Chapter 4
"Tama na. Maawa na kayo sa akin" kahit na anong pagmamakaawa ko sa kanila ay para lang itong hangin na tumatagos sa kanila dahil parang hindi nila naririnig ito. "Please, tama na"
Napaubo na lang ako ng isang malakas na pwersa ang naramdaman kong tumama sa tiyan ko na dahilan ng pag-alon ng mga tingin ko at ang pagkahilo ko. Napahiga ako sa sahig at namaluktot nang mas nakaramdam ako ng sobrang sakit sa aking puson na parang humihilab ito sa sakit. Pinipiga na parang hinihiwa ang kaloob looban nito.
Isa-isa nang tumulo ang mga luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko na hindi ko maipaliwanag. Mas lalo kong ibunaluktot ang katawan ko habang sapo-sapo ang puson ko kung saan sobrang sakit ang nararamdaman ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko para mapigilan ang sigaw na gustong kumawala rito at ipinikit ang mga mata at mahinang humihikbi dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
Naramdaman kong parang nababasa ang suot kong maikling maong shorts pero hindi ko ito pinansin dahil mas lalong sumakit ang puson ko pababa sa kaibutaran ko na parang may mga karayom na tumutusok dito.
"May dugong dumadaloy mula sa kaniya, Topher!" rinig kong natatarantang sigaw ni Joshua na hindi ko na pinansin dahil sa sakit na kumakain sa sistema ko. "Tawagan mo si mom. Dali!"
Habol hininga kong iminulat ang mga mata ko habang puno pa rin ito ng luha at kahit na nanginginig ay sinubukan kong iangat ang kamay ko para hawakan ang basang parte ng katawan ko. Mas lalong nanginig ang kamay ko nang makita ko kung anong likido ang bumasa sa ibabang bahagi ng katawan ko. Dugo. Hindi. Hindi pwede 'to. Hindi maari.
Mas lalong kumirot ang puson ko at hindi ko na napigilan ang sakit na nararamdaman ko at napasigaw na lang nang malakas.
"NO!" napabalikwas ako ng bangon dahil sa isang panaginip na hindi ko alam na babalik na naman.
Napahagulhol ako at hindi ininda kung puno ng pawis ang mukha ko at patuloy na dumaloy ang mga luha sa magkabilang pisngi ko.
Narinig ko ang marahas na pagbukas ng pinto ng kwarto ko at ang nagmamadaling yabag papunta sa kinaroroonan ko pero hindi ko ito pinansin dahil sa hindi ko matanggap ang nangyari noon.
"Hey. Hey. Iria, you okay?" pilit ako nitong pinapatingin sa kaniya habang nakahawak ang mga kamay niya sa magkabilang braso ko at marahan akong niyugyog. "Shh. I'm here. I'm here"
Mas lalo akong napahagulhol sa mga bisig niya ng yakapin niya ako. Agad akong napakalas sa kaniya ng maalala ang anak ko. Hindi pwedeng mawala ang anak ko! Kinapa ko ang may kaumbukan kong tiyan at napahinga agad ako ng maluwang nang malamang hindi nawala ang anak ko.
"They kill it. They killed my... first child" mahina pero madiin kong ani at nakita kong natigilan ito dahil sa sinabi ko.
"F-first child?" utal at hindi makapaniwalang tanong niya sa akin habang nanlalaking mga matang nakatingin lang sa akin. Nakaawang din ang labi nito dahil sa narinig.
"They killed it. They killed it" paulit-ulit kong ani at parang na blanko ang isip ko dahil sa naging panaginip ko. "Mga demonyo sila. Mga walanghiyang demonyo. Pinatay nila ang sarili nilang anak" nagsimula na namang tumulo ang mga luha sa pisngi ko pero wala akong ibang maramdaman at blanko lang ang naging tingin ko sa kaharap ko.
"W-what have they d-done to you, Iria?" nanghihina at puno ng galit niyang tanong ulit sa akin.
Tumawa ako ng mapakla bago nagsalita. "They need to pay. I will make them pay" malamig kong ani at nakakita ako ng takot sa mga mata nito habang iniiwas niya sa akin ang tingin niya.
"Y-you were pregnant before? B-before I found you?"
"I had a miscarriage when I was in their house. Hindi man lang nila binigyan ng pansin iyon. They even celebrated when I lost the child kahit na kagagawan din naman nila" walang buhay kong ani at blankong mukha pa rin akong nakatingin sa kaniya.
Nakita ko ang paggalaw ng panga nito at ang pagkuyom ng mga kamao niyang nakalagay sa magkabilang gilid nito.
"But I won't let them harm my child now. I will make them pay"
"That cousins of yours, I will make them rot in hell" puno ng galit niyang ani habang hindi pa rin makatingin sa akin.
I lost my first child na hindi ko man lang nalaman na nagdadalang tao pala ako noon. Hindi man lang nila ako dinala sa hospital noon at nagawa pa nilang magparty habang ako, nagluluksa sa seldang pinaglalagyan nila. Kahit patignan ako noon sa doctor dahil sa pagkaka-miscarriage ko ay hindi na nagawa dahil ayaw nilang may makaalam tungkol sa akin. I was their dirty little secret that they won't let other people to know.
Kahit na ang batang iyon ay naging bunga ng pambababoy at walang kahiyaan nila ay hindi dapat naging ganoon ang kinahinatnan dahil wala siyang kasalanan pero dahil sa mga demonyo ang ama niya, hindi na niya nakita ang mundo. Sabagay, mabuti na rin siguro iyon dahil hindi naman siya gugustuhin ng ama niya sa mundong ito. Baka nga ay ipatapon pa iyon sa kung saan kung lumaki siya sa puder nila.
Naramdaman ko ang isang malambot na bagay na humahaplos sa buong mukha ko kaya napatingin ako sa taong nasa harap ko. Malamyos itong ngumiti sa akin habang marahan niyang pinupunasan ang buo kong mukha.
"You need to rest, Iria" malumanay na boses niyang ani sa akin at inilalayan akong mahiga ulit sa kama ko. "I'll be right here, babe"
Nakatingin lang ako sa kaniya na blanko ang mukha dahil hindi ko alam kung anong emosyon ang mararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung makakaya ko pa bang kontrolin ang emosyon ko kapag napanaginipan ko na naman ang nakaraan kong hindi ko alam kung kailan ako titigilan.
"Is my baby, fine?" walang buhay at mahina kong tanong sa kaniya.
Tumango ito habang pinupunasan pa rin ang mukha ko lalo na ang noo ko at ang leeg ko.
"Your baby is fine, Iria. Walang masamang nangyari kay baby" ngumiti ito sa akin na para bang sinasabing okay nga talaga ang anak ko.
"Sleep beside me, please?"
"You don't need to beg, babe. Hindi bagay sa'yo"
Umusog ako ng kaonti para mabigyan ito ng espasyo sa gilid ko. Agad naman itong nahiga sa tabi ko. He spread his arms. Pinapahiwatig na roon ako uunan kaya hindi na ako nagdalawang isip na umusog papalapit sa kaniya at umunan sa braso niya at isiniksik ang katawan sa katawan nito. Agad namang pumulupot ang isang braso niya sa bewang ko at niyakap ako ng mahigpit at gano'n din ang ginawa ko.
Hinaplos haplos nito ang buhok ko dahilan para mapahikab ako at mapapikit dahil sa sarap na dulot ng paghaplos nito sa buhok ko. He really knows how to make me calm. Mas lalo ko namang isiniksik ang mukha ko sa dibdib niya at narinig ko ang mahina nitong pagtawa na ikinangiti ko ng tipid.
"What time is it?" nakapikit kong tanong sa kaniya.
"It's already midnight. 2:45 AM" tumango ako sa sagot nito at hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.
"Why do I have those nightmares, Rence? Why does it still hunt me until now?" mahinang tanong ko sa kaniya at nilalabanan ang antok dahil gusto kong marinig ang sagot nito at gusto ko pang magtanong ng mga bagay na bumabagabag sa akin minsan lalo na kapag wala siya.
"I don't know, either. But one thing is for sure, you need the justice na ipinagkait sa'yo ng panahon"
"Why do I need to feel this pain? Why do I need to experience such things? Kabayaran ba ito sa mga kasalanang nagawa ko? Lalo na ang pagkawala ni mom dahil sa akin?"
"You don't deserve that pain, Iria. The world doesn't deserve you. You deserve better than anyone. You deserve the best things in this world. Not the pain but the happiness that it will give you"
"Then why? Why is He doing this to me? If I deserve the best in this world?" iminulat ko ang mga mata ko at tiningala ito at nakitang malalim ang iniisip nito habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko.
"There are reasons why He is doing this to you. Because He know. He knows that you can overcome this. You're brave, strong and an independent woman that I know who won't easily surrender in every problems you encounter" tumingin ito sa akin ng seryoso kaya nginitian ko ito ng tipid.
"But it doesn't mean that I don't feel tired in fighting for my life. That I didn't think of ending my life because of this, this too much pain to bear, too much anguish to think and too much hurt to feel that I really want it to end. And the only way I think is to end my life, to leave this world" nakita ko ang pagkunot ng noo niya dahil sa sinabi ko.
"But you didn't" mahinang bulong nito na narinig ko naman.
"I didn't because there are still things that made me stay in this cruel and chaotic world. Things that made me smile for no reason. Things that need to be seen by the people who wants to end their lives. And things that only seen by yourself. Your true self" umayos naman ako sa pagkakaunan sa braso niya at hinigpitan ulit ang pagkakayakap sa kaniya.
"Nasaan na ang Iria ko? Ilabas mo ang Iria ko! Hindi ganiyan mag-isip ang kilala kong Iria!" sabay kaming napatawa dahil sa sinabi nito.
Hinampas ko ang dibdib niya dahil para mapaubo ito ng mahina. Nakita na ngang seryoso ang usapan namin, nagawa niya pang magbiro.
"Walanghiya ka talaga, Clarence! Ang seryoso ng pinag-uusapan natin, e!" hinampas ko ulit ang dibdib nito at nakarinig ako ng mahinang aray galing sa kaniya na ikinatawa ko ng mahina.
"Too serious, babe. At alam mong ayoko ng gano'n" natatawa niyang ani at hinawakan na ang kamay ko para hindi na siya mahampas pa.
"Whatever" inikutan ko ito ng mata at kinurot naman ang tagiliran nito gamit ang isa kong kamay na hindi niya nahahawakan.
"Ow! Ang sadista mo talaga, Iria!" mas lalong lumakas ang tawa ko dahil sa sinabi nito.
"You should have seen your face, Rence!" nakatingala ulit ako sa kaniya dahil gusto kong nakikita ang mukha nito lalo na kapag nasasaktan. I love seeing him in pain. Pero dahil 'yon sa akin at hindi dahil sa may nangyari sa kaniya. He is the only one that I have right now.
"Ang sama mo talaga sa akin, 'no?" nakasimangot niyang tanong sa akin at tumingin sa akin.
"Pero mahal mo naman" matamis akong ngumiti sa kaniya na mas lalo niyang ikinasimangot.
"Yeah, yeah. Whatever you say, amazona" mas lalo akong natawa ng inirapan niya ako dahil ang cute niya! Para nga lang siyang bakla.
"You look like a gay when you rolled your eyes, babe" pang-aasar ko sa kaniya at natatawa pa rin dahil sa mga pinagsasasabi at pinaggagagawa niya.
"Aish! You're bullying me again! I hate you na"
Hindi ko na talaga mapigilang hindi matawa ng malakas dahil sa sinabi niya. Para na siyang bakla na maskulado.
"Oh my ghad, Rence! Oh my ghad!" mangiyak-ngiyak na ako dahil sa kakatawa sa kaniya. "Tell me, babe, nabali na ba o lumiko na?"
"Ang sama mo talaga sa akin. Pero okay lang iyon dahil napapangiti at napapatawa naman kita"
Napatigil ako sa pagtawa at tumingin sa kaniya habang hilam pa rin ang luha sa aking mga mata. Nakita ko itong nakangiti habang nakatingin sa akin.
"Thank you" sinsero kong ani sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.
"Thank you for what?" nagtataka na niyang tanong sa akin.
"Thank you for making me smile, laugh and for everything. Hindi ko alam kung saan ako pupulotin ngayon kung wala ka sa tabi ko at kung hindi kita nakilala"
"I am happy to see you smile and I love to hear your laughter. Walang kabayaran iyon at walang makakapawi niyon" hinalikan nito ang noo ko kaya napapikit ako. "Let's rest now, babe. We'll have a busy day tomorrow"
-courageousbeast