Chapter 1

2136 Words
Chapter 1             NAGISING AKO nang maramdaman ko na parang hinahalungkay ang tiyan ko na agad ko namang ikibalikwas ng bangon at ikinatakbo papunta sa loob ng banyo. Mahigpit akong napakapit sa gilid ng inidoro ng hindi ko na mapigilan ang sariling sumuka. Puno na ng butil ng pawis, mangiyak-ngiyak at nanghihina man ay hindi ko magawang maupo sa sahig ng banyo dahil patuloy pa rin ako sa pagsuka ng tubig at hindi ko alam kung bakit ganito. Naramdaman ko ang isang kamay na humahaplos sa aking likod habang hindi pa rin matigil tigil ang pagsusuka ko ng tubig. Hinihingal man ay nagpapasalamat akong sa wakas ay natigil na rin ang paghalungkay ng tiyan ko na dahilan ng pagsuka ko. Nagmugmog ako kahit na nanghihina ay inilalayan pa rin ng isang kamay ang likod ko. Inabot ko ang isang puting towel na binigay nito sa akin at pinunasan ang bibig at noo dahil sa napuno ito ng pawis. Tatayo na sana ako ng matuwid nang mabuwal ako at matutumba sana kung hindi lang ako nasalo at inilalayan ng isang malakas na bisig na mula sa likod ko. Hindi na ako nakapagprotesta pa ng pangkuin ako nito dahil na rin sa panghihina ng mga tuhod ko. Inihilig ko ang ulo ko sa malapad nitong dibdib at ipinikit ang mga mata na parang sobra akong napagod sa pagsusuka. Naramdaman ko ang malambot na kama sa likod ko sa dahan-dahan at puno ng rahan na paglagay nito sa akin. Namumungay na mga mata ko itong tinignan at ng mamukhaan ay napangiti ako sa kanya dahil sa nakikitang sobrang pag-aalala sa mga mata nitong magandang pagmasdan. “How are you feeling?” Puno ng pag-aalala nitong tanong sa akin nang naupo ito sa gilid ng kama ko at sinusuklay ng marahan ang buhok ko kaya nakakaramdam ako ng ginahawa at antok. “Fine,” mahina at tipid kong sagott pero sapat lang para marinig niya. “Want something to eat?” umiling lang ako sa tanong nito at ipinikit ulit ang mga mata sa pagod na nararamdaman. “Kailan pa ito nangyayari sa’yo? Puking every morning?” “Last week…” tipid ko pa ring sagot sa kanya habang nakapikit pa rin. “You’re now in your first trimester,” tumango-tango lang ako dahil sa sinabi niya. Alam ko naman kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ang hindi ko lang matanggap ay ang sobrang panghihina ko kapag nagsusuka ako sa umaga. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nagagawa ng pagbubuntis ko. If only mom was here… Malalim akong napabuntong hininga dahil sa mga naisip. I shouldn’t think that way. “May iba ka pa bang nararanasan pwera sa pagsusuka sa umaga?” Patuloy lang ito sa pagsuklay sa buhok ko na napakasarap sa pakiramdam. Para ako nitong hinihele sa paraan ng pagsuklay niya. He really knows how to make me calm in situations like this. “Dizziness, cravings, emotionally unstable and irritable.” Hindi ko na magawang imulat ang mga mata ko dahil sa ginagawa nito. Malamyos naman nitong pinupunasan ng isang malambot na bagay ang noo, pisngi at leeg ko na mas lalong nagpapagaan ng pakiramdam ko. Ngayon lang kasi niya ako naabutan na ganito ang sitwasyon ko dahil na rin sa wala ito mula noong nakaraang linggo dahil sa trabaho nito sa hospital. At ngayong nandito siya ay parang gumaan talaga ang pakiramdam ko. Dahil noong wala siya, para akong palaging binubugbog sa umaga lalo na pagkatapos kong magsuka. “Let’s go to your OB and after that, we’ll go to the supermarket to buy some groceries. You okay with that, babe?” malambing nitong tanong na ikinatango ko lang. “Get ready and I’ll wait you outside.” Naramdaman ko ang pagtayo nito mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ko at bago ito maglakad papalabas ay humalik muna ito sa noo ko na ikinangiti ko na lang. That’s what I love about him. His gestures na parang magnobyo o mag-asawa kami kahit na matalik lang naman talaga kaming magkaibigan. Ilang minuto pa ang pinalipas ko bago ko naisipang tumayo