CHAPTER 1

1067 Words
MICHAEL'S POV Year 2006 Isang tawag ang natanggap mula sa kapatid ni Tiffany. "Michael, si Tiffany." sabi nito habang umiiyak sa kabilang linya. Hindi nito natapos ang sasabihin dahil umiyak na ito ng husto. "Gerald, anong nangyari kay Tiffany?!" tanong ko sa kabilang linya na may halong kaba. Huminga muna ito bago nagsalita. "Michael, si Tiffany, kasama sa sumabog na bus." sabi nito na halos ikabingi ko. "Anong sinabi mo?!" sigaw ko sa kabilang linya, kasabay ng pagpatak ng aking mga luha. "Michael, si Tiffany, comatose. Nandirito kami ngayon sa Mount Carmel." muling sabi ng kausap ko mula sa kabilang linya. "Papunta na ako diyan." at pinutol ko na ang linya ko. "Pareng Michael, sinong kausap mo? May nangyari ba?" tanong sa akin ni Ricky, ang kaibigan kong nababaliw sa paghahanap sa kanyang nobyang si Kimberly. "Pare, si Tiffany, na aksidente. Kailangan ko siyang puntahan." sabi ko habang hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nagulat ito,  "Pare, anong nangyari?" tanong nito sa akin. "Pare, si Tiffany, kasama sa sumabog na bus. Comatose siya ngayon." sabi ko habang umiiyak. Nagulat ito sa kanyang narinig. "Pare, samahan na kita sa hospital." sabi nito at siya na din ang nag rekomenda na mag mamaneho ng sasakyan. Mabilis kaming nakarating ng Mount Carmel Hospital dito sa lucena. Habang naglalakad kami papasok ng hospital ay halos manigas ako ng papalapit na kami sa ICU kung nasaan ang babaeng pinakamamahal ko. "Michael," bati sa akin ng ina ni Tiffany na halos mamugto na ang mga mata. "Tita, paanong nakasama siya sa pagsabog ng bus?" tanong ko sa garalgal kong boses. "Michael, ang sabi nila ay magkasama sila Lynsae at Tiffany sa bus. May pupuntahan sana silang outing, pero hindi na natuloy dahil sa pagsabog ng bus." paliwanag nito. Halos manginig ako ng makita ko ang mukha nito na may balot at ang katawan nito ay madaming sugat. Lumapit ako dito at bumulong ako malapit sa tainga niya. "Love, andito na ako. Hindi kita pababayaan." bulong ko sa kanya. Tinapik ako sa balikat ng kaibigan ko. "Pare, lakasan mo ang loob mo. Mas kailangan ka ngayon ni Tiffany." sabi ni Ricky habang nakatitig sa kasintahan ko na nakalatay sa kama. Tumulo ang luha ko. "Bakit ngayon pa nangyari ito sa kanya? Kung kailan malapit na kaming ikasal." daing ko. Si Tiffany ang dahilan kung bakit nagbago ako. Madami na akong babaeng nakarelasyon, pero kay Tiffany ako nahumaling. Aminado ako na nitong huling araw ay malimit kaming mag talo ni Tiffany na hindi ko alam kung bakit siya naging cold sa akin. Pero ngayon ay hindi ko siya iiwan. Tahimik kong pinagmamasdan si Tiffany ng dumating si Dra. Cabana at tiningnan ito. Pagkatapos tingnan ang mga sugat ni Tiffany ay kinausap nito ang ina ni  Tiffany.  "Misis, malalim ang mga nakamit niyang sugat sa kanyang katawan at mukha. Na posibleng hindi na maibalik ang dati niyang ganda." pormal na paliwanag nito. "Doc, ano pong ibig sabihin niyo?" tanong ng ina ni Tiffany. Huminga muna si Dra. Cabana bago muling nag salita. "Misis, ang mga sugat niya ay magbibigay ng matinding peklat sa buo niyang katawan. Lalo na sa kanyang mukha." paliwanag ng doctor dahilan upang hindi na makapag salita si Tita Shiela dahil umiyak na ito ng husto. "Doc, pwede ko po ba kayong makausap."agaw ko sa atensyon ng doctor. Tumingin ito sa akin. "Kaano-ano po kayo ng pasyente?" tanong nito sa akin. Tumingin ako kay Tiffany. "Ako po ang fiance ng pasyente." pagpapakilala ko. Tumango ito at muling nag salita. "Kayo po pala ang fiancee, ng pasyente. Katulad nga po ng nasabi ko malalalim na sugat ang natamo ng pasyente, lalo na ng kanyang mukha." diretsong sabi sa akin ng doctor. "Doc, nakahanda po akong gumastos ng kahit magkano. Maibalik lang ang dating ganda ng girlfriend ko." seryosong sabi ko. "Kung gayon, kapag naghilom na ang kanyang mga sugat ay pwede na siyang sumailalim sa plastic surgery. Upang manumbalik ang dati niyang ganda at kinis ng katawan." paliwanag ng doctor. Ngumiti ako, "Gawin n'yo po ang lahat ng makakaya ninyo." sabi ko. "Oh sige, Mr?" tanong nito sa pangalan ko. "Michael, John Michael Montelivano." pagpapakilala ko. "Oh sige, Mr. Montelivano, kokontakin ko na ang pinaka magaling na plastic surgeon dito sa pinas." sabi nito at nakipagkamay sa akin. Tumango ako, "Maraming salamat po." mabilis kong tugon. Habang pinagmamasdan ko si Tiffany ay nagpaalam muna sa akin si Tita Shiela at Gerald. "Michael, uuwi lang kami." pagpapaalam sa akin ng mag-ina. "Sige po, Tita, ako na po munang bahala dito." Mabilis kong tugon at umalis na ang mga ito. Tahimik kaming magbabantay ni Ricky ng dumating ang mga kaibigan naming  sila Jay, Herwin at Eric. "Pare, nanggaling ako sa pinangyarihan ng pagsabog ng bus. At basi sa lumabas na imbestigasyon. Ang naging dahilan ng pagsabog ng bus ay may nag-iwan ng bomba na isang babae." sabi sa akin ng kaibigan kong sundalo na si Eric. "Anong bomba?!" gulat kong tanong. Huminga muna si Eric, "Basi sa mga nakausap ko, bago sumabog ang bus may isang babae ang sakay nito ang bumaba at hindi nagtagal ay pinasabog nito ang bus." seryosong sabi nito. Nagtagis ang panga ko sa aking nalaman. "Pare, alamin niyo, kung sino, ang nasa likod nito!" galit kong saad. Tumango ito. "Makakaasa ka Pare, sa ngayon ang lagay muna ni Tiffany ang tuunan mo ng pansin." tugon nito. "Hinding-hindi ko mapapatawad Ang taong may dahilan kung bakit nakalatay ngayon ang babaeng mahal ko." bulong ko sa sarili ko. Tahimik kaming nagku-kwentuhan ng biglang mag salita si Jay. "Pareng Eric, hindi ka ba pupunta ng America ngayon? Upang hanapin si Chantal at ang anak niyo?" tanong ni Jay. Ngumiti si Eric, "Hindi na muna, mas kailangan ako ngayon dito ni Pareng Michael, para sa kaso ng pagsabog ng bus." mabilis na tugon ni Eric at tumingin ito sa akin. "Pareng Eric, salamat." sabi ko. Si Eric, ang kaibigan kong nagkagusto sa nakakabatang kapatid ni Ricky na si Chantal, at dahil sa nagkaron siya ng amnesia ay nakalimutan niya si Chantal dahilan upang lumayo si Chantal kahit nagdadalang-tao ito. Ang akala ko ay si Eric lang ang magmamahal sa mas bata pero halos kaming lahat ay mga nahumaling sa mga babaeng mas bata sa amin. Katulad ko, mas bata sa akin si Tiffany ng labing-isang taon. "Tiffany, pagkagising na pagkagising mo ay aayusin na natin ang ating kasal." sabi ko sa natutulog kong kasintahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD