Story By Loizmical
author-avatar

Loizmical

ABOUTquote
OFW from Singapore. Helper sa umaga, writer sa gabi. Ang lawak ng imahinasyon ko, gusto kong ibahagi sa inyo. I love to write what is in my Mind I love to write what inside my Heart I love to Write what I feel ? SECRET AFFAIR SERIES? (COMPLETED AND PAY-TO-READ Wild Nights 2: Give Me One Last Chance Secret Affair 1( DESTINY) SECRET AFFAIR 2 (TILL MY HEARTACHES END (PTR AND ON-GOING ) SECRET AFFAIR 3 (BALIW NA PUSO)-Daily update, starting July 1 (FREE AND ON-GOING) SECRET AFFAIR 4 (BAKIT IKAW PA RIN?) SECRET AFFAIR 5 (I LOVE YOU GOODBYE) LINE-UP STORIES DARK BOYS SERIES Husband For Hire: Adrian "Ian" Vergara : The Faithful husband RED MOON "The Eclipse"
bc
FORBIDDEN LOVE 1 "Till Death Do Us Part"
Updated at Oct 18, 2023, 19:25
Si Cassandra ay ang bunsong anak ng mag-asawang Delfin at Divina Montero na nagmula sa isang simpleng pamilya. Si Cassandra ay may nakakatandang kapatid na si Charmaine na nakatakdang ikasal kay Marco Dela Costa na isang haciendero mula sa bayan ng Buenavista, Quezon. Ngunit isang pagkakamali ang magagawa ni Sandra ang siyang magmumulat sa kanyang tunay na pagkatao, at gigising sa kanyang puso. Masakit man kay Cassandra na malaman ang katotohanan pipiliin niyang magtiis para sa lalaking lihim niyang minamahal.
like
bc
Husband For Hire Series: Adrian "Ian" Vergara- The Faithful Husband
Updated at Mar 13, 2023, 16:03
Kinailangan ni Kate Lyn Martinez ng asawa upang gumanap na magiging ama ng kanyang ipinagbubuntis, matapos siyang iwan ng kanyang nobyo na si Arthur "Art' Montecillo—kung hindi ay itatakwil siya ng ama. Magtatagpo ang landas nila ni Adrian Vergara o nakilala niya bilang Ian Comia at pipiliin na maging asawa sa loob ng anim na buwan. Matapos magsama sa iisang bubong ay hindi maiwasan na magkaroon sila ng pagtingin sa isa't isa. Ngunit paano ang gagawin ni Kate? Kung nagpupumilit na bumalik sa buhay niya si Art matapos niyang pumayag sa pag-ibig ni Adrian?
like
bc
The Billionaire's Club 1: Ethan Blake
Updated at Feb 11, 2023, 18:39
Si Ethan Blake na kilalang barumbado at basagulero ay iibig kay Kazzandra Lizzeth Buenavizta na isang mayaman. Hindi magiging hadlang kay Ethan ang estado niya sa buhay upang ligawan ang dalaga, dahil ngayon lang siya nagmahal. Ngunit sa ginawa niyang panliligaw sa dalaga, ay ito pala ang lilikha nang malaking sugat sa kanyang puso.
like
bc
The Billionaire's Club 1: Ethan Blake
Updated at Feb 11, 2023, 18:36
Si Ethan Blake na kilalang barumbado at basagulero ay iibig kay Kazzandra Lizzeth Buenavizta na isang mayaman. Hindi magiging hadlang kay Ethan ang estado niya sa buhay upang ligawan ang dalaga, dahil ngayon lang siya nagmahal. Ngunit sa ginawa niyang panliligaw sa dalaga, ay ito pala ang lilikha nang malaking sugat sa kanyang puso.
like
bc
The Billionaire's Club 1: Ethan Blake
Updated at Feb 11, 2023, 18:35
Si Ethan Blake na kilalang barumbado at basagulero ay iibig kay Kazzandra Lizzeth Buenavizta na isang mayaman. Hindi magiging hadlang kay Ethan ang estado niya sa buhay upang ligawan ang dalaga, dahil ngayon lang siya nagmahal. Ngunit sa ginawa niyang panliligaw sa dalaga, ay ito pala ang lilikha nang malaking sugat sa kanyang puso.
like
bc
Bakit Ikaw Pa Rin?
Updated at May 14, 2022, 16:36
Si John Carlo Cabana, ay walang sineseryosong babae, dahil bata pa lamang siya nang ipagkasundo siya ng kanyang mga magulang, sa anak ng matatalik na kaibigan ng mga magulang niya. Ngunit nang makilala niya si Joyce Ann Mallari, ang nag-iisang anak at tagapagmana ng pinakamalaking pagawaan ng lambanog sa buong Quezon. Siya ay magkakagusto dito at makakalimutan niya ang babaeng itinakda na sa kanya pagdating ng panahon. Susuwayin ni Carlo ang kagustuhan ng ama. Ngunit nang si Kristel ay bumalik ng Pilipinas ay nakipag-one night stand ito kay Carlo, at hinarap nito si Joyce upang magpakilala na fiancee ni Carlo. Masakit para kay Joyce ang malaman ang totoo. Siya ay lalayo na hindi niya alam na siya ay buntis. Ngunit kinakailangan niyang bumalik sa kanilang bayan para sa isang kaibigan, kaya sila ay muling pagtatagpuin ng tadhana. "Ngayong nakita na kitang muli hindi na kita pakakawalan pang muli," ang sumpang bibitiwan ni Carlo.
like
bc
BALIW NA PUSO
Updated at Apr 29, 2022, 15:58
R18 (Matured Content, some scene are not suitable for young reader.) Si Alexander Madrigal ang isa sa kilabot ng kolehiyala at basketball player ng AMIS, ay magkakagusto kay Clarice Anderson, na inakala niyang boyish. Si Alex ay natukso sa isang gabing kaligayahan na nalaman ng dalaga. Kaya si Clarice ay lumayo dala ang isang lihim. Wala nang balak bumalik ni Clarice sa Pilipinas. Ngunit nang mabalitaan niya ang nangyari sa kanyang kaibigan. Siya'y napilitang bumalik. At sila ay muling pinagtagpo ng tadhana Sa kanilang muling pagkikita malaman kaya ni Alex na sila ay may anak? Huli na ba para sa kanya, upang muling ibalik ang kanilang nakaraan. Ngayong si Clarice ay ikakasal na sa kinilalang ama ng kanilang anak.
like
bc
Soulmate "Forbidden Love"
Updated at Mar 13, 2022, 16:20
Naniniwala ka ba sa reincarnation? Paano kung kayong dalawa ay may isang mapait na nakaraan noong unang panahon at namatay sa maling paraan? Ngunit muling ipinanganak upang ipagpatuloy ang pag-iibigan na naudlot. Magawa n'yo kayang ipagpatuloy ang inyong pagmamahalan? Kung kayo ay pareho nang nakatali sa iba? Ang naudlot na pag-iibigan nina Angela at Rodrigo sa sinaunang panahon na ipagpatuloy naman nina Nidhie at Drake sa kasalukuyan ngunit sa maling pagkakataon sa Soulmate "Forbidden Love"
like
bc
The Innocent's Revenge
Updated at Mar 13, 2022, 11:12
#Yugto Writing # Girl Power Si Celine Lopez, isang ulilang lubos at lumaki sa isang isla na malayo sa kabihasnan ay lumaking ignorante dahil hindi nakapag-aral. Sa pagkamatay ng kanyang lola at pagkakasakit ng kanyang lolo siya ay ipambabayad utang sa pamilya Legaspi upang maging asawa ni Benjo Legaspi. Siya'y papahiharapan ni Benjo hanggang pati kanyang dangal ay sisirain sa harap ng maraming tao. Si Celine ay lalayo at makikilala niya si Gavin Aldana ang lalaking tutulong sa kanya na maghiganti sa pamilya Legaspi.
like
bc
DARK BOYS SERIES 2 (The Governor's Son)
Updated at Feb 21, 2022, 14:13
Si Ricky Vergara ay anak ng gobernador ng Quezon province na kilalang Playboy at mapaglaro sa babae ay mabibighani kay Kimberly Dela Fuente na isang simpleng dalaga na malaki ang kabataan kay Ricky. Lingid sa kaalaman ni Ricky si Kimberly ay isang Haciendera sa bayan ng Tarlac na piniling talikuran ang buhay na kinagisnan dahil siya ay pilit na ipagkakasundo ng sariling ama. Pero si Kimberly ay mapipilitan bumalik sa Tarlac upang patunayan sa tao na hindi pera ang ginusto niya kay Ricky. Sa kanyang pagbalik ay tuluyang masisira Ang kanilang relasyon dahil sa isang patibong at sa kanyang paglayo ay isang ala-ala ang naiwan sa kanya ni Ricky
like
bc
Seven Hunks And Me
Updated at Feb 19, 2022, 18:34
BLURB: Si Francheska ang panganay sa apat na magkakapatid. Sila ay naninirahan sa Payatas kung saan matatagpuan ang smokey mountain o ang garbage dump site ng Manila. Ang pangangalakal ng basura ang pangunahing pinagkakakitaan ng kaniyang pamilya. Kahit mahirap ang kanilang buhay ay nagsisikap naman ang kaniyang mga magulang na mapag-aral sila. Ngunit sa liit ng kinikita ng mga ito ay hindi 'yon naging sapat para mabuhay sila, kung kaya siya ay kusang tumigil sa pag-aaral upang ang kapatid na lang niya ang makapag-aral. Sa murang edad ni Francheska, siya'y namasukan bilang isang tindera sa palengke at minsan ay tumutulong din siya sa pangangalakal ng basura. Ngunit ang tadhana ay sadyang pinahirapan siya, hindi naging madali sa kaniya ang buhay. Lalo na pagdating sa kanilang pinansyal na pangangailangan. Nang magdalaga si Francheska siya ay namasukan sa isang club bilang entertainer. Sinakripisyo niya ang mga pangarap para sa kagustuhan niyang makapagtapos sa pag-aaral ang kanyang mga kapatid—buo ang loob niyang gamitin katawan sa uri ng trabaho na mayroon siya para sa mga ito. Hanggang sa makilala niya ang pitong lalaki na mag-aalis sa trabahong tinahak niya. Ano nga ba ang magiging papel ng mga ito sa buhay ni Francheska? Ito na ba ang sagot sa kaniyang mga pangarap at paghihirap? O, isa-isa lang silang dadaan sa buhay niya't mag-iiwan ng mapait na karanasan sa kanya? *** Samahan si Francheska na abutin ang kanyang pangarap
like
bc
RED MOON "THE ECLIPSE"
Updated at Dec 31, 2021, 15:43
Si Vladimir at Wesley, ay matalik na magkaibigan na isang lobo at vampira. Sa pagpunta nila sa mundo ng mga tao ay makikilala nila si Lia, na siyang tunay na tagapagmana ng Lunaria. At siyang sinasabi sa propesiyang— magsisilang ng isang isang lobo na may lahing vampira. At siyang sasakop sa buong Wolverland. Ngunit— matinding hahadlangan ni Wesley, na umasang magiging tagapagmana ng Lunaria. Ang pagdating ni Lia sa buhay nina Vladimir at Wesley, ang siyang magiging tuldok nang mabuting samahan ng magkaibigan. At ang magiging simula ng hidwaan ng mga itim na lobo at vampira. Mababalik pa kaya ang kapayapaan sa Wolverland, ang tirahan ng mga Immortal.
like
bc
Wild Nights 2 : Give Me One Last Chance (Tagalog/R18)
Updated at Nov 10, 2021, 14:02
Warning: Ang story na ito ay R18, maraming SPG. Si Maxine Dela Vega, na kilalang probinsyana, manang, may sariling mundo o mas kilalang Nerdy Scholar. Siya'y paiibigin at paglalaruan ni Lucas Buenaventura, isang kilalang varsity player na tinitilian ng maraming kababaihan. Pagkatapos nang isang gabing kaligayahan na kanilang pinagsaluhan. Si Maxine ay ikakahiya at itataboy ni Lucas, dahilan upang mamuo ang galit sa kaniyang dibdib. Sa pagbabagong ginawa ni Maxine sa sarili, siya naman ang hahabulin ni Lucas. Mangingibabaw pa rin kaya ang galit ni Maxine para kay Lucas? O siya mismo ang mahuhulog sa sariling patibong? ****** Only on #Dreame and #Yugto ✨Wild Nights Series is a collaboration of six aspiring writers who aim to create stories you will love. It is a story about six young women having fun at the club, made a wild dare to flirt with someone they fancy at that moment; no strings attached, no feelings involved... but in the end, will change the beats of their hearts. Wild nights that will change their lives forever... ?Wild Nights 1: Don't Give Me Love by Weng Cipriano https://m.dreame.com/novel/WuApGb/+Ok8lSrc9/b1ORA==.html ?Wild Nights 2: Give Me One Last Chance by Loizmical https://m.dreame.com/novel/V6jokeYNlRMs6fSxPw+xbQ==.html ?Wild Nights 3: Tainted Obsession by cUaroundDcorner https://m.dreame.com/novel/ySVG5FBuEU++8kX4WIMgVg==.html ?Wild Nights 4: Tough Love by Kitty Karri https://m.dreame.com/novel/SJKnf0cRzEan/XTXZzO5mg==.html ?Wild Nights 5: Pull Me Closer by Jen Melendrez https://m.dreame.com/novel/OSiXeQO1WckMm2PA/vp7xA==.html ?Wild Nights 6: The Seductive Virgin by Bam Gregorio https://m.dreame.com/novel/HT86xBEnFGQjuL6C1dkHPg==.html
like
bc
Dark Boys Series 1: The Bodyguard
Updated at Nov 5, 2021, 13:41
Si Eric Mondragon isang kilalang playboy at walang sineseryosong babae ay maiinlove sa nakababatang kapatid ni Ricky Vergara na kanyang best friend. Lingid sa kanyang kaalaman at sa laki ng agwat ng edad nila ni Chantal Vergara ay may lihim na pagtingin ang dalaga sa kanya. Nang malapit ng magkinse-anyos si Chantal ito ay kanyang naging nobya na hindi malalaman ng magulang ng dalaga. Sa pagsapit ni Chantal nang eighteen years old, mapipilitan na si Eric, pumasok sa military na hindi malalaman ng dalaga. Ang iisipin nito siya ay iniwan at niloko lang siya, pagkatapos niyang ibigay ang kanyang sarili sa kanyang nobyong labis niyang minahal. Sa pagbabalik ni Eric bilang bodyguard ng dalaga ay mapaibig pa kaya nitong muli ang kanyang nobya? Ngayong ito ay may galit na itinanim para sa kanya. Para kay Chantal ay wala na sila, pero para kay Eric ay nobya pa rin niya dalaga dahil hindi naman sila naghiwalay.
like
bc
DARK BOYS SERIES 5 (Boss With Benefits)
Updated at Nov 2, 2021, 05:07
Si Herwin James Montenegro ay isang sikat na Model sa buong Pilipinas. Siya ay kabilang sa 100 sexiest bachelor sa isang sikat na magazine. Si Herwin ay kilalang maloko sa babae at wala sa dictionary niya ang salitang mahal para sa babae. Si Bella Mae Cruz ay galing sa mahirap na pamilya. Nang magkasakit ang kaniyang ama siya ay mamasukan bilang isang katulong sa pamilya Montenegro sa mura niyang edad. Tuwang-tuwa si Bella nang matanggap siyang kasambahay sa mansyon ng mga Montenegro, dahil crush niya ang nag-iisang anak ng mag-asawang Montenegro. Na walang iba kung 'di si Herwin. Hindi nakikita ni Bella si Herwin sa mansyon ng mga Montenegro dahil may sarili itong penthouse. Nang maaksidente si Herwin, maaatasan si Bella na mag-alaga kay Herwin at hindi siya makapaniwala na sobra itong suplado, at magagalitin. Titiisin ni Bella ang pagiging magagalitin nito hanggang dumating ang isang pangyayari na kinakailangan niyang magpanggap bilang nobya ng kaniyang amo. Sa tuwing makikipaghiwalay si Herwin sa babae ay pinagpapanggap niya si Bella bilang nobya. Hanggang dumating ang isang gabing kaligayahan na pareho silang nakalimot at magtutulak na ituloy ang kanilang pagkukunwari bilang magkasintahan. Magbubunga ang kanilang pagkukunwari bilang magkasintahan na tututulan ng mag-asawang Montenegro. Dahilan upang lumayo si Bella dala ang anak na bunga ng isang pagkukunwari. Anong gagawin ni Herwin, oras masiguro niya sa kaniyang sarili na mahal niya si Bella? Anong gagawin ni Herwin oras malaman niyang nabuntis niya si Bella? Nakahanda ba si Herwin na ipagpalit ang marangyang buhay makasama lamang ang babaeng nagpatibok sa kaniyang puso.
like
bc
DARK BOYS SERIES 4 (The Escort Service)
Updated at Nov 2, 2021, 05:06
Si Dianne Montemayor, ay dating mayaman. Ngunit nang mamatay ang kaniyang mga magulang ay nagbago ang ihip nang kaniyang buhay. Dahil walang natirang kabuhayan para sa kaniya ang kaniyang mga magulang. Ang lahat ng kanilang ari-arian ay napasanla kay Marcus Jay Salvador, na isang bachelor at kilala sa buong Quezon Province. Upang mabawi ni Dianne ang kanilang kabuhayan ay mapipilitan siyang pumasok sa isang trabaho na mababa ang lipad na kung tawagin ay Escort Service o tagapagbigay ligaya. Si Jay ay magiging costumer ng pinagtatrabahuhan ni Dianne. Kaya nang malaman niya ito siya ay makikipagkasundo sa binata kapalit ang kanilang kabuhayan. Si Jay na kilalang playboy, kaliwa't kanan just ang mga babae ay papayag na makipagkasundo kay Dianne kapalit ng kabuhayan nito. Ang natutulog na puso ni Jay ay bubuhayin ng isang dalaga na mas bata sa kaniya na kaniyang Escort Service.
like
bc
ARAVIS "Ang Buhay Na Estatwa"
Updated at Jul 17, 2021, 01:24
Si Aravis, ang estatwang magiging sanhi ng away ng magkapatid na Helga at Alendra. Anong gulo ang dala ni Aravis sa magkapatid, at saan siya nagmula? Matuklasan kaya ng magkapatid na siya ay isang Estatwa?
like
bc
Secret Affair 5: I Love You Goodbye
Updated at Jun 29, 2021, 07:47
Si James Rigor Salvador ang isa sa kilabot ng kolehiyala. Para sa kanya ang isang relasyon ay isang laro. Niligawan niya si Laya Mae Salvanera, isang cheering squad member sa kanilang school, upang makipaglaro lamang dito. Habang tumatagal ang kanilang relasyon ay hindi niya namamalayan na umiibig na siya kay Laya. Pero si Laya ay lalayo dahil nalaman niyang hindi siya mahal ni Rigor. Silang dalawa ay muling pagtatagpuin ng tadhana pero si Laya ay kasal na sa iba. Malaman kaya ni Rigor na ang batang kasa-kasama ni Laya ay kanyang anak. Huli na ba para kay Laya na sumaya sa piling ng lalaking minahal niya.
like
bc
DARK BOYS SERIES 3 (Hiram Na Mukha)
Updated at Jun 27, 2021, 01:05
Si John Michael Montelivano ay isang sikat na Engineer sa buong Quezon Province, kaya madaming babae ang nahuhumaling sa kanya. Sa edad niyang bente-syete anyos ay nakilala niya si Tiffany Delgado na mas bata sa kanya at siya ay na inlove sa dalaga. Niligawan niya si Tiffany at sila ay naging magkasintahan ng dalaga at sila ay nakatakda ng ikasal. Ngunit, lingid sa kaalaman ni Michael, si Tiffany ay may nobyong iba at nagdesisyon si Tiffany na iwan si Michael. Para makatakas ang dalaga sa isang kahihiyan, ginamit niya ang kanyang bestfriend na si Lynsae Villarreal, ng sila ay nasa isang Bus ay inihabilin ni Tiffany ang lahat ng gamit niya kay Lynsae, pati na rin ang engagement ring nila ni Michael at siya ay bumaba ng bus para pasabugin ang Bus na sinasakyan ni Lynsae. Nang mabalitaan ni Michael ang nangyari kay Tiffany ay agad niya itong pinuntahan sa hospital, at dahil malaki ang naging pinsala sa mukha ng dalaga ay agad niya itong pinaoperahan upang manumbalik ang dating ganda. Sa paggising ni Lynsae, isang bagong mukha ang sasalubong sa kanya. Maniwala kaya si Michael sa kanya na hindi siya si Tiffany, o paninindigan kaya ni Lynsae ang maging isang Tiffany Delgado. Mapatawad kaya ni Michael si Lynsae ngayong sila ay kasal na at napatunayan niyang birhen pa ang kanyang pinakasalan.
like
bc
TILL MY HEARTACHES END
Updated at Jun 9, 2021, 14:24
Si Charles Andrew Hamilton ang isa sa kilabot ng kolehiyala sa AMIS. Dahil laking America si Charles, ay nadala niya ang pagiging liberal sa mura niyang edad. Siya ay kilalang playboy sa bayan ng Tayabas. *** Makikilala ni Charles Andrew Hamilton si Abby Lyn Castillo, siya ay iibig sa dalaga at magbabago para sa babaeng nagpatibok ng kaniyang puso. Ngunit ito pala ang simula nang kalbaryo sa kaniyang buhay, dahil muling mabubuhay ang alitan ng kani-kanilang pamilya. Malalaman nila na ang kanilang mga ama't ina ay dating magkasintahan na pinaghiwalay ng kani-kanilang mga Lolo. Ilalaban ni Charles ang pag-ibig niya para kay Abby. Lalaban din kaya si Abby para kay Charles, o susundin ang kagustuhan ng sariling ama?
like
bc
DESTINY
Updated at Dec 9, 2020, 00:12
Si Nathaniel Buencamino, ay nagmula sa pinakamayamang angkan sa bayan ng Tayabas. Siya ay may lihim na pagtingin sa kaniyang childhood friend na si Lorraine Monteverde. *** Ang pag-iibigan nina Nathan at Lorraine, na susubukin ng tadhana. Para kay Nathan, si Lorraine lamang ang babaeng kanyang mamahalin. Ngunit darating ang pagkakataon na pareho silang ipinagkasundo sa iba. Mapipilitang lumayo ni Nathan, dahil mas pinili ni Lorraine ang magpakasal kay Francis, para sa kanyang buhay. May babalikan pa ba si Nathan? O matutunan nang mahalin ni Lorraine si Francis?
like