Chapter 35 “Masaya ka ba, Honey?” masuyong tanong ni Dean kay Alfha. Nasa isang pribadong beach resort sila ngayon para sa gagawing binyag at birthday party na rin ng anak na si Dana. “Of course, Honey!” this is the best day ever, dahil magiging ganap na kristiyano na ang ating nag-iisang prinsesa at isang taon na rin siya ngayon,” nangingislap ang mga matang tugon niya. “Gusto ko sanang magkaroon na ng isa pang prinsipe sa bahay natin,” pilyo nitong sabi. Biglang nakurot ito ni Alfha sa tagiliran. “Ano ka ba! Masyado pang baby si Dana para sundan kaagad,” pinipigilan ang kilig niyang sabi. Kahit matagal nang maayos ang pagsasama nila ni Dean ay kinikilig pa rin si Alfha sa mga biro nito. “Mas maganda nga iyon, para sabay sila nating matutukan sa paglaki. Ayaw kong matulad sila sa aki
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


