"Salamat nitong Libro, Lena." sigaw ko sa kaklase ko. Palabas na ako ng silid-aralan namin ng inabot n'ya sa akin ang isang Libro. Hindi lang ito basta-bastang libro. Dahil, ito ang Libro ng Netherland, ang paborito ko.
Bitbit ang Libro, naglakad na ako papalabas ng gate. Unti na lang ang mga estudyante sa pinapasokan kong paaralan.
Ng makalabas ako, binuksan ko ang hawak hawak na Libro. Nakakapagtaka, ang Librong ito ay may kalumaan na. Di bale, at least sa wakas ay mababasa ko na ng buong ditalye ang Netherland.
Kwento lang sa akin noon ng Lola ko tungkol sa Netherland. Ito daw ay isang kaharian na hindi ganun ka yaman, ngunit ay mababait ang mga tao.
Ito ay pinamunoan ni Haring Jude at Reyna Hestia. Sa panahong iyon, wala pang anak ang sinabing Reyna. Ngunit, isang araw may nagpakita sa mag-asawa ng sila ay nasa kanilang kwarto. Isang nilalang na kilalang-kilala nila, ang Anghel ng bathalang si Renata. Sinabi ng Anghel na si Fantasia, ang kanyang mensahe. Magkakaroon ng anak si Renata, sa pamamagitan ng Reyna. Galak na galak sila sa mensahing nalaman. Ngunit, dumating ang panahon na naisip ng Hari na hindi sa kanila ang bata. Doon n'ya lamang napagtanto na kahit mag-kakaanak sila ay hindi pa rin sa kanila iyon, dahil ito ay sa diyosa na lumikha sa kanila.
Nakaramdam ng puot at galit ang Hari. Sa isip n'ya ay pinaglalaruan lamang sila ng dyosa. Ng mailuwal ang bata, pasimple n'ya itong pinatapon sa kawal. Sinabi n'ya sa kanyang asawa na namatay ang bata at pinalibing na n'ya. Ng dahil doon, palagi nalang nagluksa ang Reyna dahil sa sinapit ng bata.
Sa kabilang panig, napulot ng isang pulubi at nangalkal ng basura ang bata. At dahil may angking kagandahan ito, pinalaki n'ya ito kahit na hindi sa kanya.
Lumipas ang ilang taon, nagkaanak ang Hari at Reyna, isang himala! Nakonsensya na din ang Hari dahil sa ginawa n'ya sa anak ng dyosa.
Tiniklop ko na ang libro ng makarating ako sa bahay. Nadatnan ko ang tahimik na tahanan. Oo nga pala, simula ng mamatay si Lola ay ako nalang nag-iisa. Sabi pa n'ya, namatay raw sa isang aksidenti ang mga magulang ko noong sanggol pa lamang ako.
Kinabukasan, pinagpatuloy ko ang pagbasa ng Libro. Kada may bakanteng oras, Libro agad ang binasa ko.
Ng pauwi, nagbabasa pa din ako ng Libro habang naglalakad sa may kalsada.
Nagtaka ako ng mapansin ang isang pahina.
Kailangan ng bumalik ng dyosa sa kanyang mundo. At ang tanging paraan lang nito ay kailangan patakan ng kanyang dugo ang nasabing libro at s'ya ay babalik na sa kanyang mundo. Doon na s'ya manirahan, habang buhay.
Matapos kong mabasa ito, inilipat ko na sa ibang pahina ng may nabasa ulit ako na ikinanoot ng noo ko.
Kung saang pahina ng Libro unang pumatak ang kanyang dugo, doon na magsisimula ang kanyang buhay.
Yun lang ang nakalagay ng nilipat ko ulit. Ngunit, hanggang doon nalang ang may nakalagay. Putol ang kwento ng Libro, kung saan mamamatay na sana ang anak ng Dyosa.
Wala na itong kadugtong kaya tiniklop ko lang. May bumusina kaya nanlaki ang mga mata ko. Nakahinto pala ako sa gitna ng kalsada at may rumagasang sasakyang ang paparating. Huli na ang lahat ng mapagtanto ko, bumangga na sa katawan ko ang sasakyan at dumanak ang dugo ko sa malapad na kalsada. Unti-unti ng napapikit ang mga mata ko at mga mumunting tinig nalang ang naririnig ko.
Ramdam ko ang mga taong pumalibot sa akin, ngunit huli na ang lahat.
Bago mawalan ng buhay, isang pamilyar na boses ang narinig ko...
Sa wakas, makakauwi ka na sa iyong mundo, ating mundo.
*
Binuka ko ang mga mata ko. Mabaho ang lugar na kinalalagyan ko ngayun, basurahan.
Nanginnginig din ang buo kong katawan. Ang huli kong maalala ay nasagasaan ako. So, tinapon lang nila ako sa basurahan. Kumurap ako. Bakita parang ang liit ng katawan ko? Inangat ko ang katawan ko at nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Wala akong saplot at tanging tela lang ang nakabalot sa akin. May iilan pang tuyong dugo sa katawan ko. Pero ang mas ikinagulat ko ay, maliliit ang mga kamay ko!
"Nasaan ako?" imbis na ang salitang iyon ang lumabas sa bibig ko, tanging iyak ng sanggol ang narinig ko.
T-teka bumalik ako sa pagkasanggol? Perop dapat wala na akong maalala.
Iyak lang ng ako ng iyak. Maya maya ay may narinig akong kaluskos. Hanggang sa nasilayan ko ang maduming mukha at butas-butas na damit. Itong sitwasyon ko ngayun ay parang magkatulad sa sitwasyon ng Anak ng Dyosa.
Teka, wag mong sabihing...?
"Kay gandang bata, ngunit iniwan lamang dito sa imbakan ng basura." ani ng babaeng nangalkal ng basura.
Kinuha ako nito sa pagkakahiga sa isang sako ng basura at kinarga. Tumahan naman ako dahil sa ligtas na nararamdaman.
Naalala ko ang huling mga salitang nabasa ko sa libro, ngunit hindi pa rin ako sigurado.
At dito, nagsimula ang dugtong ng buhay ko, bilang anak ng Dyosang si Renata.
End of Prologue
Author's Note:
Umay, boring ba? Another fantasy story na naman. Naisulat ko ito dahil sumagi na naman ito sa isip ko. Mas ginanahan akong sumulat ng fantasy stories dahil sa pinanood kong anime (anime addict toooo!) HAHAHA.
Anyway, I hope I can entertain you by reading this story. I won't promise that this one will be perfect and not a boring one. Siguro, may scene talaga na boring.
Thank you and Good luck.
God Bless you!
-Tamad