CHAPTER 13 I’m a bit shock when I saw him in front of me, but I still manage to greet him. “Hi Xander! Tuloy ka,” sinipat pa nito ang kabuuan ko. Higit lalo akong nahiya ngayon. Hindi ko na nga napaghandaang may bisita pala si Sheena tapos ay maabutan pa ako sa ganitong itsura ni Xander. Parang kanina lang ay nagtataka pa ako kung bakit wala ito tapos ngayon ay narito na s’ya. Matiim itong nakatitig sa hawak kong sandok sa kanang kamay at muling tumingin sa apron kong suot. Halata namang nagluto ako. I-explain ko ba dapat sa kanya? Matagal pa itong nakatingin sa akin bago nagsalita. “Wow! You can actually cook. Your apron looks nice on you,” bakas sa mukha nitong nagpipigil s’yang ngumiti. Aba! Parang gusto ko naman ‘atang mainsulto. “Ah, talaga ba?” totoo nama

