Chapter 15 Matapos ang mainit na sagutan nila ni Dean ay dumiretso si Zara sa isang snack bar, kung saan malapit lang sa kanyang Salon. Gusto niya sanang maglasing ngunit pangit naman kung siya lang mag-isa. Magmumukha lamang siyang kawawa. Ayaw niya namang yayain ang mga kaibigan, dahil siguradong talak ang aabutin niya sa mga ito. Mas gusto niyang mag-isa na lang muna at hindi uminom. "Alone?" tinig na nagpalingon kay Zara. Taas kilay na tinitigan ito mula ulo hanggang paa. Inirapan at muling ibinaling ang paningin sa glass wall nang kinakainang restaurant. Sinimsim ang juice habang hinahalo ng hawak na straw. "It doesn't taste yummy at all pag tunaw na ang yelo. Matabang na. Let it be. Unti-unti aayon sa timpla ito. Huwag mong piliting humalo," makahulugang sabi ng lalaking walang

