Nakatitig si Marcos kay Savanna. Na para bang silang dalawa lang ang nasa loob ng opisna. Hindi siya makapaniwalang pirmahan na nito ang kanilang annulment. Naramdaman ni Marcos na uminit ang gilid ng kaniyang mga mata, na para bang tumulo ang kaniyang mga luha. Pumasok sa isip niya na baka hindi na magpapakita pa sina Savanna at Enzo sa kaniya. "Bakit, Marcos? Meron bang problema? Nasaan na ang annulment para pirmahan na ni Savanna." tanong ni Vanessa. Pero tumalikod si Marcos na parang walang naririnig. Nagtataka si Vanessa at nakatingin siya kay Savanna na kasalukuyang tumulo na rin ang mga luha. Lumabas si Marcos, dahil naramadaman nitong bumagsak na ang kaniyang mga luha. "Bakit ka umiyak Savanna? Masakit bang ipamukha sa iyo ni Marcos na hindi ka niya mahal? Na wala silang pakia

