May araw ka rin sa akin Savanna! Magbabayad ka sa pagpapahiya mo sa akin!" galit na sigaw ni Vanessa. Nang nasa kotse na siya ay nag-isip siya ng paraan kung paano makaganti kay Savanna. Saka niya nalamang hinding-hindi magpapatalo si Savanna. Ngayon ay siya pa ang lumabas na kontrabida at kabit ni Marcos. Habang pauwi na siya ay tumawag si Mateo sa kaniya, na meron siyang scandal sa social media. Meron palang kumuhang video sa away nila ni Savanna kanina sa hotel. At meron netizen na nag-upload. Nagmamadali si Vanessa at mas pinaharurot pa nito ang sasakyan. "Hayop ka Savanna, pati ang reputation ko ay kinaladkad mo sa kahihiyan!" galit na sigaw ni Vanessa. Samantalang Pagdating ni Savanna sa mansion ay sinalubong agad siya ni Eduardo, galit na galit itong pinakita kay Savanna ang

