Chapter 15

1772 Words
Enjoy Reading! Pambawi sa almost 1 month na walang update. :) It's been a week since I went to my uncle's law firm and told him about the case I want to file with my demon cousins and aunt. He told me that he'll call me when there will be an update regarding my case. Rence doesn't know about it either. Ayaw kong malaman niya dahil alam kong tutulong ito at aalis ito sa trabaho pansamantala para tulungan ako kaya hindi ko sinabi sa kaniya. "Ang lalim naman ata ng iniisip mo, Iria" dumako ang tingin ko mula sa labas ng bintana ng kotse at napunta kay Rence na may tipid na ngiting nakapaskil sa kaniyang mga labi habang nagmamaneho. We've been in the car for about half an hour and we're still on the road because of the heavy traffic early in the morning. Pupunta kami ulit ng clinic ng kaibigan niyang doctor para sa monthly check up ko. My baby is in its third month. Anim na buwan na lang ang hihintayin ko bago ko maisilang ang anghel na tuluyang makakapagpabago ng buhay ko. "I'm thinking about the gender of my baby" mas lumapad ang ngiti nito dahil sa sinabi ko na ikinangiti ko na rin at ibinalik ang aking paningin sa labas ng bintana ng kotse. "I want it to be a boy" Naging tahimik ang naging byahe namin ng ilang minuto bago ko binasag ang katahimikan dahil hindi ako komportable. I feel like there is something that might happen but I don't know what it is. "Rence" pagkuha ko sa atensiyon niya pero hindi ko ito nilingon. "Hmm?" "I was thinking that, what if I tell him about the baby, will it change something around us?" hindi agad ito nakasagot dahil sa sinabi ko. "I mean, kung pwede kong ipaalam sa kaniya ang tungkol sa bata para kahit papaano ay hindi ako makonsensiya sa pagsisinungaling sa anak ko" "You want to be with him again, aren't you?" nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi nito. "No! Not that, Rence!" agad kong depensa dahil iba ang naiisip nito sa gusto kong iparating sa kaniya. "Alam natin na hahanapin ng bata ang ama nito at alam mong nakapag-isip na ako ng mga pwede kong sabihin sa kaniya pero hanggang kailan? Hanggang kailan ko itatago sa kaniya?" "I know you, Iria. Alam kong magagawan mo iyan ng paraan na hindi ipaalam sa kaniya at sa anak mo ang totoo" walang buhay ang boses nitong ani na ikinapikit ko na lang ng mga mata ko. "Maliit ang mundo, Rence. Malalaman at malalaman pa rin niya ang tungkol sa bata" ang tanging nasabi ko na lang at inihilig ang ulo sa bintana ng kotse niya. "Then leave this country after you give birth to your child" doon ulit napamulat ang mga mata ko at lumingon na ako sa kaniya. "Go to a country where he can't find you and know about your whereabouts. Live there like you're a citizen there. I know that you can find a way, Iria. I know" "I don't know. Ayoko ng iwan si dad na mag-isa. I know that he hurt me when I was young but he's still my dad. May galit pa rin akong nararamdaman para sa kaniya hanggang ngayon. And I want to vanish it like a bubble. I want to start a new life with him, with my child" malumanay kong saad at pinahid ang isang butil ng luha na kumawala sa aking mata. "Gusto kong mamuhay ng matiwasay kasama sila. Gusto kong patawarin na siya pero alam kong hindi gano'n kadali iyon. Gusto kong mamuhay na wala ng galit at poot sa puso ko. I want to live peacefully with the people who I love, Rence. I want that inside my heart" "Iria, I know, babe, I know" ngumiti ako sa kaniya ng lumingon ito sa akin na agad niya namang ibinalik ang tingin sa harap. "Then you do it. Remember, I will always be by your side. Always, babe" "Thank you" marahan kong usal at humugot ng malalim na buntong hininga para pigilan ang sariling umiyak. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon kung wala ka sa tabi ko" "Ang galing ko 'di ba?" pabiro nitong ani na pabiro ko ring ikinairap sa kaniya. "Kaya mahal ko ako 'di ba, babe?" "Uh-huh. Pero may kasalanan ka sa aking, stupido ka!" kumunot ang noo nito sa akin. "What did I do?" nagtataka nitong tanong sa akin habang nasa kalsada pa rin ang kaniyang tingin. "Hindi mo sinabi sa akin ang tungkol kay Doctor Valin" I narrowed my eyes at him and I saw him tensing up. Nakita ko rin itong napalunok na ikinairap ko. "Bakit hindi mo sinabing may naging girlfriend ka ng tatlong taon?" "I-it's not necessary" may pangamba nitong sagot sa tanong ko. "It's in the past, Iria. Can we forget about it?" "No" matigas kong sagot sa tanong nito. "You broke up with her in a petty reason! You're such a jerk, Rence" "I have my reason why I broke up with her. At ano ba ang sinabi niya sa'yong rason kung bakit ko siya hiniwalayan?" "Because of me, is it?" balik tanong ko sa kaniya. "Hiniwalayan mo siya dahil sa akin. Mali ba ako?" "That's my other reason, Iria. But there's something big that made me break up with her" naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan kaya inilibot ko ang paningin ko sa labas at nakitang nasa parking lot na kami ng clinic ng OB ko. "At huwag mo ng alamin pa dahil hindi naman kailangan pa" Akmang bubuksan na nito ang pinto sa gilid niya ng hawakan ko ang kaliwang braso nito na nagpatigil sa kaniya at napatingin ito sa akin. Umiling ako sa kaniya para ipahiwatig na hindi kami aalis dito hanggang sa hindi niya sinasabi sa akin ang malaking rason kung bakit niya hiniwalayan ang doktorang mahal pa siya hanggang ngayon. "Iria, please. Ayokong pag-usapan iyan ngayon" may pagmamakaawa nitong usal sa akin at makikita sa mga mata nito ang sakit at galit. "Bakit?" mahina kong tanong sa kaniya dahil hindi ako matatahimik hanggang hindi ko alam ang totoong rason niya. I want him to be happy with the woman who he loves and not the other way around. "Dahil masakit pa rin hanggang ngayon. Sobrang sakit at puno ng galit ang puso ko dahil sa ginawa niya" maririnig sa boses nito ang galit at pighati na ngayon ko lang narinig. He's not the Rence that I know. He's not like this. Hindi niya ugaling magtanim ng galit sa ibang tao kahit gaano pa kalaki ang kasalanang ginawa nila sa kaniya. But this Clarence that is in front of me, the Clarence that hold a grudge to the woman who loves him dearly. It's not him. "Tell me, Rence. Tell me the reason. Alam kong hindi mo ugaling magtanim ng galit pero ito, hindi ikaw 'to. Just tell me, please. Para mabawasan ang galit diyan sa puso mo" marahan at malumanay akong ngumiti sa kaniya para ipaalam na nandito lang ako sa tabi niya. Makikinog at iintindihin siya katulad ng pag-intindi niya sa akin. "She cheated on me" mahina man ang boses niyang naiusal ang mga kataga ay hindi pa rin ito nakatakas sa pandinig ko. "I planned to propose on her on our third anniversary when I saw her kissing another man in front of her condo unit" Napaawang ang mga labi ko at nanghihina kong naibaba ang kamay kong nakahawak sa braso niya nang marinig ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay sa kasintahan nito noon. Only one emotion I feel and it makes my blood boil. How dare she do that to my best friend! "Hey, Iria, babe. Calm down, okay? Breath, babe, breath" naramdaman ko ang marahang haplos nito sa likod ko na dahilan para humugot ako ng mga malalalim na hininga para pakalmahin ang sarili ko. "Kaya ayokong ipaalam sa'yo dahil alam ko ang magiging reaksiyon mo. Relax ka lang dahil makakasama iyan kay baby" "How can she do that to you?" kalmado ko ng tanong sa kaniya at tinignan siya sa kaniyang mga mata. "How can she cheat on you? You're every woman's ideal man. But she..." "Hey. Hey. It's okay. Kaya nga nakipaghiwalay ako sa kaniya kahit na mahal ko siya" I feel his warm hands cupped my face and wipe the tears away. "Pero noong nakausap ko siya..." nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang hikbing gustong kumawala rito dahil mas nasasaktan ako para sa kaibigan ko. "D-did tita and tito know about this?" Umiling ito sa tanong ko. "They don't have to. Dahil alam kong patatalsikin nila si Aibel kahit pa asset ito ng hospital" "They just want the best for you" garalgal ang boses kong ani sa kaniya na ikinangiti niya. "I know. And I want the best for you too" at doon ako napangiti kahit na may mga luha pang dumadaloy sa magkabila kong pisngi. "So stop crying now, okay?" Tumango ako at napapikit ng halikan nito ang noo ko habang nasa magkabilang pisngi ko pa rin ang mga kamay nito. "Bakit ba kasi ang emosyonal ko? Hindi naman ako ganito, e" sabay kaming natawa dahil sa sinabi ko. "Dahil buntis ka at normal lang 'yan, babe" he winked at me that made me laugh at mahina kong hinampas ang braso nito. "Baliw. Tara na nga at nang makapunta na tayo ng mall" pag-iiba at pag-aaya ko sa kaniya dahil ayoko ng magdrama pa. "Okay. Ayusin mo muna ang sarili mo bago tayo pumasok sa clinic ni Doc" Hindi na ako sumagot sa kaniya ng pinakawalan na niya ang mukha ko para maayos ko na ito. Nakangiti akong umayos ng upo sa loob ng kotse ko at nang dumako ang mga tingin ko sa harap ay biglang nawala ang ngiting nakapaskil sa labi ko nang makita ang mga taong hindi ko inaasahang makita sa araw na ito. Makikita ang sakit at galit sa mga mata nito habang matiim na nakatingin sa akin mula sa labas at gulat at hindi makapaniwala naman ang mukha ng kasama nitong nakahawak pa sa malaking umbok nitong tiyan. Agad akong napaiwas ng tingin sa kanila nang makita ko kung paano niya hawakan sa bewang ang buntis na asawa habang nakatayo sa hindi kalayuan sa harap kung saan nakaparada ang kotse ni Rence. I suddenly felt a pang in my chest when I remember how he holds me possessively when I was in his arms. It was the same hold that made my heart clench even more. Why are you hurting me, Reece? -courageousbeast
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD