Chapter 21 NAPAHILAMOS NA LANG AKO ng dalawa kong kamay sa mukha ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil sa sunod-sunod na tawag ng mga board members ng kompanya. They wanted to know if dad can still manage the empire dahil kung hindi ay ipu-pull out nila ang kanilang investment at kung mangyayari man iyon ay paniguradong babagsak ang buong empire. Ilang ulit na rin ako pinapaalalahan ni Rence na ilayo ang sarili sa stress dahil hindi iyon makabubuti sa bata sa sinapupunan ko pero hindi ko magawa kahit na ilang araw na ang nakakalipas at nagising na si dad. Hindi na rin maitatago ang umbok ng tiyan ko dahil nag-apat na buwan na ito noong nakaraang linggo. Ang mabuti lang doon ay hindi pa rin nalalaman ni dad na buntis ako dahil sa mga malalaking t-shirts na sinusuot ko para

