WORRIED

2275 Words
CHAPTER 23   Maraming nagbago sa mga nakasanayan ko, maraming nagbago sa naging takbo ng aking umaga at gabi. Pero kung ganitong pagbabago, maluwag sa puso kong tatanggapin ito. Dahil hindi naman pala lahat ng pagbabago ay masakit at malungkot mayroong pagbabago na dadalhin ka sa kung saan mo matatagpuan ang salitang ‘saya.’ Para akong tangang pinapaulit-ulit sa sarili ang naging usapan namin noong gabing iyon. Ilang linggo na ang nakakalipas at sa palagay ko isa na iyon sa mga araw na hindi ko makakalimutan. Hindi na namin napag-usapan muli ang tungkol doon, hindi n’ya rin kinumpirma ang nararamdaman at ayaw ko rin naman s’yang pangunahan. Nabalik ako sa katinuan nang marinig ko ang boses ni Alec.  “Don’t be nervous, Xia.” Panghihikayat n’ya sa akin. Tumingin ako sa kaniya, nasa tabi ko ito. Pareho kaming nakasalampak ngayon at nakaharap sa laptop. “Huwag ko na lang kayang tingnan?” Nagkunwari pa akong umiiyak kaya’t nataranta agad si Alec. “Sssshh, don’t cry. We’ll together open it.” Madalas ay sinasadya ko na lang ding bahagyang maglambing sa kanya, nakakatuwa kasi s’yang makitang mayroong pake at nag-aalala sa’kin. I became more open to him. Lumabas na rin ang kakulitan ko kay Alec dahil sobrang komportable ko na rito. Pinaparamdam kasi nito at pinapaalala sa’kin parati na wala naman akong dapat ikahiya sa kanya. Narito kami ngayon sa unit namin ni Sheena. Ngayon magre-release ng grades ang MU at sinamahan ako ni Alec para tingnan ito. Ang sabi ko sa kanya ay hindi na rin naman kailangan dahil alam ko ring marami s’yang inaasikaso at ginagawa pero nagpumilit pa rin ito. Ang pagkukunwari ko kanina sa pag-iyak ay mukhang magkakatotoo ng talaga, naghihintay lang kasi kami ni Alec kanina na mai-release ang grades pero nang mabasa ko ang message ni Gail na lumabas na raw ito at nakita na n’ya ang sa kanya ay mas lalong nabuhay ang kaba sa dibdib ko. Binasa ko ang text message ni Gail. Tahimik lang si Alec sa tabi ko at nakatingin lang ito sa’kin. ‘Bestie, nag-release na ng grades. Makakapag third year naman ako, sana ikaw rin hehe, walang iwanan alam kong kaya mo ‘yan. Congratulations in advance, so proud of you!’ Napangiti ako nang mabasa ang mensahe n’ya. Narito pa rin ang kaba ko, pero dahil sa sinabi ni Gail ay naibsan naman ito kahit na papaano. Ipinakita ko rin kay Alec ang mensahe nito. “See? Gailey is proud of you as well. Halika, tingnan na natin ‘yong sa’yo.” Tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang mukha. “Ayaw kong makita, ikaw na lang ang pumindot.” Kinuha nito ang mga kamay ko at tinanggal sa pagkakatakip sa aking mukha. Hinawakan n’ya ito. Nabibigla pa rin talaga ako sa mga ganitong kilos n’ya. “I believe in you, so, believe in yourself too, Xia.” He’s trying to assure me.Binigyan ako nito ng ngiti. Naglog-in ako ng account sa MU Portal ng sa ganoon ay makita na namin ang grades ko. Wala naman na akong magagawa pa at wala naman akong ibang choice kaya titingnan ko na rin. Hindi naman ako ganitong kinabahan noong unang taon, pero ngayon ay kakaiba at malala dahil nga ibang klase rin ang naging hirap at ang mga pinagdaanan ko ngayon pangalawang taon ko sa college. Tinakpan kong muli ang mata ko, si