Waiting for the elevator patiently as the number goes down, I comb my hair time by time dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. This is my first time going and talking to an attorney. Kung may pera lang siguro ako noong nakatapos ako sa college as a Political Science, magpo-proceed agad ako ng law pero dahil sa hindi ako pinalad, hanggang pangarap ko na lang muna ito.
Nang bumukas na ito ay isang tao na naman ang hindi ko inaasahang makikita sa lugar na ito. Napaatras ako sa gulat at nanlaki naman ang mga mata nitong tumingin sa akin. Guilt and pain is what I can see in his eyes. What is he doing here? Pwede bang magpahinga naman ako ng isang araw sa mga nangyayari sa buhay ko?
Of all the places, bakit ba sa isang araw, puro sa elevator ko makakasalubong ang mga taong ayaw ko munang makita? Bakit sa dami ng lugar, sa elevator pa? I rolled my eyes mentally and I composed myself while I raised my brow at him.
Humakbang ito palabas ng elevator kaya humakbang ako patagilid para bigyan ito ng daan at nang makapasok na ako sa elevator at makapunta sa pupuntahan ko, which is the office of the attorney.
Nang magpantay ang mga katawan namin ay hindi na ako naghintay pa ng ilang segundo at humakbang na ako papasok sa elevator nang marinig ko ang pagtawag nito sa pangalan ko.
"Iria" walang lakas na pagtawag nito sa pangalan ko na hindi ko pinansin.
I press the second button inside and crossed my arms in front of my chest while waiting for the elevator to close. Malapit na sanang magsasarado ang pinto ng elevator ng isang kamay ang pumigil dito kaya kumunot ang noo ko na agad naman napalitan ng paglukot ng mukha ko sa mukha ng taong pumigil dito.
Isang alanganing ngiti ang ginawad nito sa akin bago siya pumasok ulit sa elevator at tumabi sa akin ng tayo pagkatapos niyang i-press ang close button. Ilang segundo silang tahimik no'ng sumara na ang elevator at nagsimula na itong umandar pataas.
"Iria" pagtawag niya ulit sa pangalan ko at nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagharap nito sa akin. "I'm sorry –"
"Stop" pagpigil ko sa gusto nitong sabihin dahil ayoko pang makarinig ng kahit na ano. "Just stop and shut up" madiin kong ani sa kaniya.
"Please, just listen to me" may pagmamakaawa sa boses nitong saad at hahawakan sana ang kaliwang braso ko na agad kong inilayo sa kaniya. "I didn't mean—"
"Did you listen to me when I tried to explain? Did you?" masama ko itong tinignan na ikinayuko niya lang. "You didn't, right? Kaya bakit kita papakinggan kung ako nga hindi mo nagawa? Tell me, Rui. Tell me if I should listen to you!" hindi ko na napigilan ang sarili na pagtaas siya ng boses sa galit na nagsisimula ng mamuo sa puso ko.
Habol ko na ang hininga ko habang tumataas baba na ang dibdib ko dahil hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko sa pagsumbat.
"You jump into conclusion that I didn't expect that you'll do. Dahil akala ko, iba ka sa mga kaibigan ko, akala ko maiintindihan mo ako. Pero nagkamali pala ako" mapakla akong ngumisi sa kaniya at nakayuko pa rin ito. "I expected something from you, Rui. But I feel disappointed for what you had said yesterday when we met"
At dahil sa sinabi ko, tuluyan na niyang inangat ang paningin niya sa akin at nakikita ko ang pagkislap nito na patunay na pwedeng tumulo ang mga luha nito ano mang oras kung hindi nito pipigilan ang sarili
"I'm sorry" mahina at garalgal nitong ani sa akin. "I'm so sorry. I was just angry at what I had seen yesterday. Hindi ako nakapag-isip ng maayos habang sinasabi ko 'yong si sa gusto nitong sabihin dahil ayoko pang makarinig ng kahit na ano. nito sa akin. ad naman napalitan ng paglukot ngnabi ko tungkol sa'yo kahapon. I was a... jerk"
"You are. You're a jerk. At please lang, 'wag mo na akong guluhin pa dahil ayaw ko na kayong makita at makausap pa" I know I was rude at him pero hindi ko lang napigilan ang sarili ko sa galit na namuo sa puso ko.
I expected him to understand me. To know my reason pero saan ako dinala ng expectations ko? Disappointment. I trusted him also to know, judge and criticize me pero nang makita niya ako kahapon, agad niya akong hinusgahan na hindi ko inaasahan at hindi niya dapat ginawa.
