bc

Husband For Hire Series: Adrian "Ian" Vergara- The Faithful Husband

book_age18+
1.2K
FOLLOW
4.7K
READ
forbidden
contract marriage
drama
sweet
bxg
betrayal
lies
affair
gorgeous
seductive
like
intro-logo
Blurb

Kinailangan ni Kate Lyn Martinez ng asawa upang gumanap na magiging ama ng kanyang ipinagbubuntis, matapos siyang iwan ng kanyang nobyo na si Arthur "Art' Montecillo—kung hindi ay itatakwil siya ng ama.

Magtatagpo ang landas nila ni Adrian Vergara o nakilala niya bilang Ian Comia at pipiliin na maging asawa sa loob ng anim na buwan.

Matapos magsama sa iisang bubong ay hindi maiwasan na magkaroon sila ng pagtingin sa isa't isa. Ngunit paano ang gagawin ni Kate? Kung nagpupumilit na bumalik sa buhay niya si Art matapos niyang pumayag sa pag-ibig ni Adrian?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
ADRIAN POV "Aalis ka na naman?" tanong ko kay Kate nang makita kong nagmamadali na naman siyang umalis ng bahay. Nitong mga huling araw ay malimit umalis ng bahay si Kate at parating ginagabi ng uwi. Nagkagat labi si Kate at tila nag-isip nang sasabihin sa akin. "May pupuntahan lamang ako." Sabay halik niya sa akin at nagmadali na siyang lumabas ng bahay. Malakas ang kutob ko na may kakaibang ginagawa si Kate. Hindi na ako nagdalawang isip na sundan si Kate. "Yaya Tina," tawag ko sa aming kasambahay. "Sir, may kailangan po kayo?" tanong sa akin ng aming kasamabahay. "Yaya Tina, p'wede po bang pakibantayan muna ang bata. May kailangan lamang po akong puntahan," bilin ko. "Sige po, Sir Adrian," pagsang-ayon niya sa akin at kinuha niya sa akin ang anak namin ni Kate. Mabilis akong nagtungo sa aking sasakyan upang sundan si Kate. Sa bilis kong magmaneho ay naabutan ko agad ang kaniyang sasakyan. Nagtaka naman ako nang bigla niyang itigil sa may gasoline station ang kaniyang sasakyan. Nakita ko siyang bumaba ng sasakyan at nagtungo sa isang itim na kotse at sumakay. Bigla akong kinabahan. "Tama ba ang aking hinala?" tanong ko sa aking sarili. Muli kong pinaandar ang aking sasakyan nang makita kong umalis ang itim na sasakyan. Nang hindi bumaba si Kate. "Saan ka ba pupunta? At sino ang kasama mo?" muli kong tanong sa aking sarili. Halos manigas ako nang ipasok ang kotse sa isang motel. Nagtagis ang aking panga, kasabay nang pagkuyom ko ng aking kamao. "Bakit mo ito nagawa sa akin, Kate?" Sabay pagpatak ng aking mga luha. Umiiyak ako, dahil hindi ko matanggap sa aking sarili, na kaya akong lokohin ni Kate. Halos lumipas na ang isang oras ay hindi pa rin sila lumalabas ng motel. Ipinislig ko ang aking ulo, dahil sa kung anong isipin ang pumapasok sa aking isipan. Hindi ko sukat akalain na magagawa ni Kate na pagsabayin kaming dalawa. "Hindi ako papayag! Na agawin ka niya sa akin! Ako ang asawa mo. Kaya akin ka lang, Kate!" bulong ko sa aking sarili na may kasamang galit. Lumipas ang tatlong oras kong paghihintay ay lumabas na rin ang kotse na sinasakyan nina Kate. Muli ko silang sinundan pabalik ng gasoline station. Madilim akong nakatingin kay Kate nang bumaba siya mula sa kotse. Para namang dinurog ang puso ko nang makita kong bumaba nang sasakyan ang lalaking kasama ni Kate na pumasok ng motel. Biglang nagdilim ang paningin ko nang halikan ng lalaki si Kate sa kanyang labi bago ito pasakayin sa kanyang sasakyan. Hindi ako nagdalawang isip na bumaba mula sa aking sasakyan. Nang tuluyang makaalis si Kate. "Pare, masarap ba ang asawa ko?!" Sabay suntok ko sa panga ng lalaki. "Sa susunod, na makita kitang kasama ng asawa ko! Hindi lamang suntok ang aabutin mo!" galit kong banta sa lalaki at iniwan ko na siya. "Pare, unang naging akin si Kate! Binabawi ko lang, ang pag-aari ko!" galit na sigaw nang lalaki. Hindi naman ako makapaniwala sa aking narinig. Ang ibig sabihin, ang lalaking 'yon ang dating nobyo ni Kate. Ang lalaking bumuntis sa kanya at nang-iwan. "Nakaraan na siya ni Kate! Ako na ang mahal ni Kate ngayon," bulong ko sa aking sarili nang papasakay ako ng aking sasakyan. Sahalip na umuwi ako ng bahay ay dumiretso ako dito sa isang bar upang magpakalasing. Gusto kong ilabas ang sama ng aking loob. Nang umuwi ako ng bahay ay si Kate ang sumalubong sa akin. Tinulungan niya akong maglakad patungo sa aming silid. "Saan ka ba nanggaling? Bakit para yatang— ang dami mong nainom?" tanong sa akin ni Kate na may pag-aalala. Tumingin ako nang madilim sa aking mahal na asawa. "Kate, mahal ko, isang tanong lang ang gusto kong sagutin mo!" sabi ko na may kasamang galit. Napamulat naman ng mga mata si Kate na halata ang pagkagulat sa kaniya, bago magsalita. "Ano ba ang gusto mong itanong?" "MAHAL mo ba ako?" tanong ko na sadya kong idiin ang salitang mahal. Hinawakan ni Kate ang aking pisngi. "Adrian, simula nang dumating ka sa buhay ko. Minahal na kita. Bakit mo ba naitanong 'yan? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?" balik niyang tanong sa akin. Hahalikan sana ako ni Kate. Ngunit tinabig ko siya. Dahil hindi mawala sa aking isip, ang nasaksihan ko kanina lang. "Adrian, sabihin mo naman sa akin kung galit ka sa akin. Hindi 'yong ganiyang bigla ka na lang mantatabig basta—" Hindi na naituloy ni Kate ang sasabihin niya nang muli akong magsalita. "Mahal kita, Kate, kaya kahit tapakan mo pa ang p*********i ko, ay aking titiisin. At lulunukin ko ang pride ko bilang isang lalaki! Para lang sa 'yo. Dahil labis kitang mahal," seryosong sabi ko na may kasamang galit. Nagulat naman si Kate sa kaniyang narinig mula sa akin. "Ano bang pinagsasabi mo, Adrian?" takang tanong ni Kate. Tiningnan ko nang madilim si Kate, kasabay nang pagtagis ng aking mga panga. "Kate, sino ba ang mas magaling sa aming dalawa sa kama?" Sabay ngisi ko na parang aso. Napalunok si Kate at hindi nakapagsalita. Dahilan upang muli akong magsalita. "Bakit hindi ka makapagsalita?! Dahil totoong pinapatungan mo ako ng ipot sa aking ulo! 'Di ba, Kate?!" paniniguro ko. Masakit man para sa akin ang lokohin. Ngunit kaya kong magpatawad dahil sa labis kong pagmamahal kay Kate. Siya ang dahilan kung bakit tinalikuran ko ang aking trabaho bilang husband for hire.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
444.7K
bc

Married By Mistake

read
171.0K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Just Another Bitch in Love

read
28.2K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook