MAHABA ang naging araw niya sa opisina. maraming tinapos na files si Savanna. Maganda na ang takbo ng kanilang kompanya at mas dumadami na rin ang pumapasok na pera sa kanila. Matapos ang mahabang trabaho ay dumiretso siya sa grocery store para mamili ng mga kakailanganin nila. Nang makauwi ay agad na tumungo si Savanna sa kusina, Tinulungan siya ni Manang na dalhin ang mga iyon sa kusina. Nagulat si Savanna nang lumapit sa kaniya si Eduardo na may hawak na malamig na tubig, para sa kaniya. “Salamat, daddy. I’m sorry kung medyo pasaway na ako sa 'yo." "Anak, naintindihan kita, huwag kang mag-alala. Saka ang gusto ko ngayon ay iwasan mo na lang si Vanessa, baka kasi meron siyang gawing hindi maganda sa atin." "Huwag kang mag-alala dad, alam ko kung ano ang ginagawa ko. Sinasakyan k

