Chapter 12 Balik sa dating gawi si Alfha. Kusinera, labandera at taga-linis ang palagi niyang routine sa pang araw-araw, at dahil hindi na kayang e manage ni Dean ang shop nito ay napilitan siyang pumalit dito. Siya na ngayon ang nagpapatakbo ng negosyo nito. Kaya naman madaling araw pa lang ay tapos niya na lahat ng gawain. Kailangan before eight ay tapos na niya lahat-lahat, pati ang pag-aalaga kay Dean. Papaliguan niya ito at bibihisan. "s**t!" narinig ni Alfha na sambit ni Dean. Sinulyapan niya ito pinipilit pala nitong abutin ang isang folder na may lamang mga pipirmahan nito. "Let me!" agad niyang sabi rito at inabot ang folder. Padabog nitong kinuha sa mga kamay niya ang folder at binusisi. "Hindi mall ang papasukan mo kaya magsuot ka ng pormal na damit," salubong ang kilay na

