Chapter 2
"You think, he can help you?" napatingin ako kay Rence nang marinig ang tanong nito habang tulak-tulak ang cart na naglalaman ng mga kakailanganin namin sa condo niya. "You don't know him that much, Iria"
"I will grab everything that can help me finding him, Rence. And you know that" kumuha ako ng isang pack ng chocolate candy dahil bigla akong natakam ng makita ito. "I want to find him. I need to find him"
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito na parang problemado pa ito sa akin. He knew about my plan in finding Ivan. My fiancé when I was in my father's care. He is the only that I need right now. Wala na akong pakialam kung buntis man ako sa ibang lalaki. Ang importante ngayon ay mahanap, makita at makausap ko siya. Siya na lang ang pag-asa ko... sa ngayon.
"Wala akong tiwala sa lalaking iyon, Iria" napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig. Lumingon ako sa kaniya na nakakunot ang noo dahil sa pagtataka. "I feel like we can't trust him"
"I didn't say we trust him, babe" ngumisi ako sa kaniya na ikinatawa naman niya ng mahina. "If you know what I am" kibit balikat kong ani sa kaniya at nagpatuloy na sa paglalakad habang kumukuha ng mga pagkaing matipuhan ko. Siya naman ang magbabayad.
"Such a clever woman" narinig ko ang pagpitik pitik nito ng dila niya at alam kong umiiling na ito na ikinatawa ko ng mahina.
"Tara na at bayadan mo na 'yan. Nakakaramdam na ako ng pagod" pag-aaya ko sa kaniya na ikinaismid niya.
"Wala talagang hiya ang babaeng 'to. Akala mo naman siya ang magbabayad ng lahat" mahinang bulong nito pero sapat lang para marinig ko.
"I heard that, babe and you're hurting me" pagd-drama ko sa kaniya na ikinahinga niya ng marahas na dahilan para palihim akong mapangiti.
"Let's go, babe. Hiyang-hiya naman ako sa'yo" hindi ko na napigilan pa ang paghalakhak dahil sa sinabi nito.
Nauna na akong naglakad sa kaniya papuntang counter para makapagbayad na at nang maka-alis na kami rito at kumain ng dinner sa isang resto. That's what he told me while we were inside the grocery store.
Nakacross arm lang ako habang hinihintay na matapos i-punch ang mga pinamili namin ng cashier na halata namang nagpapacute sa kaharap niya. I rolled my eyes at the cashier at sinamaan naman ng tingin si Rence dahil nag-e-enjoy naman ito sa pagpapacute ng cashier sa kaniya.
"Akala mo naman cute. Mukha namang clown" bulong-bulong ko pero sinigurado kong maririnig ng cashier dahil medyo lumapit ako kung nasaan sila.
"May sinasabi po kayo, ma'am?" napatingin ako sa cashier nang marinig ang tanong niya at nakita kong masama ang tingin nito sa akin.
Ngumisi ako sa kaniya na mas ikinatalim ng tingin nito sa akin. "May narinig ka?" at inosente ko itong tinignan kaya narinig ko ang mahinang pagtawa ng loko sa harap ng cashier.
"Wala naman po" magalang nitong ani sa akin pero iba ang pinapakita ng mga tingin nito sa akin.
Mas lalo akong napangisi dahil sa naisip ko. Lumapit ako kay Rence at iniyakap ang mga braso sa bewang nito at isinubsob ang mukha sa dibdib niya. Naramdaman ko naman ang pagpulupot ng braso nito sa likod ko at nakarinig ako ng isang mahinang singhap sa harap ko.
"Nagugutom na kami ni baby, babe" nanlalambing kong ani at tiningala ito kaya napayuko rin ito a ngumiti sa akin ng matamis.
"Malapit na, babe. Sorry din baby kung matagal matapos" malambing din nitong ani at hinalikan pa ako sa noo.
Tumingin naman ako sa cashier at nakitang namumula ito. Dahil siguro sa hiya? 'Yan kasi, gusto pang manglandi kahit na sa oras ng trabaho at 'yan ang nakukuha mo.
"Eight thousand five hundred sixty three and sixty nine cents" rinig kong aniya kaya kumalas ako ng yakap kay Rence at inayos ang medyo nagusot kong dress at tumayo ng tuwid sa tabi ni Rence habang nakataas ang kilay na nagmamasasid sa cashier na nakayuko na lang ngayon.
Binigay naman ni Rence ang ATM card nito sa cashier na agad naman nitong kinuha at ini-swipe sa isang maliit na machine na pang ATM. Ilang sandali pa ay binalik na ng cashier ang ATM ni Rence na kinuha naman nito at binalik sa kaniyang leather wallet.
Ready na ang mga pinamili naman at nakalagay na sa may kalakihang karton dahil sa dami ng mga pinamili namin. Agad naman kaming in-assist ng isang helper dahil may mga dala rin naman si Rence. Ang binili namin kanina sa pharmacy.
"Sabi ko sa'yo na tawagan mo na 'yong isang bodyguard mo para dalhin 'yan sa kotse mo para 'di ka na nahihirapang dalhin 'yan" pangaral ko sa kaniya habang naglalakad na kami papunta sa parking lot para ilagay ang mga pinamili namin bago kami pumuntang resto kung saan nakapagpareserve na siya.
"Kaya ko naman, babe. Tagabantay ko sila at hindi alipin" napairap naman ako sa sagot nito.
"Duh. Parang ngayon lang naman. Akala mo naman araw-araw" pagsusungit ko sa kaniya at naunang maglakad habang nakasunod sa amin ang helper na dala-dala ang mga pinamili namin gamit ang cart.
"Babe! Wait!" hindi ko pinansin ang pagtawag nito sa akin at tuloy-tuloy lang sa paglalakad.
Pero ang mabilis na lakad at tuloy-tuloy ay naging dahan-dahan at paunti-unti na lang dahil sa taong makakasalubong ko sa daan hanggang sa mapatigil na lang ako sa paglalakad at natulala na lang sa taong natigilan din sa paglalakad nang makita ako sa kinatatayuan ko.
Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay naramdaman ko na naman ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko na parang may kung anong humahabol dito. Ang nakakakiliting sensasyon na agad na bumalot sa sistema ko dahil sa kakaibang tingin na ipinupukol nito sa akin. Ang mga tinging naging ulila ako... noon.
"Reece" mahinang sambit ko sa pangalan niya habang hindi pa rin umaalis ang mga mata namin sa isa't isa.
Humakbang ito ng isang hakbang kaya napahakbang din ako ng isa paatras hanggang sa may naramdaman akong kamay na pumulupot sa bewang ko na naging dahilan para mapatalon ako sa kinatatayuan ko. Tumingala ako para makita kong sino ang mapangahas na humawak sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwang nang makitang si Rence lang naman pala iyon.
Ngumiti ito sa akin at tumingin sa harapan namin at nakita ko ang agad na pag-iba ng emosyon sa kaniyang mukha. Ang nakangiti at maamong mukha nito ay napalitan ng inis at pagkunot ng noo na ikinakaba ko. Kapag gano'n ang naging reaksiyon ni Rence, alam ko na agad na may hindi magandang mangayari kapag hindi ko pa ito inaya na umalis na lang kami rito.
Hinawakan ko ang braso nitong nakapulot sa bewang ko at pinisil ito para ipahiwatig na umalis na lang kami at huwag na lang pansinin ang taong nasa harapan namin ngayon.
"Let's go?" nang tumingin ito ulit sa akin dahil sa sinabi ko. Ngumiti ako sa kaniya ng tipid at nangungusap na mga matang tumitig dito at nagpapasalamat akong nakuha niya agad ang gusto kong ipahiwatig sa kaniya. Tumango ito sa akin at iginaya na ako kung saan nakapark ang kaniyang kotse.
Tahimik lang nitong binuksan ang compartment ng kotse at isa-isang nilagay ang aming mga pinili sa tulong na rin ng helper ng supermarket. Nang matapos ay ako na ang nagpasalamat sa tumulong bago ito bumalik sa loob ng mall.
"Tuloy pa ba tayo sa resto, Rence?"
"Gutom ka na 'di ba?" walang buhay niyang balik tanong sa akin na nagpabuntong hininga sa akin.
"Yes. But –"
"No buts, Iria. We'll eat our dinner at the resto where I reserved us"
"Okay..." nakayuko kong ani at inayos na lang ang shoulder bag na dala ko dahil nahuhulog sa balikat ko ang strap nito.
Walang imikan kaming naglalakad papunta sa resto kung saan ito nagpareserve. Hindi ako sanay na ganito kami at nasu-suffocate ako sa katahimikan niya.
"Rence..." mahinang tawag ko sa kaniya.
"Hmm?"
"Ba't ang tahimik mo ata ngayon?" may pag-aalangan kong tanong sa kaniya.
"May iniisip lang ako" walang buhay pa rin ang boses nitong sagot sa tanong ko.
"Spill it out, Clarence" seryoso kong ani na nagpatigil sa kaniya sa paglalakad at para itong natuod sa kaniyang kinatatayuan.
Kaya ganiyan ang reraksiyon niya dahil alam niya na hindi ko na nagugustuhan ang mga kinikilos niya kapag nagtanong na ako ng seryoso sa kaniya. Alam na rin niya ang mangyayari kapag hindi ko nagustuhan ang magiging sagot niya sa mga tanong ko.