"Don't try to talk to me again, Rui. You've disappoint me by judging and criticizing me when you didn't know my reason" ang huli kong sinabi sa kaniya bago ako humakbang papalabas ng elevator ng bumukas na ito sa tamang palapag na pupuntahan ko.
Walang lingon-lingon akong naglakad ng diretso sa sinabi ng receptionist sa akin kanina habang nakataas ang noo. Isang butil ng luha ang dumaloy sa kanan kong pisngi na agad ko namang pinahid at inayos ang sarili ng sa pagliko ko sa kanan ay nakita ko ang isang pinto sa dulo ng pasilyo na sa tingin ko ay ito na ang opisina ng abogadong tutulong sa akin.
Tumugil ako sa harap ng mahogany double door at may isang kalakihang plakang plastic ang nakalagay sa gilid ng pintuan na may nakalagay na nagpapatunay na kay Atty. Austin nga ang opisinang pinuntahan ko.
"Atty. Kendry Austin" mahinang pagsambit ko sa mga letrang nakalagay sa plaka at napakunot ang noo ko ng parang pamilyar ang pangalan nito sa akin.
Hindi ko alam kung ilang buntong hininga na ang nagawa ko sa araw na ito pero wala na akong pakialam at isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan ko bago kumatok sa pintong nasa harap ko. I heard a familiar baritone voice inside saying I may come in.
Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at dahan-dahan ko rin itong itinulak papasok. Isang maliwanag na loo bang bumungad sa akin. Ang lapad at ang laki ng opisina niya. The mahogany desk is at the center with lots of files above it and a personal computer at the side. May dalawang upuan sa harap ng desk nito at nakatalikod naman sa akin ang swivel chair nito sa likod ng desk niya at nakaharap sa wall glass ng opisina kung saan makikita ang magulong kalsada sa labas.
In the right side of his office is his bookshelves that is full of different law books and files that I don't know while in the left side is a small fridge, above the small fridge is a flat screen television and two or three meters away is an L-shape sofa with a glass center table. All in all, his office is like second home without a bedroom and it's so cozy.
"Atty.?" pagtawag ko ng pansin niya dahil sa ilang minuto na akong nakatayo sa harap ng kaniyang pintuan.
"Come sit, Iria" aniya na sinunod ko naman. Humakbang ako papunta sa harap ng desk niya kung saan may upuan at walang ingay na umupo.
He knows my name? Sabagay, tumawag nga si Tita Clara sa kaniya para ipaalam na pupunta ako. But the thing is, when he say my name, it was so familiar and it feels like mom is calling me but using a deep baritone voice. O baka sobrang namimiss ko lang si mom kaya kung ano-ano ang naririnig ko?
"How are you, Iria?" marahan nitong tanong habang hindi pa rin pinapaharap sa akin ang kinauupuan niyang swivel chair. "How's life? Hmm?"
"I-I'm fine, Atty. And life is still... unfair" pagsagot ko sa tanong niya at hininaan ang boses sa huling mga katagang sinambit ko.
"How can you say that life it is unfair?"
"I just know" tipid kong sagot sa kaniya at nilaro-laro ang mga daliri sa kamay ko.
"You know, when life is fair, there won't be any challenges and consequences. Life won't challenge you and you wouldn't know the consequences. And if life is fair, people won't know what is right and wrong. They won't grow up just like you. They won't know if they are worth the lessons that they encounter and experience. And lastly, they won't know their worth as a person if life is fair" napangiti ako ng tipid dahil sa sinabi niya. Tama naman kasi siya. "That is why life is unfair, it is unfair to give us challenges that end with a lesson and knowing a person's worth. Wherever you go, life will always be unfair. Remember that, Iria"
"Too deep and with lesson..." ang tangi ko lang nasabi dahil hindi ko na alam kung ano pa dapat ang sasabihin ko. He's a licensed Attorney for goodness sake!
"Now, do you know you worth? Why life is unfair for you?"
"I still don't know. But I am sure that I will know in time"
"Hmm" ang tangi niya lang sinabi at naging tahimik ang paligid dahil hindi ko pa alam kung paano ko sisimulan ang bagay na ipinunta ko rito.
"Ahm... Atty. regarding in the case that I want to file..." pagbasak ko sa katahimikan.
"Anong kaso ang isasampa mo at kanino?" hindi ba bastos ang ganito? Nakatalikod siya habang kinakausap ako?
"Rape..."
"What?" hindi makapaniwala niyang tanong na ikinatakha ko. Why would he be shock by that? "Who did that to you?" mas lalo akong nagtaka sat ono ng boses nito at ang pagdiin nito sa mga salitang binitawan.
"My cousins and their mother"
"At wala man lang ginawa ang daddy mo?" hindi nakaligtas sa akin ang galit sat ono ng boses nito.
"He didn't even know dahil pinaalis niya ako noong namatay si mommy" napalunok ako dahil sa sakit na bumalatay sa puso ko ng sambitin ko ang ginawa ni dad noon. "He didn't also seek for me when I was gone ten years ago..."
"That motherfucker!" napatalon ako sa kinauupuan ko ng marinig ang malutong nitong mura. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito na parang pinapakalma ang kaniyang sarili bago ulit magsalita sa kalmado at marahang boses. "Tell me more about it, Iria. I want to know"
Should I tell him? Ngayon ko lang naman siya nakilala at hindi ko pa nakikita ang mukha niya. But I feel safe, secure and at home in just his presence and voice. And I feel that he can be trusted. Isang buntong hininga ulit ang ginawa ko bago magtanong sa kaniya
"Just promise me that this will only be between us at hindi ito lalabas sa kwartong ito"
"I promise"
"It all started when I told mom to accompany me in the mall, kahit na alam kong bawal dahil sa bilin ni dad. Because that time, there are so many threats that was sent to our house, saying that they will kill me para mawalan ng tagapagmana ang Delcena Empire. And as an only daughter of Lance and Ardella Delcena, I was force to be in house mansion. So as mom" I twirled a small amount of my hair in my pointy finger, a mannerism when I feel like my heart will explode anytime. "Pumayag si mom na samahan ako dahil nangako akong mabilis lang kami. As we were in the mall, I brought mom to the bookstore to buy novels and after that, we went home but as we wait for our car outside the mall, nang niyakap ko si mom dahil sa pasasalamat ko sa kaniya ay nagtaka ako kung bakit niya ako inilibot. And that was the horrifying event in my life that until now, it still hurts me..."
Hinayaan kong tumulo ang mga luha sa mga mata at dumaloy sa magkabila kong pisngi dahil hindi naman niya makikita na umiiyak ako dahil nakatalikod pa rin ito sa akin.
"Two weeks after the death of my mom, he sends me to the demons lair. Akala ko noong una ay masaya silang doon muna ako tumira pero hinintay lang pala nilang umalis si Tito Larze para gawin ang balak nila sa akin. Ang gahasain at patayin ako para mapunta sa kanila ang buong Delcena Empire. And because of them, I also lost my first unborn child" nabasag ang boses ko sa huling pangungusap na lumabas sa bibig ko.
"You were pregnant?" walang lakas na rin nitong tanong sa akin.
"I didn't know na magbubunga ang panggagahasa at pambaboy nila sa akin. Hindi ko man lang alam na buntis ako noon. Nalaman ko lang noong nakunan ako noong binugbog ako ng kambal. After knowing that I had a miscarriage, they even held a party in their house, knowing that I was grieving for my lost" walang humpay na sa pagdaloy ang mga luha ko sa magkabilang pisngi ko. "Isang beses kong sinubukan na tumakas pero sa mga oras na iyon, akala ko roon na rin matatapos ang buhay ko dahil sa isang bagay na hinampas nila sa ulo ko. Itinapon nila ako sa ilog sa akalang tuluyan na akong namatay. And Clarence Gomez, the one who saw my body floating while he was on his way home from abroad, saved me. He was the one who save me, the one who was there for me and the one who I trusted the most. He told me that I was on coma for six months"
"Bakit hindi ka pumunta sa akin noong nagising ka?" nagtaka ako sa tanong niya. Bakit ako pupunta sa kaniya? Hindi ko nga siya kilala. "Bakit sa ibang tao ka humingi ng tulong at hindi sa pamilya mo?"
"I don't have a family that time. Wala rin akong matandaan na kapamilya ko bukod sa kapatid ni dad. I had a post-traumatic amnesia which until now, the only events that I remember is the day where it all started, my mom's death"
"You have a family, Iria. You have us"
"What?" garalgal na ang boses kong tanong sa kaniya. "What do you mean by that, Atty.?"
Hindi ito sumagot sa tanong ko at unti-unti nitong inikot ang swivel chair niya paharap sa akin. Ang namamaga kong mga mata ay nanlaki nang makita ang mukha ng lalaking kausap ko. What the f*****g hell?! Ang mukha nitong madilim ay hindi naging hadlang para makilala at maalala ko kung siya. Bakit hindi ko man lang nalaman na siya pala ang taong hihingan ko ng tulong?
"We are always ready to help you, sweetheart. But why didn't you come to us?"
"Ken?"
-courageousbeast