Alec ang nakatingin ngayon sa harap ng laptop. “Ano? May bagsak ba ako? Ayaw ko na.” Pagkausap ko kay Alec. Hindi ito kumikibo kaya mas lalo akong kinabahan. Ang dami na agad na pumasok sa isipan ko. Nagsalita akong muli dahil hindi tumutugon sa’kin ‘tong lalaki sa tabi ko. “Alec? Bakit? Kinakabahan ako.” “On to the next step, see you 3rd year. Congratulations! you belong to the dean’s list.” Tinanggal n’ya ang kamay ko sa pagkakatakip sa’king mukha. Nabungaran ko agad ang malawak n’yang ngiti sa’kin. Sinigurado ko pa kung totoo talaga ang sinasabi ni Alec. Tiningnan ko ang grades ko sa portal, lahat ito ay matataas at wala akong makitang mababang marka na sisira sa linis ng record ko. “Grabe! Totoo ba ito? I made it!” “I told you, I know you can, Xia and yes, you made it. So proud and happy for you.” He pulled me closer to him to give me a warm hug. Paulit-ulit nitong sinasabi sa tainga ko na proud s’ya sa’kin at ang galing ko. Ngiting-ngiti ko rin itong niyakap pabalik. Matapos ng ilang sandali ay kumalas na ako sa pagkakayakap namin at hinarap s’ya. “Ikaw naman sa susunod, puwede rin ba kitang samahan kapag lumabas na ‘yong grades mo?” tanong ko sa kanya. “Oo naman, kahit hanggang sa pagtingin pa ng resulta ng Civil Service Examination ko. Kailangan nandoon ka ha?” Kinurot pa nito ang pisnge ko. Nakakatuwang gusto n’ya akong isama sa mga plano n’ya sa hinaharap. Kahit naman hindi n’ya sabihin sa’kin iyon, ako mismo sa sarili ko ay gusto kong masaksihan ang lahat ng tagumpay n’ya “I promise to be there.” Natawa ako nang makita ang reaksyon n’ya nang marinig ang sinabi ko. Humalukipkip ito at bahagya pang nakanguso. Parang bata. “Promise mo ‘yan ha? Baka mamaya wala ka no’n, kasi nasa Paris ka nagta-travel.” Seryoso pa talagang sabi nito. Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na kinuhanan s’ya ng litrato. Ang cute n’ya. “I’m present that day. At tsaka, kapag nagpunta ako ng Paris paniguradong kasama ka, kaya ‘wag ka na mag-doubt.” Napag-usapan kasi naming dalawa ‘yong mga kani-kaniya naming gustong puntahan. Naalala n’ya pa talaga na isa iyon sa nasa  bucketlist ko. Hindi pa rin ito humaharap sa’kin. Alam kong nagkukunyari lang s’ya ngayon. “Pst, nagpromise na ‘ko oh. Pinky swear na,” Pinakita ko sa kanya ang hinliliit na daliri. Wala pang ilang segundo ay ipinihit na nito ang katawan upang makaharap sa’kin. Ginaya n’ya ang ginawa ko. “Goods goods ka na po? Oks oks ka na po?” Malambing kong tanong sa kanya. Nakangiti lang itong tumango-tango sa’kin. Nagpaalam ako sa kanya sandali  para maghanda ng pagkain. Tumayo ako at iniwan muna s’ya sa sala. Mayroon ding ginagawa ito. Nasasanay na akong kasabay ko s’yang parati na gawin ang mga school works pati na rin sa pagrereview. Lagi ako nitong tinutulungan sa mga readings ko. Kahit na marami ‘tong ginagawa ay palagi pa rin ito naghahanap ng oras para tulungan ako. Bumalik ako sa sala bitbit ang pagkaing inihanda para sa kanya. Abala s’ya sa ginagawa. Nang naglagpag ako ng pagkain ay sandali lang ako nitong tinapunan ng tingin at nagpasalamat, matapos ay ibinalik ulit ang atensyon sa screen na nasa harapan n’ya. Pinapanood ko lang s’ya sa ginagawa. Nakapangalumbaba pa ako sa ibabaw ng mesa. “Xia, I can’t focus.” Hindi manlang ito nag-abalang lingunin ako noong nagsalita s’ya. Nagtataka ko naman itong sinagot. “Bakit? Wala naman akong ginagawa, nakatingin lang naman ako sa’yo.” Depensa ko pa. “That’s my point, kahit wala ka namang ginagawa, kahit na nakatingin ka lang sa’kin, ‘di ako maka-focus.” “Bakit nga?” “Nothing. I don’t know.” He just shrugged. I looked away from him. Binibigyan ng pagkakataon ang sarili para mag-isip. Mayroon akong hinihintay na sabihin n’ya. Mayroon akong gustong marinig mula sa kanya. Nararamdaman kong iba ang kinikilos nito at ang ipinapakita sa’kin. Nararamdaman kong espesyal ang trato n’ya. Pero iba pa rin kapag sinabi at kinumpirma n’ya ang kanyang nararamdaman. Ngunit hindi ito dumating, hindi n’ya pa iyon sinasabi. Iniisip kong sapat na sa’kin ‘yong pinaparamdam n’ya, na sapat na lahat ng ipinapakita n’ya sa’kin. Pero sa bandang huli, iba pa rin pala kapag mayroong kalakip na salita kung saan ay naglalahad ng kasiguraduhan. Nalipat ang atensyon ko nang malakas na nagring ang cellphone ni Alec. Hindi n’ya ito pinapansin at kinukuha dahil tutok na tutok s’ya sa kanyang ginagawa. Lumingon ito sa akin at sumenyas na tingnan kung sino ang tumatawag. Malapit lang sa gawi ko ang cellphone n’ya kaya mabilis ko itong nakuha. Tiningnan ko ang caller. “Rye,” Pagbasa ko sa pangalan ng tumatawag. Agad kong ibinigay kay Alec ang phone n’ya. Tinignan pa ako nito at halatang tinatantya ang reaksyon ko bago sinagot at tumayo para sagutin ang tawag. I remember that familiar name. Iyon ‘yong pangalang binanggit ni Alec noong una ko s’yang makitang lasing. Lumayo ito sa gawi ko.Nakatalikod ito sa’kin. Saglit ko lang s’yang tiningnan habang mayroon itong kausap. Narinig ko ang mahihinang hakbang nito pabalik sa puwesto ko. “Xia,” pagtawag n’ya sa’kin. Lumingon agad ako sa kanya. Hindi na ako nagsalita at hinihintay na lang ang kaniyang sasabihin. “I need to go, I have to fix s-something,” ramdam ko ang kaba n’ya nang magpaalam sa’kin. Bakas sa boses n’ya at sa bahagya n’yang pagkautal. I just nod at him and gave him a small smile. “Take care, Alec.” Hindi ko ugaling magtanong dahil ginagalang ko pa rin naman ang privacy n’ya. Nararamdaman ko ring may kakaiba kaya hindi n’ya ito sinasabi. At ayos lang naman ‘yon sa’kin. Kahit naman magkasama kaming parati ay hindi naman sa’kin lang natatapos ang oras n’ya o hindi naman sa’kin lang nakatuon ang atensyon nito. “You’ll be fine here?” Pagtatanong nito. Mukhang hindi kumbinsido at palagay sa naging sagot ko. “Oo naman, sige na, gawin mo na ‘yong gagawin mo at baka mahalaga iyon.” Tinulungan ko itong magligpit ng gamit n’ya. Bakas sa mukha nitong mayroon s’yang malalim na iniisip. Inihatid ko ito sa may pinto ng condo. Kapansin-pansin na naging tahimik ito matapos nang tawag na iyon. Mayroon na tuloy ngayon sa puso ko na gusto s’yang pigilan ngunit alam ko rin naman na hindi iyon maari… Isasara ko na sana ang pinto dahil tumalikod na ito sa’kin. Ngunit, pumihit itong muli sa’kin paharap. Walang sinasabi, tikom lang ang bibig nito. He just staring at me intently. Nangungusap ang mga mata nito. Saglit ko pa s’yang tinitigan, sinusubukang basahin ang nasa isip n’ya. Pinaalalahanan