bc

RED MOON "THE ECLIPSE"

book_age18+
371
FOLLOW
1K
READ
dark
love-triangle
drama
bxg
mystery
werewolves
apocalypse
ancient
like
intro-logo
Blurb

Si Vladimir at Wesley, ay matalik na magkaibigan na isang lobo at vampira. Sa pagpunta nila sa mundo ng mga tao ay makikilala nila si Lia, na siyang tunay na tagapagmana ng Lunaria. At siyang sinasabi sa propesiyang— magsisilang ng isang isang lobo na may lahing vampira. At siyang sasakop sa buong Wolverland. Ngunit— matinding hahadlangan ni Wesley, na umasang magiging tagapagmana ng Lunaria.

Ang pagdating ni Lia sa buhay nina Vladimir at Wesley, ang siyang magiging tuldok nang mabuting samahan ng magkaibigan. At ang magiging simula ng hidwaan ng mga itim na lobo at vampira.

Mababalik pa kaya ang kapayapaan sa Wolverland, ang tirahan ng mga Immortal.

chap-preview
Free preview
ANG SIMULA (ANG PAGMAMAHALAN NINA MAGNUS AT HELENA)
SITIO IPILAN TAYABAS, QUEZON  TAONG ISANG LIBO'T SIYAM NA DAAN AT WALUMPO (1980) Si Magnus Aldana ay ipapatapon ng kaniyang amang si Haring Rakesh sa mundo ng mga tao. Dahil ayaw niyang sundin ang kagustuhan ng ama na makipag-isang dibdib kay Mineya, isang itim na lobo. "Saan ba ako magtutungo nito?" tanong ni Magnus sa sarili nang lumabas siya puting sinag mula sa malaking puno ng balete. Dito sa mundo ng mga tao, ang puno ng balete ang siyang pintuan o lagusan papuntang Wolverland. Malaki ang pinagkaiba ng mundo ng mga tao sa mundo na kaniyang kinamulatan. Kung sa Wolverland ay naglalakihan ang mga puno. Dito sa mundo ng mga tao ay pangkaraniwan lamang ang taas. Mas maganda sa Wolverland, dahil sa maparaisong ganda nito at lahat ng nilalang na naninirahan dito ay nakakausap niya. Mapa-ibon, kuneho at iba't-ibang uri ng hayop. Tuluyan nang hindi makakabalik sa Wolverland si Magnus nang maglaho ang sinag mula sa puno ng balete. "Pangako aking tahanan. Babalikan kita," bulong niya sa sarili at nagsimula na siyang maglakad. Habang naglalakad si Magnus sa isang malawak na kalye ay nag-iisip siya kung saan siya magtutungo. Dahil wala siyang alam sa mundo ng mga mortal. Nagulat si Magnus nang may isang bagay na nakabungo sa kaniya. Hindi niya alam kung anong tawag sa uri ng bagay na iyon. Dahil ngayon lamang siya nakakita ng isang malaking bagay na tumatakbo. Ang tawag dito sa mundo ng mga tao ay kotse. Isang uri ng sasakyan kung saan ay kailangan itong paandarin ng isang tao. Huminto ang kotse. Lumabas mula dito si Diego Braganza. Anak ng mag-asawang Don Manuel at Doña Lorena Braganza. Ang pamilya nila ang isa sa kinikilala dito sa Sitio Ipilan. Galit na nilapitan ni Diego si Magnus. "Magpapakamatay ka ba?!" inis na tanong niya kay Magnus. Umiling si Magnus bilang tugon. Dahilan upang lalong mainis si Diego sa kaniya. Ngumisi si Diego at muling nagsalita. "Kung hindi ka magpapakamatay! Bakit sa gitna ka nang kalye naglalakad?!" Napailing si Diego dahil mukang nag-aaksaya lamang siya ng oras sa isang lalaking mukang ignorante o mangmang. Mas tamang sabihin na tanga o sira ang ulo. Dahil sino ba namang matinong tao? Ang maglalakad nang hubo't hubad na tanging dahon lamang ang nakatakip sa katawan. "Muka namang hindi ka nasaktan," muling sabi ni Diego at iniwan na niya si Magnus. Naiwan na tulala si Magnus. Dahil ang laki ng kaibahan nila ng lalaking nakausap niya. Siya ay tanging dahon lamang ang nakatakip sa pribadong parte ng kaniyang katawan. Samantalang ang lalaki ay may suot na disenteng damit. Tumayo si Magnus at pinahiran lamang niya ng kaniyang laway. Ang galos na naging bunga sa pagkakabungo sa kaniya. Ang katulad niyang lobo ay ang sariling laway lamang ang makakagamot sa sugat nila. Nang nawala na ang kaniyang galos sa katawan ay muli na siyang naglakad. Habang naglalakad si Magnus ay namangha siya sa kaniyang mga nakita. Malaki talaga ang kaibahan ng Wolverland sa mundo ng mga tao. Dito sa lugar na tinutungtungan niya ngayon ay maraming kabahayan. Makikita mo ang mga tao na abala sa mga gawain. May mga tao rin na nag-uupukan at masayang nagkukwentuhan. Samantalang sa Wolverland ay walang malisya ang bawat isa. Kahit tanging tapis lamang sa pribadong katawan ang mayroon sila. Patuloy lamang sa paglalakad si Magnus nang may isang matandang babae at magandang dalaga ang nakabunggo niya. "Paumahin po," magalang niyang sabi at pinulot niya ang basket na nabitiwan ng matanda. "Ito po 'yong dala-dala ninyo." Sabay abot niya ng basket at napukaw ang kaniyang paningin sa isang magandang babae. "Salamat, hijo," sabi ng matanda. Hindi napansin ni Magnus ang sinabi ng matandang babae. Dahil tanging sa magandang dilag lamang siya nakatingin. Napailing ang matanda. "Ang mga kabataan nga naman ngayon," bulong nito sa sarili. "Hijo, tagasaan ka ba? Bakit wala kang saplot sa katawan?" mga salitang narinig ni Magnus upang matauhan. Napalunok si Magnus at tila nag-isip nang sasabihin. "Galing po ako sa Wolverland," maya-maya'y sabi niya. Kumunot ang noo ng matanda na nagngangalang Nadia. "Wolverland?" paniniguro ng matanda. "Opo," matipid na tugon ni Magnus. Tiningnan ng matanda si Magnus mula ulo hanggang paa. "Teka lang, bakit wala ka man lang suot na damit?" muling tanong ng matanda. "Damit? Ano po 'yon?" may pagtatakang tanong ni Magnus dahil wala siyang alam sa mga bagay na mayroon ang mga tao. Napamulat ang matanda at napailing. "Hindi ko alam kung tanga ka ba? O sadyang sira ang ulo mo," sabi ng matanda habang napapailing. "Pasensya na po. Hindi po ako taga—" Hindi na naituloy ni Magnus ang sasabihin niya. Dahil biglang nagsalita si Helena. "Manang Nadia, ang mabuti pa po ay isama na lamang natin siya." Sabay tingin niya kay Magnus. "Muka kasing hindi siya tagarito sa atin," ani ni Helena. Tumingin ang matanda kay Magnus at may naramdamang awa para binata. Huminga muna nang malalim ang matanda bago muling nagsalita. "Tama ka, Helena, mukang konsensya pa natin. Kapag iniwan natin ang lalaking 'yan." Tumingin siya kay Magnus. "Pasalamat ka kay Helena. Dahil gusto kang tulungan. Ito lamang ang sasabihin ko sa 'yo, ipapakilala kitang pamangkin ko. Pagkatapos ay ipapasok kita bilang magsasaka ng mga Braganza," seryosong saad ng matanda. Tumango si Magnus bilang tugon sa matanda. Pagkatapos ay dumaan muna sila sa bahay ni Aling Nadia upang bihisan ng damit si Magnus. Tinuruan din muna nila, kung paano ang tamang pagsusuot ng damit at paggamit ng mga bagay na ngayon lamang nakita ni Magnus. Si Aling Nadia naman ay hindi na kinulit si Magnus kung saan ang Wolverland. Samantalang si Helena ay may kakaibang naramdaman para sa lalaki. Dahil kahit ignorante si Magnus ay hindi naman maipagkakaila na maganda itong lalaki na may matikas na katawan. Katulad nang sinabi ni Aling Nadia, sinama niya si Magnus sa mansyon ng mga Braganza. Kung saan nagtatrabaho siya bilang mayordoma ng mansyon. Si Helena naman ay kasambahay sa nasabing mansyon. Ipinakilala ni Aling Nadia sa mag-asawang Braganza si Magnus. Dahil malaki ang tiwala nila kay Aling Nadia. Hindi sila nagdalawang isip na tanggapin si Magnus bilang isang magsasaka sa kanilang malawak na palayan. PAGKALIPAS NG TATLONG TAON Tatlong taon nang naninirahan sa mundo ng mga tao si Magnus. Nasanay na rin siya sa buhay niya bilang isang simpleng magsasaka. Kinilala siya ng mga tao bilang pamangkin ni Aling Nadia, at mula sa pagiging ignorante. Isa na siya sa pinakamataas na magsasaka sa Braganza Farm. Nang matapos ang trabaho niya sa palayan ay naisipan niyang pumunta sa may talon upang maligo kasama ang kaniyang kasintahan na si Helena. Naging magkasintahan ang dalawa. Ngunit ito ay ininilihim nila sa ama ni Helena. Tutol ito sa pakikipagmabutihan ni Helena sa kaniya, dahil isa siyang hamak na magsasaka lamang. Bago pa man siya makarating sa talon ay natanaw niya si Helena na nakaupo sa malaking bato. "Irog ko," tawag ni Magnus kay Helena. Masayang nilingon ni Helena si Magnus ngunit mababakas sa kaniyang mukha ang kalungkutan. Inaya ni Helena na magkita sila ni Magnus dahil kinakailangan na niyang makipaghiwalay dito. Dahil kailangan niyang magpakasal kay Diego bilang pambayad utang ng kaniyang ama. "Bakit ka umiiyak?" tanong ni Magnus kay Helena. Ngumiti nang pilit si Helena at sa halip na sagutin si Magnus ay sinunggaban niya ito ng halik. Buo na ang desisiyon niya na ibigay ang kaniyang sarili sa lalaking pinakamamahal niya bago siya makipaghiwalay. Pakiramdam ni Helena ay siya na ang pinakamasayang babae sa mundo, pagkatapos nilang magniig. Ayaw niyang masaktan si Magnus sa desisyon niyang pagsang-ayon sa kagustuhan ng ama. Kaya hindi na siya magpapaalam sa kaniyang nobyo. Hindi nagtagal ay nagdesisyon na silang bumalik ng mansyon. "Mahal na mahal kita, Magnus," sabi ni Helena, sabay yakap niya nang mahigpit kay Magnus. "Mahal na mahal din kita, Helena." Hinalikan niya si Helena sa mga labi. Pagkatapos ay naghiwalay na sila. Sa kalaliman ng gabi ay may narinig na sigaw si Magnus. "Huwag!" malakas na sigaw ni Helena. Hindi nagdalawang isip si Magnus na puntahan ang nobya. Laking gulat niya nang makita niyang— pilit pinagsasamantalahan ni Diego ang nobya. Nanlisik ang mga mata ni Magnus sa galit at walang sali-salita na binigwasan niya ng malakas na suntok si Diego. Dahil sa lakas na pagkakasuntok niya kay Diego ay nawalan ito ng malay. Nilapitan niya ang nobya at niyakap. "Aalis tayo dito," sabi ni Magnus. Bago pa man sila maabutan ng mga magulang ni Diego ay nilisan na nila ang mansyon. Tanging si Aling Nadia lamang ang nakakaalam nang nangyari.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
344.0K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.2K
bc

YOU'RE MINE

read
893.9K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.1K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
50.8K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
470.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook