Chapter 20
"You'll gonna stay here until the end of the trials?" Napatingin ako kay dad dahil sa naging tanong nito.
"Yes, dad. I think I am more safe here that in his condo," sagot ko at sumimsim sa baso na naglalaman ng isang gatas. "And Rence will stay too. Can he?"
"If that will make you stay, then, I will let him," nakangiti niyang wika bago binaling ang atensiyon kay Rence na kanina pa tahimik sa tabi ko. "Is your parents okay with it?"
Unti-unti namang inangat ni Rence ang tingin niya kay dad bago bumaling sa akin at ngumiti ng tipid bago sinagot ang tanong ni dad.
"Yes po. As long as Iria is safe, I don't mind," I smiled back at him and I continue eating my breakfast.
Naging tahimik na ang hapag dahil hindi na nagtanong pa si dad ng kung ano-ano sa amin ni Rence. Lalo na at hindi pa niya alam na buntis ako at hindi niya alam kung sino ang ama. I think that this is better than telling him before the trails starts. Mahirap na at baka hanapin niya sa akin ang ama ng magiging anak ko at ipanagutan na hindi na mangyayari dahil sa may pamilya na ang ama nito.
Thinking about it just made my heart hurt and clenched in pain. Just thinking about him made it even worst.
Staying and coming back here in the mansion is my only choice kahit na labag man sa loob ko dahil nagi-guilty pa rin ako sa nangyari 12 years ago and there are things in here that are hard to forget. The memories that made me think twice to really stay here. Pero hindi ko naman magawang isipin na pabayaan na lang si dad na mag-isa rito.
He's old and I want him to retire after my trials in court with my cousins and I plan to take over the empire. And after that, I'll start searching for Ivan. I'll use all the connection dad has and I won't stop until I can find him to fulfill our promise years ago.
"Iria!" Napadako ang tingin ko kay dad dahil sa malakas na pagtawag niya sa pangalan ko. Kumunot ang noo ko dahil doon.
"What?" Nagtakaka kong tanong sa kanya na ikinailing na lang niya na mas lalong ikinakunot ng noo ko. "What is it, dad?"
"I'm asking you when will you get married?" Napaawang ang labi ko sa tanong niya. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Rence na parang naghihintay sa sagot naming dalawa. "And when will you give me grandchildren?"
Nabitawan ko ang mga kubyertos na hawak ko dahil sa mga tanong na iyon. I was caught off guard with his questions! And what the hell?
"Dad!" inis kong usal at bumusangot ng marinig ko ang mahinang pagtawa ni Rence sa tabi ko. "Don't you dare ask me about that when I am eating!"
"What's wrong with it, princess? You're of age and so is Rence. And I am getting old, you know," kibit balikat niyang ani at tinignan si Rence at napatango naman ang isa na parang nagkakaintindihan sila.
"Rence! Don't you dare!" Galit kong wika na ikinatawa lang nilang dalawa. "Huwag kang umasa na magpapakasal ako, dad. I'm still looking for him," walang buhay kong ani at seryoso siyang tinignan.
Nakita ko ang pagkawala ng kulay sa kanyang mukha dahil sa huli kong sinabi na ikinasaya ko ng palihim. He knows who I referred to! Alam niya kung sino ang tinutukoy kong hinahanap ko. He should know because it was his and mom's plan to fix my marriage with Ivan. Nawala na rin ang masayang ngiti sa mga labi ni Rence dahil sa sinabi ko.
"Who... are you... looking for, Iria?" Mahina at may kabang tanong niya na mas lalo kong ikinasaya.
"Ivan," tipid at isang salita lang naman ang sinagot ko sa tanong niya pero makikita sa buong mukha nito na nawalan ng kulay at napahawak pa ito sa kanang dibdib niya kung nasaan ang puso kaya napatayo ako sa kaba. "Dad!" Puno ng pag-aalala kong tawag sa kanya.
Agad akong pumunta sa kung nasaan siya nakaupo para tignan siya ng mabuti dahil nahihirapan na siyang huminga. Napuno ng kaba, takot at pagsisisi ang sistema ko. Bakit pa kasi gano'n ang naging sagot mo, Iria? 'Yan tuloy! Aatakihin ang ama mo!
"Nana Len! Nana Len!" Hindi mapakali kong tawag at nakita ko siyang nagmamadaling pumasok sa loob ng kusina.
"Anong – Diyos ko! Anong nangyari sa ama mo?" Natataranta na rin niyang tanong ng makita ang kalagayan ni dad.
"Ihanda niyo ang sasakyan, Nana! Dadalhin natin si dad sa ospital!" Hindi na ako mapakali dahil sa kalagayan ni dad. "Rence! Please, check him for a while. Please..." nangiligid na ang luha sa aking mga mata.
Hindi ko namalayan na kanina pa pala niya chine-check si dad at nasa kabilang gilid na ito ni dad. Kahit na hindi ko na siya tinawag pa ay ginagawa na niya ang kailangang gawin kahit na isa siyang neurosurgeon. Sobrang seryoso ng mukha niya habang tinitignan si dad na unti-unti ng nawawalan ng malay.
"Don't lose your consciousness, daddy!" Isa-isa nang dumaloy ang mga luha sa magkabilang pisngi ko dahil hindi ko makakaya kapag nawala si dad ng dahil na naman sa akin!
He just smiled at me to assure me that he's okay but that can't make me calm! I want him to be check by the professionals immediately! I don't think I can take it if anything bad happens to him.
Tinulungan siyang dalhin sa nakahandang sasakyan nina Rence habang natuod lang ako sa aking kinatatayuan at hindi alam kung ano ang gagawin. Kung hindi lang siguro ako nakaramdam ng mainit na yakap galing kung saan ay hindi pa ako kikilos. Tiningala ko ang taong yumakap sa akin at nakitang si Rence iyon.
"Tito will be fine, babe. I'll make sure of that," pag-aalo niya sa akin at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"If only I didn't..." Napahikbi na lang ako sa dibdib niya at hindi natuloy ang dapat kong sasabihin. "Kasalan ko 'to."
"Shh... Don't blame yourself, Iria. It was an accident." Hindi na ako sumagot pa at agad na kaming umalis para sundan angn sasakyan namin kung saan lulan si dad.
It's been two days since dad was confine in the hospital. Dalawang araw na rin akong walang maayos na tulog at kain dahil sa pag-aalala. Clarence and his parents always checks on me, especially dad. Pati nga rin ang kapatid nitong doctor sa mga puso ay naging personal doctor na ni dad sa request ni Tita Clara just to assure me that dad is in a good hands and will be better in time.
"You need to rest, hija. Hindi maganda sa'yo ang ganito. Lalo na at buntis ka," malumanay ang boses na wika ni Tita Clara saka naupo sa tabi ko. "Kami na muna ang bahala sa daddy mo habang nagpapahinga ka sa mansion niyo."
"Kung inisip ko na sana muna ang mga sinabi ko ay hindi dapat siya aatakihin sa puso. I'm at fault again, tita," nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. "Hindi ko na alam ang gagawin ko kung may mangyaring masama kay dad."
"Your Kuya Carence said that your dad is fine. He just needs rest, hija." Hinaplos nito ang buhok ko kaya napapikit ako at nakagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang sariling umiyak. "He's also stressed in your business. So don't blame yourself, okay?" Tumango na lang ako dahil wala na akong lakas pang magsalita.
Sabay kaming napatingin ni Tita nang marinig namin ang pagbukas ng pintuan kung saan si dad nilagay. Agad na nag-iba ang pakiramdam ko at tumalim ang tingin ko sa mga taong kakapasok lang at naglakad papunta sa kung nasaan si dad nakahiga.
Ang isa sa kambal ay napadako ang tingin sa akin at nakita ko ang sobrang pagkagulat ng makita niya akong nakaupo sa sofa sa harap ng paanan ng kama ni dad. Kinalabit niya ang kambal at ininguso ako at busangot na mukha namang dumako ang tingin niya sa iningunguso ng kanyang kakambal. Ang nakabusangot niyang mukha ay napalitan ng gulat at kaba ng magtama ang mga mata namin.
"What are you doing here?" Puno ng galit at pagkamuhi kong tanong na dahilan para mapatingin din ang ina nilang demonyo katulad nila at umawang ang labi sa gulat.
Tumayo ako at humakbang papalapit sa kanila na dahilan kung bakit umatras sila. Kumunot naman ang noo ni Tito Larze sa pagtataka dahil sa inasal ng mga kasama niya at napadako na rin ang tingin niya sa kung saan ako humakhakbang papalapit sa kanila. Gulat at saya ang nakita ko sa mga mata niya ng makita ako at malalaking mga hakbang ang ginawa niya bago ako niyakap ng sobrang higpit.
Ngumiti ako sa kanya ng tipid ng kumalas siya sa kanyang yakap at hinawakan ang magkabila kong braso. Nakita ko ang pangingiligid ng mga luha niya sa saya.
"You're back! Holy mother of cow! Kuya didn't tell me that he already found you!" Masaya at garalgal ang boses niyang saad. "We look for you for a decade. Kuya Lance didn't stop looking for you even if he's so busy with the empire. And now..."
"Tito..." Ang tangi ko na lang nasambit at nang ibalik ko ang tingin ko sa mga taong nasa likod niya ay agad na tumalim ang mga tingin ko sa kanila na ikinalunok ni Joshua at Tita Camille. "Why did you bring them, tito?" Mariin kong tanong at hindi pa rin inaalis ang matalim na tingin sa kanila.
"They wanted to check if Kuya Lance is fine, Iria."
"Oh, really?" I sarcastically ask. As if they wanted dad to be fine.
"They were also worried ng mabalitaan naming naospital si Kuya. Pasensiya na at ngayon lang kami nakadalaw dahil inasikaso ko pa ang kaonting problema sa kompanya."
"Worried, huh?" I spat at them at nakita ko ang paglayo ni Tito Larze sa akin habang nakakunot na naman ang noo. "As if they wanted dad to get better."
"What do you mean by that, Marie?" Alam kong nagsisimula ng mainis si Tito sa akin dahil sa pagtawag niya sa pangalawa kong pangalan. "Why are you accusing them that?"
I looked at him with still angry and hatred that is evident in my eyes. "Why don't you ask them, Tito? Ask them why I went missing for a decade?"
"Iria Marie!" Galit niyang sigaw na umalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto ni dad. "Huwag mong bastusin ang tita at mga pinsan mo! Iyan ba ang natutunan mo sa lugar kung saan ka napunta?"
"They pray that dad will die for them to have the whole empire and now that I am here, I know that they are thinking something wicked in their heads," I smirked at them at hindi na pinansin ang galit ni Tito Larze dahil sa mga pinagsasasabi ko. "Am I right, Tita Camille?"
Marahas akong napaharap kay Tito Larze at naramdaman ko ang sakit sa aking braso sa diin ng pagkakahawak niya rito. I admit that I got scared of him dahil sa dilim ng kanyang mukha pero hindi ko ito pinakita sa kanya.
"Hindi ka ba nagtaka na bigla na lang akong nawala noon pagkatapos mong umalis sa mansion niyo para pumuntang ibang bansa, Tito?" I tried to free my arm from his hold but he won't badge. "Hindi ka rin ba nagtaka kung bakit ayokong bumalik sa buhay na mayroon ako noon?"
"Stop it!"
"Ask them to leave and we'll see each other in court."
-courageousbeast
I also love this part! Ang fierce kasi ni bebe Iria. Any thoughts about this chapter?
Another question, sagutin niyo ah? Hahaha! lol!
#TeamReece or #TeamRence?
Ako? Basta R ang unang pangalan. HAHAHA!