PROLOGUE
HUNTER'S POV
"What the f*ck!" bulalas ko dahil sa kondisyon na narinig ko mula sa aking ama.
“Do you have a problem with that, Hunter?” nakangising wika ng aking ama dahil sa pagtutol ko sa kondisyon niya.
Tumingin ako sa aking ama. " Dad, you know me. Marriage was never part of the plan—not for me.” muling pagtutol ko sa aking ama.
"Yeah! I know that my son! But I just thinking about you and the company." Huminga nang malalim ang aking ama at muling nagsalita. " “I’m getting old, son. I want to know what it feels like to be a grandfather. Besides, you’re at the right age already. How do you expect to run our empire when your own life has no direction?”
Napailing ako. " “Dad, don’t force me into something that has never existed in my vocabulary. I refuse to go through the same grief and pain you endured when Mom walked out on you—just to be with that man.” paliwanag ko sa aking ama
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ng aking ama at bigla-bigla na lang siyang nagdesisyon para sa akin.
Ngumiti at tumango ang aking ama habang seryosong nakatingin sa akin. "Son, remember this—just because we are father and son doesn’t mean we are destined for the same fate. And I forgave your mother a long time ago.” muling litanya ng aking ama habang nakatitig sa akin.
Hindi ako nakapagsalita sa mga salitang binitawan ng aking ama. Simula nang magbinata ako ay walang pakialam si daddy sa mga pinaggagawa ko sa aking buhay, lalo na sa mga pakikipagrelasyon ko, na kahit isa ay wala akong sineryoso at never din akong nakipagtalik sa isang babae na walang proteksyon. Dahil hindi ko pinangarap na magkaroon ng anak na walang kasamang ina sa kanyang paglaki. Ayokong danasin ng magiging anak ko ang kinalakihan kong wasak na pamilya, dahil sa malandi kong ina.
Tinitigan ko ang aking ama at muli akong nagsalita. "Dad, tell me this is some kind of joke," mga salitang binitawan ko na nagpawala ng ngiti sa aking ama.
“Hunter Buencamino, when have I ever joked with you about our business? And how many times do I have to tell you? I’m not investing a single cent in your project with Brown Corporation. I told you long ago—you will never have my support.” mahabang litanya ng aking ama.
Muli akong napaisip sa mga salitang binitawan ng aking ama. Dahil simula ng gawin ko ang proposal ko para makuha ang Brown Corporation, labis itong tinutulan ng aking ama. Gusto kong makuha ang Brown Corporation dahil pagmamay-ari ito ng lalaking sinamahan ng aking ina. Sa oras na makuha ko ito ay babagsak ang marangyang buhay na ginusto ng aking ina, kaya nagawa niya kaming iwan ng aking ama na noon ay isa lang na janitor.
“Dad, I don’t understand why you insist on interfering with my personal life in exchange for approving my proposal for Brown Corporation! And you know very well that one of the things I hate most is being told how to live my life—especially when it comes to my relationships!” muling pagtutol ko sa kagustuhan ng aking ama na labis niyang inilingan.
“Hunter, think about it. I’m giving you the opportunity to move forward with your project proposal for Brown Corporation,” he look at me seriously, before continuing. “But there’s one condition. Next month, you will introduce me to the woman you intend to marry, and you will give me a grandson who will one day become the heir to Buencamino Corporation.” pahayag ng aking ama.
Tumingin ako sa kawalan at bumuntong hininga. Kung nakikipaglaro sa akin ang aking ama, p’wes makikipaglaro ako sa kanya.
"Dad, you can finally draft that merger agreement with Brown Corporation. It’s a done deal. Because— I’m bringing home the woman I’m going to marry. Get ready to meet your future daughter-in-law—and the mother of the next Buencamino heir." seryosong wika ko, na mabilis na tinanguan at nginitian ng aking ama.
Halos makagat ko ang aking labi habang papalabas ako ng president office. Dahil hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko upang mapapayag sa kondisyon ng aking ama.