito sa subject n’ya ampunin mo na lang ako.” Hinahanap na nito ang numero ni Mr. Gallego sa phone n’ya. After a second of dialing, sinagot ito ni Mr. Gallego. Lahat kami ay nagpipigil ng tawa. Nakaloud-speak pa si Gail kaya rinig na rinig namin ito. “G*go! Hindi ako mananalo ng ganiyan dahil wala naman akong sinasalihan. Wala kang maloloko rito.” Napakalutong ng pagmumura ni Sir. Umuusok na panigurado ang tainga nito ngayon. Sobrang satisfied naman ni kuya Kier sa pinagawa sa kanyang pinsan. “Okay next na, very good talaga ‘tong si Gail. Matapang talaga  ‘yan e, nagmana sa’kin.” Inirapan lang ni Gail si kuya Kier. Si Gail naman ang nagpaikot ng bote, tumapat naman iyon kay Kyle. Nagkatinginan kami agad ni Alec at sabay na natawa, hindi ko alam kung pareho ba kami ng iniisip o ano. “Truth or dare, Kyle the great.” “Dare because I like challenge.” Tumingin pa ito sa katabing si Sheena. Inirapan lang ito ng pinsan ko. “Kung tinawagan ko kanina si Mr. Gallego ngayon naman sa’yo, text someone you think your type right now.” “What type? You mean ‘like’?” Paglilinaw pa ni Kyle. “Oo, ikaw bahala, type mo ngayon o like mo. Tutal babaero ka naman.” Sinamaan agad ng tingin ni Kyle ang bestfriend ko. “That’s foul Gail. Hindi ‘yan totoo ha.” “Text mo na, ang dami mo pangsay d’yan.” Agad naman nagtipa si Kyle sa phone n’ya. “Okay done, I already text her.” Ilang saglit lang ay mayroong umilaw na phone sa ibabaw ng mesa. Muntik ko pa iyon kuhanin dahil akala ko ay sa’kin, pero nang mapagtantong nasa gawi ni Alec ang phone ko at katabi ng sa kaniya ay nakahinga ako ng maluwag. “Sheena, may nagmessage ‘ata sa’yo, check it.” Pagpuna ni kuya Kier. Wala namang kibo ang pinsan ko at tahimik lang ito nang kinuha ang phone. Lahat ay nakaabang kay Sheena, lahat kami ay kuryoso kung si Kyle ba ‘yong nagtext o hindi. Pero halata rin naman sa mukha ni Sheena noong bumaling s’ya ng tingin kay Kyle dahil nakakunoot-noo ito at animo’y nagtatanong sa pamamagitan lang ng mga mata. Naroon ang mumunting ngiti sa mga labi ni Kyle. Bumaling ako kay Alec at bumulong. “Kyle’s too obvious.” He shook his head, sumasang-ayon sa sinabi ko. “He is.” “Okay move on na tayo guys.” Si Gail ang aming emcee. Career na career n’ya kasi. Sa pagkakataong ito naman ay ako ang nagpaikot ng bote. Nakadalawang paikot na ako ngunit wala pa ring natatapatan. Ngunit sa pangatlong subok ko ay sa ‘di inaasahan pagkakataon ay tumapat ito kay Alec. “Truth or dare, love?” I asked him. He was slightly shocked because of what I called him. I just feel like that endearment speaks a lot about what I really feel. “That is cheesy, Ely. Ew.” Sheena just laughed her heart out. Kumokontra pa ito sa’kin. Hinawakan nito ang kamay ko sa ilalim ng mesa at marahang pinisil. “Truth,” Eksahederong tumayo si kuya Kier at tumapat kay Alec. Mukhang pinaghandaan ang tanong nito sa aking nobyo. “Where and when did you first saw her?” “Ano ba ‘yang tanong mo kuya! Lahat kami rito alam kung kailan at saan, ikaw nalang hindi. ‘Di ka ‘ata tunay na kaibigan kasi hindi ka updated.” “Kaya nga nagtatanong ako, Gail. Hindi ko nga kasi alam.” “Uhm, saan nga ba?’’ Tumingin ito sa’kin at mukhang sa’kin pa ipinapasa ang tanong dahil hindi n’ya alam ang isasagot. Bahagya akong nalungkot dahil kailan lang naman iyon pero mukhang hindi na n'ya tanda. “I first saw her here in Casa Alta...” Tumigil ito ng pagsasalita. Nagtataka na ako ngayon dahil hindi naman iyon ang una naming pagkikita. Ang una ay ‘yong nakita ko s’ya sa MU, kung saan sa kaparehong araw rin ay inihatid ko s’ya sa unit n’ya. Hindi na lang ako kumikibo at hinihintay ang kaniyang sasabihin. “Nakatalikod s’ya mula sa kinatatayuan ko, she’s just alone sitting there.” Tumuro pa ito kung saan ang eksaktong puwesto ko. “Kailan ‘yan, Alec? Pangalawang beses ko palang rito. Baka nagkakamali ka lang.” Hindi na mawala ang atensyon ko sa kaniya lalo na sa sinasabi n’ya ngayon. “The first time you got here. The time when someone tried to do something bad to you, they tripped you.” Sobrang gulat ang naging reaksyon ko, si Sheena rin ay ganoong-ganoon.  “How did you know that?” I asked him curiously. “I’m the one who caught them in act. Ako ‘yong bumuhat sa’yo matapos ko silang makitang lumapit sa'yo, Xia.” “No,” hindi pa rin ako makapaniwala. Ganoon rin si Gail at si Sheena. “Holy sh*t! So, all along, ‘yong kinukuwento mo kamong nakita mong napagtripan no’ng gabing ‘yon si Ely pala?” Sumingit naman si Kyle. “Oo.” Kaswal na kaswal lang itong sagot ng katabi ko samantalang ako ay hindi pa rin makapaniwalang s’ya iyon. “Starting that night, I promised myself that I’ll protect her in any way that I can.”  I cannot believe that it was him. Ang buong akala ko ay ako ang unang nakakita sa kaniya, ako ang unang nagligtas sa kanya mula sa kapahamakan, pero mukhang nagkakamali ako dahil bago ko pa man s’ya makilala, ay kilala na n’ya ako. He saved me first without me even knowing that it’s him. Ngayon ko unti-unting napagtatanto na baka kaya nang una ko s’yang makita noon sa MU ay pamilyar na ito sa’kin, pamilyar na pamilyar ang presensya nito at unang tingin ko pa lang sa kaniya ay wari ko’y matagal na kaming magkakilala. “Bakit hindi mo sa'kin nasabi 'yan?” Bakas sa mukha ni Alec ang pag-alala. Inunahan ko na agad ito at sinabing hindi ako galit sa kaniya.  “I want you to remember, pero sabi ko, paano mong maalala, you're unconcious that time. Pero iyon, sasabihin ko pa rin naman sa'yo. Isa pa, kung mayroon mang rason para magustuhan mo 'ko ayaw ko namang dahil lang 'yon sa pagliligtas ko sa'yo. Ayaw kong maramdaman mong obligado kang mahulog sa'kin dahil ginawa ko 'yon.” “Kung saka-sakali naman din na alam ko na noong umpisa palang sigurado naman akong mahuhulog at mahuhulog pa rin naman ako sa'yo.” Totoo naman iyon, hindi ko pa man din nga alam na s'ya pala 'yon ay nagustuhan ko pa rin s'ya. Kaya't kahit ano pang gawin n'ya, I'll probably still feel the same. Ngumiti ito matapos marinig ang sinabi ko.  Lumingon ito sa kanila. “No cap, no lie. That's only the truth, guys.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD