"Marcos, hindi ba niya pinirmahan ang annulment ninyo? Paano matuloy ang kasal natin kung magmamatigas si Savanna? Anong plano mo?" galit nitong tanong. "Vanessa, ikaw ang gusto niyang lumapit sa kaniya. Ayaw niyang pirmahan, pakiramdam ko nga ay natutuwa siyang magmumukha akong tanga sa harapan niya." "Marcos, namimihasa na ang babaeng iyan. Baka gusto niyang magkabalikan pa kayo kaya ayaw niyang pirmahan ang annulment ninyo." "Vanessa, hindi ko siya tinatanong kung mahal pa niya ako. Kung gusto mong malaman bakit hindi mo itanong iyan sa kaniya?" "Marcos, okay ka lang ba? Bakit ko naman itanong iyan sa kaniya alam mo namang diretso magsasalita ang babaeng iyon, baka sabihin pa niya sa aking mahal ka pa niya. Baka sabunutan ko pa siya." "Vanessa, asal kalye ka na nga! Alam mo ba k

