bc

Seven Hunks And Me

book_age18+
39
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
second chance
drama
tragedy
comedy
bxg
first love
love at the first sight
affair
wild
like
intro-logo
Blurb

BLURB:

Si Francheska ang panganay sa apat na magkakapatid. Sila ay naninirahan sa Payatas kung saan matatagpuan ang smokey mountain o ang garbage dump site ng Manila. Ang pangangalakal ng basura ang pangunahing pinagkakakitaan ng kaniyang pamilya.

Kahit mahirap ang kanilang buhay ay nagsisikap naman ang kaniyang mga magulang na mapag-aral sila. Ngunit sa liit ng kinikita ng mga ito ay hindi 'yon naging sapat para mabuhay sila, kung kaya siya ay kusang tumigil sa pag-aaral upang ang kapatid na lang niya ang makapag-aral.

Sa murang edad ni Francheska, siya'y namasukan bilang isang tindera sa palengke at minsan ay tumutulong din siya sa pangangalakal ng basura. Ngunit ang tadhana ay sadyang pinahirapan siya, hindi naging madali sa kaniya ang buhay. Lalo na pagdating sa kanilang pinansyal na pangangailangan. Nang magdalaga si Francheska siya ay namasukan sa isang club bilang entertainer.

Sinakripisyo niya ang mga pangarap para sa kagustuhan niyang makapagtapos sa pag-aaral ang kanyang mga kapatid—buo ang loob niyang gamitin katawan sa uri ng trabaho na mayroon siya para sa mga ito.

Hanggang sa makilala niya ang pitong lalaki na mag-aalis sa trabahong tinahak niya.

Ano nga ba ang magiging papel ng mga ito sa buhay ni Francheska? Ito na ba ang sagot sa kaniyang mga pangarap at paghihirap? O, isa-isa lang silang dadaan sa buhay niya't mag-iiwan ng mapait na karanasan sa kanya?

***

Samahan si Francheska na abutin ang kanyang pangarap

chap-preview
Free preview
PROLOGUE - FRANCHESKA'S POV
Nalilito ako sa aking nararamdaman ngayon at kung sino sa magkakapatid ang paniniwalaan ko. Pero sa katulad ko na isang babaeng parausan, na kung tawagin ay kalapating mababa ang lipad. Sino pa ba ang magpapakatotoo, magmamahal at tatanggap sa aking nakaraan. Tinanggap ko ang alok nang magkakapatid na maging s*x slave dahil sa hirap ng aming buhay at sa kagustuhan kong maialis sa masikip at mausok na lugar ang aking pamilya. Ang pitong magkakapatid ang nag-alis sa akin sa club na pinagtatrabahuhan ko kapalit ang pagiging s*x slave sa kanilang magkakapatid. Pero hindi ko inaasahan na ako ang sisira sa magandang relasyon nilang pito “Cheska, mahal kita,” pagtatapat sa akin ni Isaac. ‘‘Cheska, huwag kang maniwala sa kanya. Gusto ka lang niyang paglaruan. Ako mahal kita,’’ sabi naman ni Dave. Magsasalita pa sana si Dave nang biglang magsalita si Sebastian. “Cheska, mahal din kita at nagsasabi ako nang totoo.” “Tumigil nga kayong tatlo. Sa akin si Cheska,” saway ni Hugo sa tatlo niyang kapatid. Sa loob nang ilang buwan na magkakasama kami sa iisang bubong ay nakilala ko na rin ang magkakapatid at sa kanilang lahat si Hugo ang pinakatahimik, ngunit isang salita lang niya sinusunod ng kanyang mga nakakabatang kapatid. Ako ang nagsilbing asawa nilang pito, dahil pinagsisilbihan ko silang lahat hindi lang sa kama. Minsan nga ay dumadating sa punto na nandidiri na ako sa aking sarili dahil para akong isang buto na pagkatapos pagsawaan ng isa, ang isa naman ang lalaway sa aking katawan. Inaamin ko na dahil sa pera kaya nilulunok ko ang ganitong klase ng trabaho. At hindi na rin ako umaasa na may isang lalaki na nakatakda para sa akin. “Kuya Hugo, baka nakakalimutan mo na nakatakda ka nang ikasal kay Sandra,” seryosong wika ni Hupert sa kanyanng nakakatandang kapatid na dumurog sa aking puso, dahil sa kanilang pito ay kay Hugo ko naramdaman ang pahalagahan ako bilang isang babae. “Oo nga naman, Kuya Hugo, bakit ka pa makikipag-agawan sa amin kay Cheska? Kung nakatakda ka nang ikasal?” sarkastiskong wika ni Zandro. Sa kanilang magkakapatid si Zandro ang pinaka arogante at mayabang na pati pagdating sa kama ay sa kanya ko naranasan ang dahas. “Mga kuya, huwag na kayong magtalo-talo, dahil ako ang mahal ni Cheska.” Tumingin sa akin si Gabby. “Cheska, bakit hindi mo aminin sa kanila na ako ang mahal mo,” pahayag niya na ikinagulat ko. Hindi ko alam kung bakit nasabi ni Gabby na mahal ko siya dahil kung may minamahal man ako sa kanilang pito’y walang iba kung ‘di si Hugo. Ngunit paano ko ipagtatapat sa kanya ang aking nararamdaman kung nakatakda na pala siyang ikasal. Sa kanilang pito kay Hugo lihim na tumibok ang aking puso. Hindi pa man nagsisimula ang aming relasyon ay may hadlang na ito. Siguro nga ay walang lalaking nakatakda sa katulad ko na isang bayarang babae.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.3K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
38.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.3K
bc

The Sex Web

read
133.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.4K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.7K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook