PROLOGUE
MICHAEL'S POV
Ngayon ay gabi ng aming honeymoon ni Tiffany at ngayon ay isang katanungan ang gumugulo sa isip ko. "Sino ka?" bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ko ang natutulog na babae gamit ang mukha ni Tiffany.
Kumunot ang kilay ko ng magising ito at masayang tumingin sa akin. "Love, bakit ang seryoso ng mukha mo? May problema ba?" tanong nito sa akin.
Sa halip na sagutin ko ito ay hinaklit ko ito sa kanyang braso dahilan upang mapangiwi ito. "Aray ko, Michael, nasasaktan ako." daing nito.
"Sino ka?!" galit kong tanong sa babaeng pinakasalan ko.
Tumulo ang luha nito. "I'm sorry, Michael, hindi ko ginustong magpanggap para lokohin ka." Umiyak ito ng tuluyan. "Ako si Lynsae, ang bestfriend ni Tiffany." Sabi nito habang umiiyak.
Napakamot ako sa ulo ko, dahil ilang beses na niyang sinabi sa akin noon na siya si Lynsae, pero hindi ako naniwala at pinilit ko siya, na siya si Tiffany.
"Paano napapunta sa'yo ang mga gamit ni Tiffany?! At ang singsing na suot mo?!" galit kong tanong.
"Nang gabi bago mangyari ang aksidente, magkasama kami ni Tiffany, at lahat ng gamit niya ay inihabilin niya sa akin pati ang sing-sing na ito ay pinasuot niya sa akin. Pagkatapos ay nagpaalam siyang magbabanyo hanggang sa sumabog ang bus ng hindi pa siya nakakabalik." pagtatapat nito sa akin.
"Nasaan si Tiffany?!" tanong ko.
Umiling ito, "Hindi ko alam Michael." tugon nito.
Nagtagis ang pangà ko. "Imposibleng hindi mo alam!" sigaw ko.
"Michael, maniwala ka naman sa akin. Hindi ko talaga alam kung nasaan si Tiffany." sabi nito.
Nang dahil sa nangyari ay nag desisyon akong lumabas ng kwarto at pumunta sa bar dito sa resort.
Nagpakalango ako sa alak at nagdesisyong pumunta sa tabing dagat. "Ang tanga-tanga ko, bakit hindi ko naisip n ibang tao ang babaeng inakala kong si Tiffany." sigaw ko habang nakatingin sa malawak na dagat.
Habang nakatingin ako sa dagat ay naaalala ko kung paano nito ako paglingkuran na hindi nagawa sa akin ni Tiffany at malinis ito ng makuha ko. Hindi katulad ni Tiffany.
Nagdesisyon na akong bumalik ng aming kwarto at laking gulat ko ng hindi ko ito makita. Tumingin ako sa paligid at nahagilap ng mga mata ko ang isang liham kasama ang lahat Ng gamit na binigay ko sa kanya, agad ko itong kinuha at binasa.
"Dear Michael,
Habang binabasa mo ang sulat na ito. Siguro ay nakaalis na ako NG resort. Gusto ko munang magpasalamat sa lahat ng ginawa mo sa akin noong panahong inakala mong ako si Tiffany. Pero gusto ko sanang humingi ng tawad sa'yo dahil ipinagpatuloy ko na lang ang maging Tiffany. Pero isa lang ang totoo. Mahal na mahal kita.
Nagmamahal,
Lynsae
Lumipas ang buwan pero hindi ko parin makalimutan si Lynsae, hinahanap-hanap ko ang mga paglalambing niya sa akin.
"Bakit hindi kita makalimutan?" tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang larawan naming dalawa.
Simula ng umalis si Lynsae ay wala na akong ginawa kung hindi ang uminom ng alak.
"Bakit hindi mo pa kasi tanggapin sa sarili mo? Na si Lynsae na ang Mahal mo at hindi si Tiffany." bulong ng isip ko habang pinagmamasdan ko ang larawan naming dalawa.
Isang desisyon ang nabuo sa aking isip.