CHAPTER 54 “Bestie, ‘di ka ba sasama sa amin?” Kanina pa ako kinukulit ni Gail sa tabi ko. Hindi ko naman siya pinapansin dahil kapag nasimulan naming mag-usap ay mawawala na ang atensiyon ko sa ginagawa. Abala ako sa pagbabasa ng lecture namin dahil malapit na naman ulit ang exam. Parang kailan lang ay nagkaroon kami ng break pero ngayon ay naghahanda na sa pinaka huling exam ngayong taon. Kaniya-kaniya na rin ang mga kaklase ko ngayon sa pagrereview. Lahat ay gustong makapasa at makapag proceed ng 4th year. “Pag hindi mo pa ‘ko pinansin, sisigaw talaga ko rito.” Nagbabanta pa talaga ‘to. Alam kong gagawin niya talaga iyon. Mas makikiusyoso lang ang mga kaklase namin at mag-iingay rin kapag nasimulan na nitong bestfriend ko. Nilingon ko ito, napakalawak naman ng ngiti ni Gail nang

