PROLOGUE - FRANCHESKA'S POV

489 Words
Nalilito ako sa aking nararamdaman ngayon at kung sino sa magkakapatid ang paniniwalaan ko. Pero sa katulad ko na isang babaeng parausan, na kung tawagin ay kalapating mababa ang lipad. Sino pa ba ang magpapakatotoo, magmamahal at tatanggap sa aking nakaraan. Tinanggap ko ang alok nang magkakapatid na maging s*x slave dahil sa hirap ng aming buhay at sa kagustuhan kong maialis sa masikip at mausok na lugar ang aking pamilya. Ang pitong magkakapatid ang nag-alis sa akin sa club na pinagtatrabahuhan ko kapalit ang pagiging s*x slave sa kanilang magkakapatid. Pero hindi ko inaasahan na ako ang sisira sa magandang relasyon nilang pito “Cheska, mahal kita,” pagtatapat sa akin ni Isaac. ‘‘Cheska, huwag kang maniwala sa kanya. Gusto ka lang niyang paglaruan. Ako mahal kita,’’ sabi naman ni Dave. Magsasalita pa sana si Dave nang biglang magsalita si Sebastian. “Cheska, mahal din kita at nagsasabi ako nang totoo.” “Tumigil nga kayong tatlo. Sa akin si Cheska,” saway ni Hugo sa tatlo niyang kapatid. Sa loob nang ilang buwan na magkakasama kami sa iisang bubong ay nakilala ko na rin ang magkakapatid at sa kanilang lahat si Hugo ang pinakatahimik, ngunit isang salita lang niya sinusunod ng kanyang mga nakakabatang kapatid. Ako ang nagsilbing asawa nilang pito, dahil pinagsisilbihan ko silang lahat hindi lang sa kama. Minsan nga ay dumadating sa punto na nandidiri na ako sa aking sarili dahil para akong isang buto na pagkatapos pagsawaan ng isa, ang isa naman ang lalaway sa aking katawan. Inaamin ko na dahil sa pera kaya nilulunok ko ang ganitong klase ng trabaho. At hindi na rin ako umaasa na may isang lalaki na nakatakda para sa akin. “Kuya Hugo, baka nakakalimutan mo na nakatakda ka nang ikasal kay Sandra,” seryosong wika ni Hupert sa kanyanng nakakatandang kapatid na dumurog sa aking puso, dahil sa kanilang pito ay kay Hugo ko naramdaman ang pahalagahan ako bilang isang babae. “Oo nga naman, Kuya Hugo, bakit ka pa makikipag-agawan sa amin kay Cheska? Kung nakatakda ka nang ikasal?” sarkastiskong wika ni Zandro. Sa kanilang magkakapatid si Zandro ang pinaka arogante at mayabang na pati pagdating sa kama ay sa kanya ko naranasan ang dahas. “Mga kuya, huwag na kayong magtalo-talo, dahil ako ang mahal ni Cheska.” Tumingin sa akin si Gabby. “Cheska, bakit hindi mo aminin sa kanila na ako ang mahal mo,” pahayag niya na ikinagulat ko. Hindi ko alam kung bakit nasabi ni Gabby na mahal ko siya dahil kung may minamahal man ako sa kanilang pito’y walang iba kung ‘di si Hugo. Ngunit paano ko ipagtatapat sa kanya ang aking nararamdaman kung nakatakda na pala siyang ikasal. Sa kanilang pito kay Hugo lihim na tumibok ang aking puso. Hindi pa man nagsisimula ang aming relasyon ay may hadlang na ito. Siguro nga ay walang lalaking nakatakda sa katulad ko na isang bayarang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD