Chapter 3
"I was gone, Jack. And now, I am back"
Nakita ko ang pagkagulat nito na lihim kong ikinangisi dahil iba ang inaasahan kong magiging reaksiyon nito.
"We tried to find you, Iria. Pero kahit saan kami maghanap noon ay hindi ka namin matunton" may panghihinayang at pagsisi nitong ani habang may sinserong mga mata na tumingin sa akin.
"Did you? Really?" mahina kong tanong na sapat lang para ako lang ang makarinig.
"Ano 'yon?" may taka nitong tanong sa akin na ikinangiti ko lang sa kaniya.
"Nothing" nakangiti ko pa ring ani sa kaniya at sinenyasan si Rence na mauna na at susunod ako sa kaniya na agad naman niyang nakuha pero alam kong nag-aalangan siyang iwan ako sa lalaking hindi niya kilala.
"Kamusta ka na? It's been what? Ten or eleven years since the last time we saw each other"
"Yeah. Matagal na rin naman pala. Hindi lang natin namamalayan" hindi pa rin nawawala ang maganda kong ngiti sa mga labi. "I'm fine. You've grown too. Ibang iba sa Jack na nakilala ko noon"
Natawa naman ito sa sinabi ko at napakamot pa sa batok niya na parang nahihiya. Mas nadagdagan ang kagwapohan niya dahil sa pagkamot niya sa kaniyang batok pero hindi ako naakit katulad ng mga babaeng palihim na tumitili sa paligid namin. Palihim lang akong napairap dahil kung alam lang nila, titili pa kaya sila?
"Time changes a person" kibit balikat at matawa-tawa niyang ani.
"Pain changes a person, Jack. Time is only time but the pain will still be inflicted with someone who experienced it. In a horrible way" nginitian ko ito ng makahulugan dahil nakita ko ang pagkunot ng noo nito dahil sa sinabi ko. "By the way, kamusta naman ang puso natin? May nagpapatibok na ba?" may pang-aasar kong tanong sa kaniya na dahilan kung bakit nakita kong namula ang leeg nito at tainga na ikinatawa ko ng mahina.
"Wala pa ring nakakapagpalit sa'yo? Ang hirap mo kasing kalimutan" ngumisi ito sa akin na ikinailing ko.
"My, my, Jack. What a sweet tongue to we have here?" sabay kaming natawa dahil sa sinabi ko. "Sa successful mong iyan, wala pa rin? My gosh, Jack! 'Wag mong sasabihing tatanda kang binata?"
Lumakas naman ang tawa ko dahil sa pagsimangot nito dahil sa sinabi ko.
"Ang sama mo naman sa akin, Iria. Syempre, nagbakasakali akong magkita ulit tayo at hindi naman ako nagkamali" umiling ulit ako sa kaniya dahil sa mga kataga niyang papaniwalaan ko sana kung ako pa rin 'yong noong Iria. "Mukhang itinadhana talaga tayo, a? And look at you now! Wala pa ring ipinagbago, though, naging mas matured at tumaas ka pa kesa sa ngayon na hindi naman kataka-taka"
"Alam mo na, genes" sabay na naman kaming tumawa dahil doon.
"But seriously speaking, Iria. You look more womanly than before. You've grown too much than a normal lady" naging seryoso ang mukha at boses nito habang sinasabi ito at mataman na tumitig sa akin. "You still make my heart beat fast"
"Will I fall for that, then?" nakangiti kong tanong sa kaniya na mas lalong ikinaseryoso ng mukha niya.
"I will catch you" nangilabot ako at naramdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa batok dahil sa sinagot niya.
"Nah. Nice to meet you again, Jack. See you next time?" humakbang ako paatras sa kaniya ng isang beses pahiwatig na kailangan ko na talagang umalis.
"Can I have your number, then? I'll text you if I have time to see you again?" tumaas ang gilid ng labi ko dahil sa tanong niya.
"Sure" sagot ko agad at inilahad naman nito ang cellphone niya na kinuha ko naman agad at tinype ang cellphone number ko at ako na ang nagsave sa phonebook niya.
Ibinalik ko na sa kaniya ang cellphone nito pagkatapos kong masave ang number ko sa nakapangalan na. Ngumiti ako sa kaniya at kumaway bago ito tinalukuran at naglakad na palapit sa kung nasaan nakatayong naghihintay si Rence na may nakakunot na noo.
"Kanina ka pa tulala. Anong iniisip mo?" napatingin ako sa gilid ko nang marinig ko itong nagtanong.
"Nothing" tipid kong sagot sa kaniya at binalik ang tingin sa labas ng bintana ng kotse niya.
"Really, huh?" kumunot ang noo ko at hindi pa rin lumingon sa kaniya. "Don't fool me, Iria. I know that there's something bothering you"
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi nito. Alam niya talaga kapag may iniisip akong malalim, huh.
"Iyong sa parking lot" ani ko. I know I lied but it was a half-truth too.
Hindi ko lang maiwasang hindi rin iyon maisip. Bakit kasi sa dinami-rami ng pwedeng lugar ay doon pa kami pwedeng magkita? I admit that I miss him pero alam ko namang hindi pwede dahil sa magkakapamilya na ito. Yes I need him. But his family need him more.
"Is it about him?" seryosong tanong nito kaya napatango na lang ako dahil ayoko ng dagdagan pa ang pagsisinungaling ko sa kaniya.
"Hindi ko lang maiwasan. At isa pa, I find him somewhat familiar. The way he looks at me" mahina pero sapat lang para marinig niya ang mga sinabi ko.
"Familiar of what? O baka namiss mo lang talaga siya"
"There's something about him about my past. Para siyang si Ivan na hindi ko alam" nalilito kong ani at naipikit na lang ang mga mata dahil sa hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
There's really something with Reece I feel. The way he looks at me. The way he cares for me. And the way he embraces me when I was in his arms. It feels really familiar. The feeling that I am with my Ivan.
"You think that he's 'the Ivan' you're finding? Are you out of your mind, Iria?!" napaigtad ako sa bigla nitong pagsigaw na hindi ko inaasahan.
"I was saying the possibilities, Rence. Hindi ko naman sinasabing siya si Ivan na hinahanap ko" pagod kong sagot dito.
"But you're hoping, right? You are hoping that he's the Ivan that you can't clearly remember?" naging mahinahon na ang boses nitong tanong.
"I don't know. Hindi ko talaga alam. Naguguluhan ako. His face is still a blur in my dreams. But his eyes, katulad na katulad nung kay Reece"
"It's because of the eyes. Tss" napamulat ako ng mata dahil sa naging asta nito. "Just because of that f*****g eyes. Damn it!"
Nagtataka akong tumingin sa kaniya dahil sa mga sinabi nito. What's with him? Bakit ganito siya? Nagsasabi lang naman ako ng mga nasa isip ko dahil ayoko namang maglihim talaga sa kaniya.
"What's your problem, Rence? Why are you acting like that?" seryoso kong tanong sa kaniya pero nakakunot na naman ang noo ko.
"The eyes are not the only one you need to look at, Iria!" makikita sa mukha nito ang galit na hindi ko alam kung saan nanggaling.
Naging mabagal ang pagpapatakbo niya ng kotse na mas lalong ikinakunot ng noo ko. Sumulyap ito sa akin at nakita ko ang matalim nitong tingin sa akin at nakaramdam ako ng kaba dahil doon.
"At hindi basehan ang mga mata lang kung iyan ang paraan mo sa paghahanap sa kaniya" naging malamig ang boses nitong ani na nagpatindig ng mga balahibo ko.
"I am not telling that I am thinking that Reece is the Ivan that I am finding just because of his blue eyes!" hindi ko na rin mapigilang hindi pagtaasan siya ng boses.
"Anong hindi? Iyan ang pinapahiwatig mo, Iria. Umasa ka na siya ang Ivan na hinahanap mo dahil sa pagmamahal na nararamdaman mo para sa kaniya. Umaasa kang siya nga ang Ivan na naging fiancé mo noon na nangako sa'yo. Pero paano kung hindi? Anong gagawin mo?"
Naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan at tuluyan na itong humarap sa akin. Inilibot ko muna ang paningin ko at nakitang nasa basement na kami ng tower kung saan ang kaniyang condo. Ibinalik ko naman agad ang tingin sa kaniya at matalim siyang tinignan.
"Then he's out of the list!"
"Uh-huh. But tell me, you really hope that he's the Ivan you're looking for. Am I right, Marie?" mas lalong tumalim ang tingin ko sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"What if I am? What if I am hoping that he's the Ivan that I want to find? May magagawa ka?" walang buhay kong balik tanong sa kaniya na ikinaiwas niya rin ng tingin sa akin. "I am hoping because that's what my heart tells me to do. I am hoping because I can feel it. I can feel it in my guts. Hindi man siya maalala ng isip ko, naalala naman siya ng puso ko" nabasag ang boses kong usal at naramdaman ko ang pagpatak ng isang butil ng luha sa pisngi ko na agad ko namang pinahid.
"Wala e. umaasa ako na siya 'yong Ivan na nangako sa akin dahil sa pagmamahal ko sa kaniya. Pero masama bang umasa, Rence? Masama bang umasa kahit ngayon lang?" umiwas ako ng tingin sa kaniya ng makita ko ang paglambot ng mukha nito at ang dahan-dahan niyang paglingon sa akin.
"Iria" may pagsisisi niyang tawag sa akin pero hindi ako tumingin sa kaniya. "I'm sorry"
"Pero paano nga ba kung siya nga ang hinahanap ko?" tumawa ako ng mapakla at pinahid ang mga luhang nagsisimula ng umagos na parang ulan sa pisngi ko. "I can't do anything. Why? Dahil may pamilya na siya. Nagsisimula na siyang bumuo ng sarili niyang pamilya. Magpaparaya ako para roon kahit na nangako siya noon. Kaya hindi ako naniniwala sa mga pangako e, dahil palaging napapako"
"Iria, tama na, please" may pagmamakaawa niyang ani at hinawakan ang kanan kong kamay at pinisil pisil ito.
"I've been a fool all my life. Always a fool" mapait akong ngumiti habang nakatingin lang sa harapan ko. "I just want a normal life. A happy and contented life with the man that I love with our kids. Pero bakit ba nangyayari sa akin ito? Bakit ako nasasaktan at nahihirapan? Kulang pa ba 'yong pagkawala ni mom sa akin? Ang pagtaboy ni dad sa akin? Ang pambababoy ng mga demonyo kong mga pinsan? At ang pagwasak ng lalaking mahal ko sa puso kong lubos kong iniingatan? Tell me, Clarence. Saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali?" napahikbi ako dahil sa mga naiisip at narealize ko.
Ang unfair ng buhay sa akin. Sobra. Ang sakit ay hindi nawawala at naging kaakibat pa nito sa akin. Bakit kung kailan masaya at kuntento na ako, roon naman dadating ang mga pangyayaring wawasak sa akin? Bakit kung kailan wala na akong maihihiling pa, roon pa ako pinapahirapan ng husto?
"Walang mali at kulang sa'yo, Iria. Sila ang sumayang sa iyo. Sila ang nawalan at hindi ikaw" mahinang bulong nito sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Then why? Why am I experiencing this kind of life? This kind of pain?" garalgal at puno ng sakit at pighati kong tanong sa kaniya.
"Shh, I'm here, babe. I am just here. I won't hurt you. I won't leave you. Will always be by your side" pag-aalo nito sa akin na mas lalo kong ikinahikbi sa mga bisig niya.
"I don't want this life too. Hindi ko naman ginusto ang mga nangyari pero bakit ako ang may kasalanan ng lahat? Bakit ako ang sinisisi? Bakit ako ginaganito? Ano ba ang nagawa ko para maranasan ang buhay na ito?"
"Wala kang ginawa, okay? It's not your fault. It will never be your fault" hinaplos nito ang likod ko at nakaramdam ako ng ginhawa dahil doon.
Nahihirapan na akong huminga kaya kumalas ako sa pagyakap kay Rence at sinubukang huminga ng malalalim dahil nakakaramdam na ako ng pagsikip ng dibdib ko dahil sa pag-iyak. Nakita ko namang natataranta na rin si Rence sa mga nakikita niya sa akin. Nararamdaman ko na rin ang pagbigat ng talukap ko dahil sa sobrang pagod na naramdaman ko ngayong araw kaya unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko at ang nag-aalalang boses ni Rence ang huli kong narinig bago ako kinain ng kadiliman.
-courageousbeast
Enjoy reading! I'll be updating again tomorrow!