Simula
"DAEVAIN! Oras na ng laban mo!" sigaw ni Totong, ang host ng laban. Ang laban na ito ay 1v1. Kahit na anong armas na gamit mo ay okay lang. Dito sa mundo ng Netherland, magic exists. At ako? Marami ako nun. Ngunit ang iba ay merong isa lang na mahika. Ang iba ay may pinagsanayan na abilidad.
Tinali ko ang kulay gintong buhok ko at pumasok na sa loob ng ring. Isang lalaking maskulado at malaki ang katawan ang makakalaban ko. Dito sa laban na ito, pwede ka ring gumamit ng mahika na meron ka, ngunit bawal ang pumatay.
Sa pamamagitan ng labanan na ito ako kumikita para sa pang-araw araw namin ni Nanay Minda, iyong nakakita sa akin at nagpalaki. Kung noon ay pulubi at nangangalkal lang ito ng basura, ngayun ay isa na itong nanininda ng mga pagkain dito sa may arena sa maliit na bayan ng Tsinu. Nasa Silangang parte ito ng Netherland at malayo sa palasyo.
Itong nangyayari talaga sa buhay ko ngayun dito, ay ang naranasan ni Daevian.
"Ang ganda talaga ni Daevian, kaninong anak kaya ito? Parang prinsesa, ay hindi, Dyosa pala." rinig kong sambit ng isang babae na nanonood. Ngnitian ko naman ito at nahiya itong ngumiti pabalik. Kung alam n'yo lang.
"Sumuko ka na Daevian, sayang ang kagandahan mo." sambit at paninindak nito sa akin ngunit nginitian ko lang ito. Dayo ang lalaking ito, dahil galing pa ito sa ibang bayan, ang Ivyaki. Ang bayan ng Ivyaki ay parte lang sa Netherland, at ilang oras lang ang byahe para marating ito.
Itong taong ito, sa pangalan lang ako kilala. Halata sa pangangatawan nito na bihasa na ito sa pakikipaglaban at marami na itong karanasan. Akala ata n'ya matatalo n'ya ako? Simula ng sumali ako dito ay hindi pa ako natalo. Sabi nila, mahirap daw akong talunin, dahil sa angking lakas at pag-iisip na meron ako. Hindi nila ako madaling matalo dahil hindi nila nababasa ang mga atake ko, ngunit basang-basa ko ang sa kanila.
"Talaga? Tingnan natin kong sino ang susuko." marami ang pumusta sa akin, at marami din ang sa lalaking ito. Kilala itong lalaki na ito na isang makisig na mandirigma sa bayan ng Ivyaki.
"Talaga." aniya kaya natawa ako ng kunti. Sinamaan naman ako nito ng tingin kaya nginitian ko lang ito.
"At ngayun, ang susunod na lalaban ay....." at narinig ko ang mabilis at malakas na paghampas ng tambol. Ramdam ang buong tensyon sa paligid dahil sa aming dalawa.
".... Ang pinakamalakas na mandirigma sa bayan ng Ivyaki, Nalvo!" marami ang pumalakpak ng isigaw ang pangalan ni Nalvo.
"...laban kay Daevian na ating kababayan!" marami din ang sumigaw at nagpalakpakan ng marinig nito ang pangalan ko.
"Ang isa sa ating batas sa loob ng arena ay ang, bawal pumatay. Magsimula!" aniya kaya ngumisi ako.
Nagsimula ng humakbang si Nalvo palapit sa akin. Iwinasiwas nito ang hawak na malaking palakol. Ang palakol na hawak nito ay purong metal. Kuminang ang matulis na palakol ni Nalvo ng masinagan ito ng araw.
Sinugod ako nito at hinawakan nito ang kanyang palakol upang ihampas sa akin, ngunit nasangga ko ito sa aking hawak-hawak na Jian sword. Nabili ko ito sa isang mangangalakal ng sampong daang pilak.
Ngumisi ito at mas diniin ang kanyang palakol ngunit unti-unti kong inangat ang Jian sword na hawak ko. Hindi naman nasugatan ang palad ko ng may nilagay akong metal na pangsangga lalo na't sa ganitong sitwasyon. Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata ng tuluyan ko na s'yang natulak pati ang palakol n'ya. Napaatras ito kay umatras din ako.
Nakita kong kumibot-kibot ang labi nito, he chanted some incantations at nakita ko na lumiwanag ang buong katawan nito, speed.
Isa ang Speed sa mga gamit na abilidad lalo't sa isang labanan. Kung mabilis ka, mahirapan ang kalaban na atakehin ka. At isa din iyan sa advantage mo dahil mabilis kang kumilos para atakehin ang kalaban.
Kahit na malaki ang katawan ni Nalvo, hindi iyon maging sagabal para hindi bumilis ang kanyang mga kilos.
Sumakit na ang kamay ko kaka sangga kaya naman ako naman ang umatake.
I swing my sword vertically from his waist to his chest. Mabilis nitong nasangga ang atake ko, ngunit nadaplisan ko ang kanyang beywang.
Napasapo s'ya doon dahil umagos ang kanyang masaganang dugo.
"Suko ka na, I'll go deadly if this continue." sambit ko at kita ko ang panlilisik ng kanyang mga mata.
He chanted some spell again, but this time it's poison and it's lethal.
Green smoke surround his axe. Poison mist filled the air kaya kailangan kong takpan ang ilong ko para hindi malanghap ang nakakamatay na lason sa hangin.
He swing his axe para mas kumalat ang lason kaya dali-daling akong naglagay ng barrier para hindi maapektuhan ang mga tao sa labas.
His poison can't keep spreading because of the barrier. Wala na masyadong hangin ang magkakalat ng lason kaya napangisi ako.
"Ako'y magbilang ng hanggang lima lamang. Siguraduhin mong makapag-desisyon ka na sa loob ng limang segundo." sambit ko nito kaya kita ko ang pagkunot ng kanyang noo.
Pasimple kong inilabas ang bote ng alak sa lalagyan ko.
"Isa..."
Inatake n'ya ako ngunit iniwasan ko lang ito.
"Dalawa..." tinakpan ko ang bibig at ilong ko ng tela para hindi ganun nakakapasok ang lason sa katawan ko.
"Tatlo..." paikot-ikot lang kami habang tutok na tutok ang mga taong nanonood sa amin.
"Lumaban ka! Kung malakas ka!" aniya kaya napatawa ako ng mahina.
"Apat..." mas binilisan pa n'ya ang atake n'ya at patuloy pa din ako sa pag-iwas at pagsangga.
"Lima..." at walang pasabing sinaboy ko ang alak sa ere, dahil napuno na nito ang buong ring ng lason. I uses my fire element to lit up the alcohol. At nawala ng parang bula ang lason. Tulala itong napatitig sa kawalan. I chanted some spell, to enclose my sword of the same poison he used.
Tinutok ko sa kanyang leeg ang espada. Nakadikit ito habang nasa likod n'ya ako nakatayo.
"Surrender or Die..." sambit ko sa seryosong boses. Nakita kong ginalaw nito ang kanyang palakol ngunit mas idiniin ko ang espada sa kanyang leeg. Kumalat na din ng paunti-unti ang lason at alam kong ramdam n'ya iyon.
"S-sumuko na ako." labag sa kalooban n'yang sambit kaya binawi ko na amg espada sa pagkatutok sa kanya. Tumalikod na ako ng tinawag ang pangalan ko, ngunit iginalwa n'ya ulit ang kanyang palakol. At doon, nadaplisan nito ang aking braso.
I hissed in irritation. Talo na ito tapos hindi n'ya pa matanggap ang kanyang pagkatalo. Natahimik ang lahat ng may naramdaman silang kakaibang awra na galing na akin.
I am now beyond mad. At alam ng lahat na hindi ako ginagalit. Dahil pati ang kalangitan ay magagalit.
The thunder starts to rumble. Kumidlat din ng napakalakas. Kita ko ang sisi sa kanyang mukha ngunit huli na. Galit na galit na ako. Binigyan ko s'ya kanina ng pagkakataon ngunit hindi s'ya nakinig o sumunod.
Nagsitakbuhan na din ang lahat dahil umulan na lang ng malakas at humangin din ng napakalakas.
"You really don't accept defeat, eh?" I asked in a very serious tone. Kumulog din pagkatapo nun. Hindi ko na makontrol ang sarili ko. Ng may nangyari ding ganito noon. Muntikan ko ng mapatay ang anak ng kapitbahay namin ni Nanay Minda ng bigla ako nitong sinugod habang naglalakad lang ako.
Natamaan ito ng kidlat, ngunit pasalamat s'ya at ang tagiliran lang nito ang napuruhan at hindi ang kanyang ulo. Kung hindi, patay na sana ito mismo nf matamaan ito.
Hindi ito makapagsalita ng maayos dahil sa kilabot na ngisi na pinakawalan ko.
"Do that again, and you're dead." tinalikuran ko na ito at walang pasabing lumabas doon. Humupa na din ang ulan at bumalik na ulit ang sinag ng araw. Umuwi ako sa bahay namin ni Nanay Minda.
"Nayy, may pagkain ka pang tinda?" bungad ko at sinalubong naman ako nito.
"Ikaw ba ang may gawa nun, Daevian?" aniya kaya tumango nalang ako. Niyakap naman ako nito at niyakap ko ito pabalik.
"Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo, Anak." aniya kaya napangiti ako ng mapait. Hanggang kilan kaya ako dito?
"Bakit Nay, magkakaganun lang naman pag galit na galit ako." sambit ko ngunit umiling lang ito.
"Ibig sabihin din nun ay nanganganib ang iyong buhay."
Isang hindi pamilyar na boses ang narinig ko sa aking likuran.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng makita ko ang mukha nito.
"Lena?" wala sa sarili kong sambit ngunit ngumiti lang ito sa akin ng tipid.
"Sinong Lena, anak? Ang anghel Fantasia iyan." ani ni Nanay Minda kaya nanlaki ang mga mata ko.
Lena? Fantasia? Di kaya...
"Tama ka Daevian, kaya ko binigay sa iyo ng libro dahil oras mo na upang bumalik dito. Yun nga lang, ngayun pa kita nadalaw dahil sabi ng iyong Ina." aniya kaya nanigas ako. Aking Ina?
Ngayun ko lang napansin ang suot nito. Wala kang makitang pakpak nito dahil nakatago ito. Simple lang ang suot nito pero nagsusumigaw pa rin ito ng kagandahan.
Nakabestidang ginto at may buhok itong kulay itim. May ginto itong mga mata ngunit hawig na hawig pa din talaga nito si Lena na kaklase ko.
"Ako'y nandun sa mundo ng mga tao upang sunduin ka, Daevian. Ang Lola mo doon, ay ang Nanay Minda mo na ngayun." aniya kaya nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Naka-upo na kami ngayun at katatapos ko lang kumain.
"Nalaman kong ikaw ang anak ng Dyosang si Renata dahil sa suot mong bracelet." naalala ko noon ang binigay ni Lola na bracelet. Hindi ko daw iyon wawalain at tatanggalin dahil kadugtong iyon ng buhay ko. Yun pala, palatandaan na ako ay ang anak ng Dyosa.
"Alam kong napansin mo, na sa librong binigay ko sa iyo ay wala ng kadugtong. Dahil sa panahon na iyon, imbis na mamatay ka, bigla ka nalang na naglaho sa ating mundo at napadpad sa mundo ng mga tao." aniya kaya napatango tango ako kahit na hindi ko pa ganun ka kuha ang lahat.
Nalilito pa din talaga ako sa nangyari. Bakit ako bigla naglaho noon? Bakit sa mundo pa ako ng mga tao napadpad?
"Eh bakit na andun?" wala sa sariling sambit ko. Natawa naman ito ng mahina kaya sumimangot ako.
"Hindi lang ako basta taga dala ng mensahe ng Dyosa, Daevian. Dahil ako, ang iyong guardian angel."
To be Continued