Chapter 34 MARAHANG paghaplos sa pisngi ang nagpagising kay Alfha. Ang buong akala niya ay nananaginip pa rin siya sa nangyari kagabi sa kanila ni Dean. Ngunit ang nakangiting mukha nito ang bumungad sa kanya. Matapos ang kanilang sweet moments ay humantong sila sa walang sawang pagniniig. Madaling araw na silang nakatulog kaya't bumibigat pa ang kanyang mga talukap. "Good morning," bati ni Dean sa kanya sabay halik sa kanyang labi. "Morning. Anong oras na?" "Oras na para kumain. Aalis tayo ngayon," ani Dean. "Bakit?" takang tanong niya. "Di ba, hindi tayo natuloy sa isang pupuntahan natin noon dahil may biglaang meeting ako? So ngayon itutuloy na natin ang pagpunta roon." Natawa siya sa sinabi nito. "Paano na ang shop?" "Don't worry! Ibinilin ko muna kay Rex," nakangiting sabi n

