Nagtataka si Savanna kung bakit tumawag sa kaniya si Marcela. Nakiusap itong puntahan siya ni Savanna sa mansion dahil meron daw itong importanteng i-discuss. Nagmamadali siyang pumunta dahil gusto na rin niyang malaman kung ano ang mahalagang sasabihin nito sa kaniya. Pagdating niya sa mansion ay pumasok na siya agad, naabutan nito si Marcela na nakaupo sa sofa habang umiinom ng kape. Nang makita siya nito ay tumayo ito agad at humalik sa kaniyang pisngi. At ganoon na rin siya. Naramdaman niyang totoong pagmamahal ang binibigay ni Marcela sa kaniya, dahil sa mainit nitong approach sa kaniya. "Tita, magandang hapon po. Kumusta na po kayo? Ang pakiramdam niyo okay na po ba?" "Savanna, hindi ako okay, pinatawag kita dahil gusto kong malaman mong hindi kami sang-ayon sa kagustuhan ni M

