bc

FORBIDDEN LOVE 1 "Till Death Do Us Part"

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
family
forced
badboy
powerful
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Si Cassandra ay ang bunsong anak ng mag-asawang Delfin at Divina Montero na nagmula sa isang simpleng pamilya. Si Cassandra ay may nakakatandang kapatid na si Charmaine na nakatakdang ikasal kay Marco Dela Costa na isang haciendero mula sa bayan ng Buenavista, Quezon. Ngunit isang pagkakamali ang magagawa ni Sandra ang siyang magmumulat sa kanyang tunay na pagkatao, at gigising sa kanyang puso. Masakit man kay Cassandra na malaman ang katotohanan pipiliin niyang magtiis para sa lalaking lihim niyang minamahal.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
CASSANDRA'S POV "Sandra, anak!" malakas na boses na aking narinig mula sa labas ng aking silid dahilan upang tuluyan akong magising. Habang bumabangon ako mula sa aking pagkakahiga ay naramdaman ko ang sakit ng aking buong katawan lalong-lalo ng aking dalawang hita na mas lalo kong ipinagtaka sa aking sarili nang mapansin kong wala akong ni isang suot na saplot sa aking katawan. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib ng makita ko ang isang lalaki mula sa aking kama na mas ikinamulat ko ng aking mga mata nang mapansin ko ang kaunting bahid ng dugo sa tabi ng lalaki. Nanginginig ang aking buong katawan at tila naman bigla akong napako sa aking kinakaupuan nang bumukas ang pintuan ng aking silid at iluwa nito ang aking mga magulang. "Diyos por Santo!" katagang lumabas mula sa labi ng aking ina habang ang mga kamay nito ay walang tigil sa pag-antanda dahil sa labis na pagkagulat nito sa kanyang natunghayan. Napakagat-labi ako nang marinig ko ang pagtagis ng panga ng aking ama kasabay nang pagkuyom ng kanyang kamao. "Sandra, anong ibig sabihin nito? Sino ang lalaking 'yan?" sunod-sunod na tanong ng aking ama na tanging pag-iling lang ang aking naging tugon. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwag sa aking mga magulang ang kanilang nasaksihan ngayon dito sa aking silid, dahil kahit ako'y hindi ko alam kung bakit may katabi akong lalaki sa sarili kong kama. Nang walang lumabas na tinig sa aking mga labi ay muling nagsalita si daddy. "Sandra, tinatanong kita! Bakit 'di mo ako sagutin?!" galit at makapangyarihan na tanong ng aking ama. "Dad—" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang biglang magsalita ang aking ate sa hindi ko napansin na nasa likuran pala ito ng aking mga magulang. "Mom, Dad, bakit 'di n'yo na lang kausapin 'yong lalaki na panagutan si Sandra," tumingin si Ate Charmaine sa akin at muling nagsalita. "At ikaw naman, Sandra, may boyfriend ka na pala bakit hindi mo man lang pinapakila—" hindi na natapos ng aking kapatid ang kanyang sasabihin ng biglang gumalaw ang lalaki na naging dahilan upang makita namin ang pagmumukha nito na kahit ako'y 'di lubos makapaniwala na may nangyari sa aming dalawa ni Marco na hindi dapat nangyari, dahil sa susunod na Linggo ay ikakasal na sila ng aking kapatid. "Marco!" galit na sigaw ng aking ina na naging dahilan upang magising ang lalaki na halos mabigla naman nang makita ang sarili na wala siyang saplot. "Anong…" Hindi tinapos ni Marco ang kanyang sasabihin, sa halip ay pumikit ito at tila inalala ang nangyari kagabi. "No!" muling sambit ni Marco habang hawak-hawak ang kanyang noo. "Kuya Mar—" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang bigla akong lapitan ng aking kapatid at sampalin ng sunod-sunod. "Walang hiya kang babae ka! Manang-mana ka sa nanay mong haliparot!" galit na sigaw ng aking kapatid habang patuloy niya akong sinasampal. "Ate, sorry!" tanging salitang lumabas sa labi ko. "Huwag na huwag mo akong tatawaging, ate! Dahil wala akong kapatid na mang-aagaw!" muling sigaw ng aking kapatid na dumurog sa puso ko. Alam ko na malaking kasalanan ang aking nagawa sa aking kapatid, ngunit hindi ko naman ito sinasadya at kahit may lihim pa akong pagtingin kay Kuya Marco ay hindi pumasok sa isip ko na wasakin ang kanilang relasyon. Patuloy sa pananampal sa akin ang aking kapatid kaya naman pumutok na ang gilid ng aking labi dahilan upang awatin ng aking ama si Ate Charmaine. "Anak, tama na! Wala na tayong magagawa. Nangyari na ang nangyari," mga salitang lumabas sa labi ni daddy na kinontra naman ng aking ina. "Anong pinagsasabi mo, Delfin? Ang dapat diyan sa bastarda mo… Pinapalayas! Dahil manang-mana siya sa kanyang ina na mang-aagaw ng asawa!" galit na wika ng aking ina na halos ikabingi ko. Hindi ko alam kung bakit sinabi ng sarili kong ina na isa akong bastarda. "Divina! Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na huwag mong sasabihin ang salitang bastarda sa harapan ng anak mo!" saway ng aking ama na inilingan lang ng aking ina at naging dahilan upang magsalita itong muli. "At talagang kakampihan mo 'yang bunga nang pagtataksil mo sa akin!" galit na wika ng aking ina na halos ikadurog ng puso ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinasabi ng aking ina o hindi. Nagtagis ang panga ng aking ama at muli itong nagsalita. "Hindi ko kinakampihan si Sandra! Ang sa akin lang huwag mo nang uungkatin ang mali kong nagawa noon!" mahabang litanya ng aking ama. Napailing ako sa aking mga nalaman ngayon. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang aking nagawang pagkakamali dahil nalaman ko ang tunay na pagkatao ko, o mainis sa aking sarili dahil mas lalo kong inilayo ang aking sarili mula sa aking pamilya na kahit kailan ay hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang ina. Napakagat ako sa aking mga labi dahil hindi ko matanggap ang katotohanan na isa akong bastarda ng aking ama at anak ako ng isang haliparot. "Dad, I'm sorry!" tanging salitang lumabas sa aking mga labi na tinanguan ng aking ama sabay tingin nito sa aking ina at kapatid. "Walang mangyayari kung galit ang papairalin ninyong dalawa. Kailangan nating mag-usap-usap para sa ikabubuti ng lahat," paliwanag ng aking ama at pagkatapos ay tumingin ito sa akin at kay Kuya Marco. "Kayong dalawa ayusin ninyo ang mga sarili ninyo at mag-uusap tayong dalawa, Marco, nang lalaki sa lalaki!" "Yes, Tito," mabilis na tugon ni Marco na tinanguan ng aking ama at pagkatapos ay inakay na nitong palabas mula sa aking silid. Nang tuluyan kaming naiwan ni Marco ay narinig ko ang pagtagis ng panga nito at pagkatapos ay galit akong hinarap. "Anong ibig sabihin nito, Sandra? Pinipikot mo ako upang agawin sa 'yong kapatid?!" galit na wika ni Marco na labis kong ikinaiyak. Umiling ako. "Hindi! Dahil hindi ko alam kung bakit narito ka sa kwarto ko," paliwanag ko kay Kuya Marco na inilingan lang nito at pagkatapos ay pinisil niya ako sa aking kanang braso. "Siguraduhin mo lang na hindi ako iiwan ng kapatid mo! Kung 'di malilintikan ka sa akin!" banta sa akin ni Marco na halos ikadurog ng puso ko. Umiling ako. "Hindi! Dahil hindi ko alam kung bakit narito ka sa kwarto ko," paliwanag ko kay Kuya Marco na inilingan lang nito at pagkatapos ay pinisil niya ang aking kanang braso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.1K
bc

His Obsession

read
73.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook