Chapter 11 "Misis Fidistrano, we have to talk, about the situation of your husband," agad na bungad sa kanya ng doktora. Kilalang-kilala na siya nito, dahil ito rin ang nagpaanak sa kanya. "Bakit po Dok? Masama ba ang lagay ni Dean?" "In my office, Alfha. 'Wag dito sa labas." "First of all, gusto kong sabihin sa'yo na it's time to comeback sa buhay ni Mister Fidistrano. I think he really needs you right now. Specially sa lagay niya ngayon," panimula sa kanya ni Doktora Janina. Hindi makuha ni Alfha ang gustong ipahiwatig nito sa kanya. "Dok, diretsuhin niyo na po," aniya. Huminga muna ito, bago siya tiningnan ng diretso. "Baldado na ngayon ang asawa mo, Alfha, at hindi pa namin masabi kung hanggang kailan siya makakalakad muli." Napanganga si Alfha sa sinabi ng Doktora. Hindi niya

