bc

The Innocent's Revenge

book_age18+
267
FOLLOW
1.0K
READ
revenge
dark
contract marriage
drama
sweet
bxg
virgin
punishment
seductive
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

#Yugto Writing # Girl Power

Si Celine Lopez, isang ulilang lubos at lumaki sa isang isla na malayo sa kabihasnan ay lumaking ignorante dahil hindi nakapag-aral. Sa pagkamatay ng kanyang lola at pagkakasakit ng kanyang lolo siya ay ipambabayad utang sa pamilya Legaspi upang maging asawa ni Benjo Legaspi.

Siya'y papahiharapan ni Benjo hanggang pati kanyang dangal ay sisirain sa harap ng maraming tao.

Si Celine ay lalayo at makikilala niya si Gavin Aldana ang lalaking tutulong sa kanya na maghiganti sa pamilya Legaspi.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
CELINE'S POV “Maniwala ka sa akin, Benjo, wala akong ginagawang masama. Hindi kita niloloko, Benjo,” paghingi ko nang paumanhin kay Benjo.  Nagtagis ang mga panga ni Benjo at galit siyang tumingin sa lalaking nagpakilala sa aking katrabaho ni Benjo at nagtangkang halayin ako. Muling tumingin sa akin si Benjo at hinaklit ang aking mga braso. “Celine, anong akala mo sa akin? Tanga?!” bulyaw sa akin ni Benjo.  Umiling ako kasabay nang pagpatak ng aking mga luha. “Benjo, bakit ba ayaw mong maniwala sa akin na tinangka niya akong gahasain?” tanong ko kay Benjo. Nagdilim ang mga mata ni Benjo at binigyan niya ako nang isang malakas na sampal.  “Celine, huwag ka nang tumanggi na niloloko mo ako at iniiputan mo ako sa ulo. At ang kapal ng mukha mo na dito pa mismo sa pamamahay ko kayo naglalandian ng lalaki mo!” galit na pahayag ni Benjo. Niyakap ko ang aking asawa. ‘‘Benjo, hindi totoo ang iniisip mo. Hindi ko siya lalaki,” muling pakiusap ko kay Benjo na naging bingi na sa sinasabi ko.  Ngumisi si Benjo at muling nagsalita. “Celine, kahit anong sabihin mo pa sa akin. Hindi na magbabago ang pagtingin ko sa ‘yo! Dahil isa kang maruming babae!” bulyaw sa akin ni Benjo at kinaladkad niya ako palabas ng mansion. Maya-maya’y dumating ang mga magulang ni Benjo. “Anak, bakit mo pinalalayas ang asawa mo?” tanong ng ama ni Benjo na may kasamang pagtataka.  Hinarap ni Benjo ang kanyang mga magulang at diretsong sinagot ang tanong ng kanyang ama. “Gusto n’yong malaman? Kung bakit ko siya pinapalayas? Dahil isa siyang malandi at masamang babae! Pinependeho ako ng babaeng ‘yan!” Sabay turo ni Benjo sa akin.  Napailing ang mga magulang ni Benjo at hindi makapaniwala sa sinabi ni Benjo at mas lalo silang nagalit nang hilahin palabas ni Benjo ang isang lalaki na nagngangalang Benedict de Chavez, ang lalaking sumira sa pangalan ko at dangal. Nang dahil sa pagtatangka sa akin ni Benedict ay tuluyan na akong itinaboy ni Benjo Legaspi, ang lalaking una kong minahal at pinag-alayan ng aking sarili. Ilang araw matapos akong itaboy ng pamilya Legaspi ay nabalitaan ko na may relasyon na sina Nicole dela Vega at ang asawa kong si Benjo. Nagulat ako nang ipahayag nila sa tao ang nalalapit nilang kasal. Hindi ko sukat akalain na ang kasal namin ni Benjo ay walang bisa at hindi totoo. Niloko lang ako ng pamilya Legaspi at nabulag naman ako sa aking nararamdaman para kay Benjo na umaasang mamahalin din niya ako. ‘Isinusumpa ko! Babalik ako at dudurugin ko ang mga taong sumira sa buhay ko!’ sumpang binitiwan ko bago ko lisanin ang Isla Funtaverde.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.8K
bc

His Obsession

read
74.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook