CHAPTER 21
“Lyanne, kumalma ka. Si Alec lang ‘yon.”
Nakaharap ako ngayon sa salamin at bahagya kong kinukulot ang laylayan ng unat kong buhok. Pinapaalalahanan ko ang sarili. Traydor pa naman ang bibig ko at minsan ay hindi ko napapansing nadudulas ako sa mga sinasabi ko na dapat ay nasa isipan ko lamang.
“Basta act normal lang, tama, tama. Pag nakita ko na s’ya e, di, hinga nang malalim.” Ngayon pa lang ay kinakastigo ko na ang sarili. Simula nang aminin ko kagabi sa sarili, pati na rin kay Sheena at Gail na talagang gusto ko si Alec ay parang mas lalo lang lumala ang feelings ko. Sabi rin ni Sheena ay mentras itinatanggi ko raw kasi ay lalo lang na lalalim ang nararamdaman ko, pero bakit gano’n kahit naman ngayong inamin ko ay mas lalo lang din itong tumindi?
Napabuntong hininga na lamang ako, bakit ko ba kasi iniisip nang sobra, dapat ay kalmado lang ako. Dahil kung saan man ako dalhin nang nararamdaman ko ay handa naman akong magpatangay.
Itinuloy ko na lang ang paggayak ko. Ang usapan namin ni Alec ay susunduin n’ya ako rito, pero naisip kong dumiretso na lang mismo sa unit n’ya. ‘Di ko sinasabi sa kanya ang plano kong gawin, gusto ko lang itong biglain.
I wore a simple white dress and partnered it with flat shoes. Komportable naman ako sa suot ko kaya walang problema.
Naglagay lang ako ng kaunting make-up sa mukha upang hindi ako magmukhang maputla. Ang mahaba kong buhok na bahagyang nakakulot ngayon ay mas lalong tanaw at umangat sa suot kong putting bestida. Ngumiti-ngiti pa ako sa salamin, sinisiguradong maayos ang kabuuan.
Narinig ko si Sheena sa labas ng kuwarto. “Pasok na ako, Ely ha. Baka nagbibihis ka pa r’yan?. Bilisan mo lang.”
Sumigaw ako para marinig n’ya ang sagot ko. “Nakagayak na ako.”
“Pake ko.” Binuksan na nito ang pinto.
Pagbukas na pagbukas pa lang n’ya ng pinto ay pinagmalaki ko agad ang suot ko sa kanya. Umikot pa ako para makita n’ya ang kabuuan ng itsura ko. Eksahedaro naman itong napanganga at napatakip pa sa bibig n’ya. Nanlalaki pa ang mata sa gulat.
“Woah! Ely, Ikaw ba iyan? Ang ganda mo naman!” Nilapitan ako nito at hinawakan pa ang mukha ko.
“Grabe, required bang maging ganyang ka-ganda?” dagdag pang sabi niya.
“Ang over reacting mo, Maudin! Nag-ayos lang naman ako ng kaunti. Ako pa rin naman ito, wala namang pagbabago. Pero thank you, tumaas tuloy ang confidence ko n’yan lalo.” Nakangisi ko pang sabi sa kanya.
Naka-thumbs-up pa ito ngayon, proud na proud pa. “Paniguradong matutulala n’yan si Penguin.”
Sinamaan ko s’ya ng tingin. “Don’t call him ‘Penguin’! Ako lang ang may nickname sa kanya no’n e.”
Tumatawa-tawa ito nang marinig ang reklamo ko. “You’re so sungit and madamot. Kala mo namang may gusto rin sa’yo. Ano? palag, Lyanne!”
“Hindi naman kailangan na gusto rin n’ya ko. Happy ko na nga’ng ganito kaming dalawa, sapat na kong nakakasama ko s’ya.” Seryoso namang sabi ko.
“Joke lang naman, type ka rin n’yan sure ako. Susugal ko na lahat ng black cards ko rito. ‘Di naman n’ya gagawin ang mga ‘yan kung hindi ka rin n’ya gusto panigurado.”
“Sana all may black cards, Maudin.” Biro ko pa rito.
Inisip ko rin ang sinabi nito, hindi ko alam kung kapareho ko ba si Alec ng nararamdaman, pero kung hindi naman, wala namang kaso. Hindi naman porke gusto mo ay kailangang gusto ka rin ‘no.