ko s’ya. “Give me a call when you need me.” He slightly move his head and nod. “I’m just here, Alec.” Isinara ko na ang pinto, bumalik ako sa sala at agad na inabala rin ang sarili ng mga gawain. I was just browsing our school publication. Lumabas na ito noong nakaraang week. Naging successful naman ang pagre-release nito. Ang hinihintay na lang namin ay kung nakapasa ba itong mapabilang sa Top 10 University Publication ngayon year. Kabado man, pero tiwala ako sa mga kakayahan ng kapwa ko manunulat sa aming Unibersidad. Lahat sila ay mahuhusay at alam mong gusto at passionate sila sa ginagawa. Hindi mawaglit sa isipan ko si Alec. Sana ay ayos lang ito. Ilang oras na ang nakakalipas ngunit wala pa rin itong text o tawag manlang sa’kin. I can't help but to be worried about him. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Narito na ngayon si Sheena at kauuwi lang nito. “Hi, lovebirds---” napatigil ito sa kanyang pagsasalita at animo ay mayroong hinahanap. Iniikot pa n’ya ang paningin sa kabuuan ng sala. “Where’s Alec? Akala ko ba ay narito s’ya?” taka n’yang tanong. Casual lang akong sumagot kay Sheena. “Oo, nandito s’ya kanina. Kakauwi n’ya lang kasi may biglaan s’yang kailangang asikasuhin.” “Oh, kaya pala.” Naupo lang ito sa couch, sa tabi ko. Nagkuwento agad ito ng mga tsismis na nakalap n’ya sa paglabas n’ya. Nakakatawa lang kasi na sa kada labas nito ay ang daming nakakalap na kung anu-ano. “At tsaka pala, naalala ko, nakita ko sila Tita Yza, sa Resto kanina. Magtatago nga sana ako, kaso, huli na nakita na nila ako e.” Napabuntong hininga ako. Alam ko na ang sasabihin ni Sheena. Alam ko na kung saan patungo ang usapan namin ngayon. “Usual?” Iyon lamang ang tanong ko sa kanya. Tumango ito, hinawakan ang balikat ko at marahang tinapik-tapik. “Umuwi ka raw bukas sa bahay, dinner daw.” Natawa ako, “’Di mo sure kung dinner talaga ‘yon.” Agad na kumurba sa isang ngiti ang labi nito, dinaan ko na lang sa biro. Sanay na sanay na ko sa dinner naming nauuwi sa sermon. Imbis na pagkain ang kainin at lunukin ko ay sandamakmak na reklamo ang natatanggap ko. “Gusto mo ba samahan kita?” “Wala ka bang lakad bukas?” dagdag kong tanong. “’Di ko alam depende kung mayroong mag-aaya pero sasamahan kita, after natin sa inyo tsaka na lang ako aalis.” Napangiti ako, she’s really the best. Alam n’ya kasing kapag sinamahan n’ya ako ay kahit papaano maliligtas ako at mahihiyang manermon sa harapan n’ya sila mommy. Nice moves parati ‘tong si Sheena. “Thank you, Maudin.” Inirapan ako nito nang marinig ang second name n’ya. “Ayaw na pala kitang samahan, kaya mo na ‘yon.” Natawa ako sa naging sagot n’ya. Ganoon talaga n’ya kaayaw ang ang kanyang pangalan. Samantalang ang ganda ganda naman nito. “Biro lang, sige na. Mayroon pa akong ginagawa.” Umalis lang sa harapan ko si Sheena at agad na pumasok sa kuwarto. Iniayos ko lang din muna ang mga gamit ko at ako rin ay nagpahinga. Ilang oras akong naghihintay sa mensahe ni Alec ngunit walang dumating, pinapaalala ko na lamang sa sarili na baka busy ito at walang pagkakataon para makapag-text. Hinihiling ko na lang na sana ay nasa maayos na kalagayan s’ya ngayon…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD