CHAPTER 12 Dalawang linggo na ang nakalipas simula noong nagkita kami ni Alec. Paminsan-minsan ay nagkakaroon kami ng interaksyon dahil nagrereply s’ya sa i********: story ko na random post lamang at wala namang kuwenta ang iilan. Friend ko na rin s’ya sa f*******: at fino-follow sa i********:. Doon ko nalaman na hindi ito gaanong pala-post sa kanyang mga socials. Masyadong pribado ang buhay niya. Parang artista lang ang ganap. Malinis din ang feed n’ya at puro inspirational quotes ang mga sini-share. Kung hindi ko s’ya nakasama sandali ay iisipin kong napakabait at seryoso n’yang tao kung social media lang ang pagbabasehan. But to be honest, the moment when he utter a word to speak, it’s all wisdom. I’m mesmerized. Nakakatuwa lang na s’ya rin naman mismo ang nagtanong ng pang