Pumunta ito sa likuran ko at iniayos pa ang buhok. “I never see you being that excited with something, Ely.” Sumeryoso ang tono ng boses nito.
Tinitingnan ko lang ang repleksyon namin sa salamin habang abala s’ya sa ginagawa sa likuran ko. “I saw you smiling, I saw you being happy. But I cannot go wrong, I know it’s different right now. Posible pa lang maging masaya ka ng doble-doble. Iyon ang napapansin ko sa’yo, e.”
“Gano’n ba kahalata sa itsura ko?” Tanong ko sa kanya. Kuryoso ako kung paano ba nila napapansin.
“Wala namang nagbago sa itsura mo,Ely. Perpekto pa rin naman, pero ‘yong aura mo, iyon ang damang-dama kong nag-iba. Before, everytime I am looking at you even though you’re smiling it look like your world is just a plain black and white.”
Matapos nitong magsalita ay pumunta ito sa harap ko, nginitian ko s’ya at tumugon sa kanyang sinabi.
“Starting that night, in my own world, bright colors did exist.”
“Enjoy ka, ‘wag gumawa ng kahihiyan Elyxia. Proud ako sa’yo pero kung may gagawin kang kakaiba, tatakwil kita.” Pahabol nitong pasaring.
“’Di mo na ‘ko kailangang paalalahanan, ginawa ko na rin ‘yan sa sarili ko. Tsaka, hanggat makakaya ko, ‘di ako gagawa ng kahiya-hiya.” We both laughed because of what I had said.
Nakita kong mayroong message sa’kin si Alec pero hindi ko ito sinasagot. Sasadyain ko na lang ito mismo.
Bumyahe na ako papuntang condo unit n’ya. Nagcommute lang ako papunta rito. Sinabi ko lang mismo sa driver ang Noble Place. Hindi pa ako ganoong ka-pamilyar sa lugar dahil noong hinatid ko si Alec ay madilim at gabi na.
Ngayon ko lang lubusang napagmasdan nang mas maayos ang dinadaanan. Mapuno at luntian ang paligid. Malamig ito sa paningin.
Nakita kong marami ang text ni Alec ngunit binabasa ko lamang ang mga text n’ya sa’kin. Nagtataka na siguro kung bakit hindi ako sumasagot. Napapangiti na lang ako. Simpleng text pa lang ito, pero grabe na ang epekto.
Makalipas ang tatlumpong minuto ay nakarating na ako sa Noble Place. Mayroong guwardiya sa ibaba. Sinabi ko lang na mayroon akong pupuntahan at bibisitahin sa itaas. Hindi naman gano’n kahigpit kaya pinayagan agad ako nito. Inisip ko pa nga sandali kung papanhik na ba ako o sasabihin ko sa kanyang naririto na ako. ‘Di nagtagal ay napagpasyahan kong puntahan na lang ito sa taas.
Natatanaw ko na ang kulay itim na pinto ng unit nito. Naalala ko tuloy ang unang beses ko ritong nakapunta. Sariwa pa ang alaala kung saan ihiniga ko pa s’ya sa sahig para gisingin dahil sa susi n’ya. Ang pagkakataon ding iyon ang naging dahilan kung bakit nasa akin ang spare key ng unit n’ya dahil ibinigay n’ya iyon sa akin.
I knocked at his unit’s door. Waiting for him to open it.
Kasabay ng pagkatok ko sa pintuan ay ang pag-usbong din ng kaba ko. Narinig kong may papalapit na yabag sa loob, papunta na siguro ito para buksan ang pintuan. Hindi ko pa rin inihinto ang mahihinang katok. Narinig kong maikling nagsalita ito.
“Wait there,”
Binuksan nito ang pintuan. Akward lang akong ngumiti sa kanya nang oras na nagkaharap na kami.
“You’re here Xia! Holy Sh---” Gulat ang rumehistro sa mukha nito nang makita ako. Natawa ako sa naging reaksyon n’ya.
I smiled widely. “Surprise?” Nilakihan nito ang awang ng pinto n’ya. “Tuloy ka, you didn’t tell me na pupunta ka na rito. Kaya pala hindi ka sumasagot sa mga messages ko.” He still looked surprised.
Nakasunod lang ako sa kanya. Wala pa ring naging pagbabago sa loob. Pagpasok ko pa lang ay nanuot na sa’kin ang mabangong amoy ng may-ari ng bahay. Nagpunta kami sa sala at pinaupo ako nito sa couch. Nagmukha lang lalo akong maliit dahil sa malaki nitong couch. Iniikot ko pa rin ang paningin, parang ito pa rin ang unang beses kong nakarating dito dahil sa pagkamangha ko.
Naupo naman sa harapan ko si Alec, tinitingnan ko ang kabuuan nito. Nakasuot lang ito ng puting damit at sweat short. Simple lang ang suot nito pero napakalinis at napakaguwapong n’yang tingnan. Ibinabalik din n’ya sa akin ang paninitig.
Nagsisisi na agad ako kung bakit ko pa ito sinadya rito. Naiilang tuloy ako, mukhang ganoon din s’ya.
Nagsimula akong magsalita nang sa gayon ay hindi naman kami parehong tahimik.
“Wala naman kasi akong gagawin ngayon sa unit, kaya ang sabi ko ay pupuntahan na lang kita ng mas maaga. Pasensya na ‘di ko pinaalam sa’yo.”
“No, It’s fine, Xia. Pero sana sinabi mo ng sinundo na lang sana kita. Hinatid ka ba ni Sheena pagpunta rito?”
Umiling ako. “Hindi, sabi ko huwag na, kaya ko naman.”
“Tell me next time, para susunduin na lang kita.” Matapos nitong magsalita ay tumayo ito.
“What do you want to eat? Ipagluluto kita. Hindi ko manlang napaghandaan ang pagpunta mo.”
Hindi ko mapigilang matawa. “Ako lang naman ito, ayos lang iyon. Tsaka ikaw? Magluluto? Sanay ka ba?”
“Of course, Xia. You can watch me cook.”
Inaya ako nito papuntang kusina, nakasunod ako sa kanya. Kada madadaanan namin ay tinitingnan ko. Minsan ay napapanhinto pa ako dahil sinusulyapan ko lahat ng mga kakaibang kagamitan doon. Para tuloy akong batang gustong hawakan ang lahat ng naroon.
“You can sit there.” Lumapit ito sa fridge n’ya.
Naupo ako sa high stool chair kung saan kaharap ko lang din si Alec. Nakapangalumbaba akong tumingin sa kanya.
“Anong gusto mong lutuin ko?” Pagtatanong nito habang sinusuot ang apron n’yang mayroong design na...
“Penguin huh? Cute mo r’yan.” I cannot contain my laughter.
Tumalikod ito sa’kin. Nakita kong namula ang tainga nito.
“Xia, I’m serious. What do you want me to cook?” Umalis ako sa pagkakaupo at lumapit sa kanya. Sinilip ko ang mukha nito.
“Patingin nga kung seryoso talaga?” Pang-aasar ko pa rito.
Hindi ako nakagalaw sa sunod nitong ginawa.
“I’m serious.” Inilapit niya nang sobra ang mukha niya sa akin. Sa sobrang lapit namin ay wari ko ay maririnig n’ya ang maingay na pagtibok ng puso ko, isa pa, isang maling galaw ko lang ay magdadampi na ang mga labi naming dalawa. Saglit akong napatanga.
Hinampas ko nang mahina ang braso n’ya. “Lumayo ka nga, Penguin.”
“Hahaha, why Xia?” Ngumiti ito nang malawak at saka lumayo sa’kin nang gumawi ito sa fridge n’ya ay tumatawa pa rin.
“Kahit anong lutuin mo, Alec. Basta hindi ako malalason d’yan, ayos lang.”
“Okay, got it, Madame.”
Habang abala ito sa paglalabas ng mga sangkap sa lulutuin n’ya ay narito lang ako at hinahangaan ang mga kakaibang naka display sa cabinet ng kusina n’ya. Hindi ko lubos maisip na tipo n’ya pala ang pangongolekta ng mga kakaibang itsura ng mga baso at pinggan. Mukhang mamahalin at mas mahal pa sa buhay ko. Gandang ganda ako sa mga disenyo nito. Titig na titig lang ako.
“You can touch them.”
Lumingon ako rito. “Sure, ka ba? Ayaw ko na hawakan kasi baka mabasag ko. Mukhang mas mahal pa ‘to sa buhay ko.”
“Silly. Puwede mo namang hawakan ‘yan. That is my mom’s collection, not mine.”
Kinuha ko ang maliit na basong kulay Gold. Pinagmamasdan ko ito.
