CHAPTER 55 Nang makarating ako sa Manila Medical Center ay agad akong dumiretso papasok. Wala akong ideya kung saan ko matatagpuan sila Alec. Napakalawak ng MMC kaya hindi ko alam kung saan sila sisimulang hanapin. Ibinaba ako sa main entrance ng Hospital kaya heto ako at naglalakad sa napakalawak na hallway. Walang gaanong tao roon kaya tahimik lamang ang paligid. Sinusubukan ko pa rin I-dial ang numero ni Alec pati na rin ang mga kaibigan niya ngunit wala pa rin akong sagot na natanggap. Bago pa man ako tuluyang makapasok sa loob ng MMC ay mayroong tumawag sa’kin na naging dahilan ng paghinto ko sa paglalakad. “Ely!” Nilingon ko ang pamilyar na boses. “Xander?” Humahangos pa ito papalapit sa’kin. Ngayon ko lamang siya ulit nakausap. Minsanan lang kami magkitang dalawa sa Universit