Narinig ko ang mahabang pagbuntong hininga nito na ikinakunot ng noo ko habang nakatingin pa rin sa malapad nitong likod sa harap ko. Nakasuot ito ngayon ng pulang longsleeve polo na nakatupi ang mga manggas hanggang sa kaniyang siko na pinaresan niya ng maong pants at isang leather monk shoes na mas nakadagdag sa appeal nitong nakakakuha agad ng atensiyon lalo na ng mga babae.
Unti-unti itong lumingon sa akin na para bang isa akong nakakatakot na tao dahil ang mukha nito ay para ng nawalan ng kulay na hindi ko alam kung bakit. Nang tuluyan na itogn nakaharap sa akin ay ngumiti ito sa akin na ma pag-aalinlangan na ikinakunot ng noo ko at matalim na tingin ang ipinukol ko sa kaniya. Nakita ko pa itong napalunok dahil sa paggawal ng adams apple nito na lihim kong ikinangisi.
"W-we'll talk about it in the resto" nauutal at may kabang aniya sa akin.
"Make sure of it, Clarence" at inunahan ko na naman ulit ito sa paglalakad dahil alam ko na kung saang resto kami kakain.
"Reservation of Clarence Gomez" malamig kong pambungad sa isang lalaking nakasuit na nakaabang sa labas ng resto at hindi na ito hinintay na magsalita pa dahil sa kanina pa ako nagugutom at nakakaramdam na ako ng pagod.
"This way, ma'am" iginaya niya ako papasok sa isang kwarto na may glass walls at door.
Ramdam ko naman na tahimik lang na nakasunod sa amin si Rence dahil alam nitong nagsisimula na akong mainis sa kaniya dahil sa mga inasal niya kanina na hindi ko naman alam ang dahilan. At alam niyang ayoko ng gano'n lalo na kapag hindi ko alam kung ano ang totoong dahilan.
Naupo na ako sa two-seater table na nakahanda sa gitna ng kwarto na may malaking chandelier pa sa ibabaw nito. The room feels so cozy but I can't really feel it dahil naiinis na ako sa lalaking kaharap ko ngayon. I glared at him na mas lalo niya pang ikinalunok ng sariling laway.
"Your dinner will be serve in 10" hindi ko na pinansin pa ang waiter at tinutok na lang ang paningin sa kaharap kong lalaki at hinihintay na magsalita ito.
Lumabas na ang waiter at hindi naman nagtagal ang paghihintay ko bago ito magsalita na ikinataas ng kilay ko sa kaniya.
"Iria" nakataas na ang dalawang kilay ko sa kaniya pahiwatig na naghihintay lang ako sa sasabihin niya. "About what happened earlier at the parking lot"
"What about that?" mataray kong tanong sa kaniya.
"I was just worried that he might take you away from me... again"
"Will you let him, though?"
"Of course not!" agad na sagot nito na ikinangisi ko ng palihim pero naiinis pa rin ako sa kaniya.
"Then we're good with that" ibinaba ko na ang isang kilay ko pero naiinis talaga ako sa kaniya.
Is this a pregnancy hormone?
"So, you're not mad at me anymore?" parang bata nitong tanong sa akin na ikinairap ko sa kaniya na ikinabagsak ng balikat nito.
"Naiinis ako sa'yo"
"What have I done again?"
"Wala. Naiinis lang talaga ako sa'yo"
"Pregnancy hormone" mahinang bulong nito pero rinig na rinig ko.
"Paki mo naman?"
"Sabi ko nga tatahimik na" inirapan ko lang ito.
Ilang sandali lang ay dumating na ang waiter kasama ang inorder niya kanina bago pa man kami makarating sa resto. Tahimik lang akong nagmamasid at agad na natakam ng makita ang mga inihiahin sa pabilog na mesa. My favorites!
Nagliwanag ang mukha ko at nawala ang inis na nararamdaman ko sa isang iglap dahil sa nakikita. Malapad na ngiti ang iginawad ko kay Rence ng tumingin ako sa kaniya at no'ng nagtama ang mga mata namin.
"You really know how to ease my irritation, huh?" nakangiti kong ani sa kaniya at nang mawala na ang nags-serve ay agad ko ng nilantakan ang mga pagkain sa harap ko.
Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa na hindi ko na lang pinansin. Kanina pa ako nagugutom at isa pa, mga paborito ko ang mga nakahain. Pero nakailang subo pa lang ako nang mapatigil ako dahil sa tanong niya.
"Kailan kayo magkikita nung Jack?" seryoso ang boses nitong tanong sa akin.
Inangat ko ang mukha ko sa kaniya at nginisihan ito na ikinailing niya lang.
"I bet, it will be... tomorrow"
-courageousbeast