“Akala ko sa’yo ‘tong mga collections, ang sabi ko pa naman, mukhang ikaw ‘yong tipo ng hindi mahilig sa mga ganito.”
“Ang daming beses ko na ngang nakabasag ng baso at pinggan d’yan. Ayaw ko talaga nung una, dahil baka sa oras na mapansin ni Mommy na nagkakaubos na ang collection n’ya ay isabay na ‘kong itapon. Pero nasanay na lang din akong nariyan, kada may bago si Mommy ay dito n’ya itinatabi. Wala na kasing mapaglagyan sa bahay namin sa sobrang dami. Gan’on n’ya kahilig ang mga iyan.” Natawa rin ako sa kinukuwento n’ya. Nakakatuwang sobrang close at solid ng bonding nila.
Noong matapos kong tingnan ang mga gamit sa kusina ay bumalik akong naupo sa harapan n’ya. Habang s’ya ay nakatayo at nagluluto. Hindi ko maialis ang tingin dito. Seryoso pa ang mukha n’ya habang nagluluto.
Ganito pala ang pakiramdam ng pinagluluto. Ganito pala ang pakiramdam na ikaw naman ang naghihintay na maluto ang inihahandang pagkain.
Inoobserbahan ko lang si Alec habang abala ito. Animong sanay na sanay ito sa ginagawa. Ang bilis nitong kumilos sa kusina. Halatang gamay n’ya na rin ang paggamit ng mga kasangkapan n’ya rito.
Makalipas ang ilang minuto ng paghihintay ay kinuha nito ang atensyon ko.
“Xia, tikman mo ‘to.”
He cooked buttershrimp. Napakabango nito at hindi ko mapigilang magutom.
Pinaghimay ako nito ng hipon at pinatikim nito sa’kin pati na rin ang sarsa.
“Hmmm, ang sarap. Chef ka pala hindi mo sinabi sa’kin.” Nakatingin ito sa reaksyon ko, nang marinig ang sinabi ko ay proud itong napangiti.
“I’m happy that you liked it.” Inihahanda na nito ang niluto n’ya.
“Alam mo, ako parati ang nagluluto sa amin, hindi kase maalam si Sheena sa pagluluto. Ngayon lang ako nakatikim ng lutong bahay ng iba.” Sabi ko pa.
Hindi ito nakatingin sa’kin nang sumagot. “I can cook for you, Xia.”
Pinapakalma ko lang ang sarili. Sa ganitong pagkakataon ay dapat masanay na ako. Sweet talker kasi ‘tong si Alec.
“Bakit mo naman ako lulutuan?” Matapang kong tanong. Curious lang naman ako e, bakit ba?!
“Para hindi na ikaw ang parating nagluluto sa sarili mo.” His eyebrows raised after he said that.
Baka nga sabihin kong paglutuan n’ya ako parati tapos hindi n’ya mapanindigan ha.
Tinulungan ko si Alec na maghain. Kahit na ayaw ako nitong pakilusin at sinabihan ako na manatili lang ay tumulong pa rin ako. ‘Di naman na ako iba.
Nagsimula kaming kumain, magkatabi kaming dalawa sa upuan.
Ninanamnam ko ang niluto n’ya. Mas mahusay pa ito sa’kin. Wala akong maipintas, dahil tunay naman sarap na sarap ako sa kinakain. Mukhang tuwang-tuwa rin naman s’ya dahil nagustuhan ko ito.
Kumakain lang kami nang tahimik. Napatingin ako sa kanya nang itinaas ang kaliwang kamay, inipon nito ang nakaladlad kong buhok at hinawakan. Bahagya kasi itong tumatama sa mukha ko at sagabal sa pagkain.
Lahat nalang ‘ata ng gawin nitong lalaking nasa tabi ko ay nagiging dahilan ng kilig ko. Simpleng bagay lang naman n’ya pero hindi ko rin maipaliwanag kung bakit ko ba ito nararamdaman.
“Do you have ponytail?”
Ipinakita ko sa kanya ang kamay ko, kung saan suot-suot at nakalagay ang ponytail ko. Agad naman nitong naintindihan ang ibig kong sabihin, biglang kinuha ni Alec ang panali at s’ya mismo ang nagtali ng buhok ko.
Nginitian ko lang ito at nagpatuloy kaming dalawang muli sa pagkain.