"Oh my gosh! Ikaw ba 'yan, my dear sister?" Exaggerated na tanong ni Ate Eda nang makita ko siya kasama sila Mama sa living room. She's so sexy with her low neckline silver gown na kita na ang umbok ng kaniyang mga bundok. I smiled and rushed to her side, "Don't look at me like that, I'm starting to lose my confidence." Hinawakan niya ang kamay ko at pina-ikot ako na parang prinsesa. She looked so proud of me and I'm happy to see it on her eyes. "Grabe, parang dati hanggang rompers ka lang! You've really grown up, princess!" I gave her a sweet smile, "Mana lang sa'yo, we're both pretty. Nasaan na pala si Astro? Hindi mo ba siya isasama?" Umiling siya, "My friend, Lovi, is babysitting him. Masiyadong maingay sa party tsaka baka mapasubo ako ng inom, walang magbabantay sakanya."