na para makapaghanda sa pag-alis namin. Kahit papaano ay nabalik naman ang lakas ko na nawala kanina. Habang naglalakad papasok ng banyo ay napahawak at napahimas ako sa wala pang umbok kong tiyan at napangiti. “Huwag mong pahirapan si mommy, baby, ah? Kahit na wala kang daddy ay mamahalin pa rin kita ng sobra pa sa pagmamahal na maari niyang maibigay sa’yo,” mahinang bulong ko habang hinihimas pa rin ang tiyan ko kung saan sa darating na pito pang buwan ay lalaki at maisisilang ko na ang anghel na alam kong magbibigay pag-asa sa akin at magpapaiba ng buhay ko.             “Bibilhin muna natin ang mga nireseta ng OB mo bago tayo dumeretso sa supermarket para hindi na hassle sa atin,” ani Rence habang seryosong nakatutok ang mga mata sa kalsada na para bang ingat na ingat itong hindi kami mabangga o maaksidente. Kakagaling lang namin sa kaibigan nitong Ob-Gyne doctor para magpacheck-up at para raw malaman namin ang mga bawal at hindi na pwede kong kainin sa pagbubuntis ko. Pero hanggang ngayon ay natatawa at napapaisip pa rin ako ng malalim habang naiisip ang nangyari pagkarating namin sa clinic ng kaibigan nito. Naunang pumasok si Rence sa clinic ng kaibigan nito dahil nakapagset na raw naman ito ng appointment dito at pinauna ito ng kaibigang doctor dahil sa magkaibigan naman daw sila. Papasok na sana ako nang matigil ako sa paglalakad nang marinig ang nang-aasar na tinig ng isang babae sa loob ng puting silid. “Himala at napadpad ka rito, Clarence,” nang-aasar nitong pambungad sa nakabusangot na kaibigan. “Buntis ka na ba? Sinong ama? Bakit ngayon ko lang nalaman ‘to?” Agad kong tinakpan ang bibig ko para pigilan ang tawa na gustong kumawala rito dahil sa narinig. Seryoso? Buntis si Rence? Napabungisngis ako dahil doon. “O baka naman gusto mong magkaroon ng obaryo? Aba, Gomez, maghunosdili ka!” Hindi ko na napigilan ang tawa ko at napatawa na ako ng malakas habang pumasok na ng tuluyan sa clinic ng doctor na inirekomenda ng kaibigan ko. Agad namang dumako ang tingin nilang dalawa sa akin at nakita ko ang matalim na tingin na ipinipukol ni Rence sa akin habang ang kaibigang doctor nito ay gulat at nanlalaki naman ang mga matang tumitingin sa akin. “Hindi ko alam na gano’n ang gusto mo, Rence,” nauutal kong ani sa kanya dahil sa tawang hindi ko na mapigilan pa. Myghad! Hindi ko talaga maisip isip na gano’n ang ipambubungad ng kaibigan nito sa kanya! “Ms. Iria Delcena?” Nakatayo na ngayon ang OB na may nanlalaki at hindi makapaniwala ang mukha nang makita at makilala ako. Tumango-tango lang ako sa tanong nito habang natatawa pa rin pero nagtataka rin kung paano niya ako nakilala sa gayong, hindi ko naman ito kilala. Tumayo ako ng tuwid at pinipigilan ang sariling hindi na matawa dahil sa mga narinig pero hindi ko magawa dahil nagp-play pa rin ito sa utak ko na ikinailing at ikinatawa ko ulit. Nakabusangot, nakakrus ang mga braso sa harap ng dibdib at masama ang tingin sa akin ni Rence kaya nagpeace sign ako sa kanya at pinalobo ang pisngi para pigilan ang tawa na nagawa ko naman. “The Delcena Empire Heiress…” Mahinang naiusal ng doktora pero hindi ito nakaligtas sa pandinig ko. “I didn’t know that you two are…” “I’m not a heiress, doc. I’m just a normal citizen of this country,” nakangiti kong ani sa kanya pero hindi ito naniwala sa akin. “And I didn’t know that you know me. How’s that?” seryoso ko ng tanong sa kanya na agad niyang ikinaiwas ng tingin. “You’re all over the internet. Kaya hindi maipagkakailang hindi ka agad makikilala ng lahat.” “Internet, huh?” Tumaas ang gilid ng labi ko dahil sa sinagot nito. How come I didn’t know about that? That my name is in the internet now? “And we’re not a thing, doc. We’re best of friends.” “Yeah. So, can you check her up now, Diane?” Bagot namang sang-ayon at tanong ni Rence sa doctor na kaharap. “Ikaw pala ang magpapacheck, Miss Delcena? Let’s go inside,” aniya at umalis na sa likod ng desk nito at nauna nang maglakad papunta sa isang silid sa loob lang ng opisina nito. Maganda naman siya actually. With her shoulder length black straight hair, thin eyebrows that compliment her round brown eyes, narrow nose and pink lips. May katangkaran na sa tingin ko ay nasa five’five. Nang makapasok sa silid na pinasukan niya ay agad kong inilibot ang paningin ko sa loob nito at napatango tango dahil kompleto ang gamit nito at mga updated din kaya magiging madali lang ang lahat. Ilang minuto lang ang tinagal namin sa loob ng silid na iyon ng pinauna niya akong palabasin dahil hihintayin pa raw nito ang resulta na mabilis na rin lang naman. Naabutan kong nakaupo sa isang sofa si Rence habang nakade-kwatro ang mga binti at nagbabasa ito ng magazine na pang buntis. Agad ko naman itong nilapitan at naupo sa tabi niya at inihilig ang ulo sa balikat nito. “Tapos na?” tanong nito na nasa magazine pa rin ang tingin. “Yeah. Hihintayin na lang ang results at ang irereseta niya bago tayo umalis papuntang mall.” Hindi naman ito nagtagal at nang makita naming lumabas na ang doctor sa silid kung saan kami pumunta ay tumayo na rin kami. Ngumiti ito sa akin bago inabot ang isang brown envelop na agad ko namang tinanggap. “The results are inside that envelop together with the prescriptions that you need to buy for your baby to be healthy. Congrulations!” nakangiti nitong ani at bati sa akin. “Thank you!” “Can I ask a favor?” napatingin naman ako kay Rence dahil sa sinabi nito. Seryoso itong nakatingin sa kaharap na para bang may sobrang importante itong hihingin na pabor. “What is it?” takang tanong naman ng kaharap niya. “Don’t tell anyone about this. About Iria’s pregnancy. At kung pwede lang, ‘wag mong mabanggit kanino man ang mga nangyari at ang mga nalalaman mo regarding sa pagbubuntis ng kaibigan ko. Maasahan ko ba ‘yon, Diane?” tumango lang ito at hindi na nagsalita pa na ikipinagpasalamat ko naman. Kumaway at nagpasalamat ulit ako sa kanya bago kami tuluyang umalis ni Rence sa clinic niya.             “We’re here, babe,” napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse nito at nakitang nasa parking lot na nga kami ng mall. “Ang lalim naman ata ng iniisip mo mula kanina. Something’s bothering you?” Dumako ang tingin ko sa kanya dahil sa mga sinabi at tanong nito. I smiled at him to assure him that I am fine and nothing is bothering me. Sabay na kaming bumaba ng kotse nito at sabay rin kaming naglakad papunta sa elevator. Siya ang nagdadala ng mga binili namin sa pharmacy dahil ayaw niya raw akong mabinat dahil sa bigat ng mga pinamili namin. Hindi pa naman gano’n kalaki ang tiyan ko kaya kaya ko pang magbuhat kahit na maliliit na mga dala lang niya pero ayaw niya talaga. Ilang lata rin ng gatas na pambuntis, mga vitamins at kung ano-ano pa ang nasa reseta na binili naman agad ni Rence at hindi inalintana ang mga gastos. Papalapit na kami ng supermarket ng mapatigil ako ng may narinig ako na boses na tinawag ang pangalan ko sa hindi kalayuan. Nang paglingon ko para alamin kung sino ito ay nagulat ako nang mapagtanto kung sino ang tumawag sa pangalan ko. It’s been 10 years since I last talk and see him! Mas naging matikas ang pangangatawan nito kumpara noon at mas lalo itong gumwapo dahil sa clean cut at moreno nitong balat na bumagay sa kanya. “Jack?” Hindi makapaniwala kong tawag sa kanya na ikinangiti niya naman at agad na mabilis na naglakad para makalapit sa akin. “Long time no see!” masayang bati ko rito nang tuluyan na itong makalapit sa akin. “Is it really you, Iria?” Hindi makapaniwala nitong tanong at tinignan ako mula ulo hanggang paa. “I thought you’re gone?” Natawa naman ako sa huling tanong nito. “I was gone, Jack. And now, I am back…”   C.B. | courageousbeast  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD