CHAPTER 8

1880 Words
"Manang, dumating na ba si Esra?" Kasalukuyan akong lumalamon ng isang galong icecream sa kusina nang marinig ko si Mama na dumating at tinanong kung nakauwi na ba ako. "Yes po, Ma'am. Nasa kusina po siya," sagot naman nito. Nagtatakang nilapag ko ang kutsara ko at binalik na sa ref ang gallon ng icecream. Saktong pagsara ko nito ay bumungad sa akin si Mama na mukhang pagod na pagod galing sa trabaho. Hindi niya kasama umuwi si Papa, nakakapanibago. Kahit kase palagi silang nag-aaway ay hindi rin naman sila mapaghiwalay. "Esra, may susuotin ka na ba sa birthday ng isa sa mga Morocco?" She's talking about Thadron. Tumango ako, "Meron na po." Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. Nakahanda na ang mga gagamitin ko para bukas, ako pa ba ang mahuhuli? Problema ko nalang ang ibibigay kong regalo, sana ngayong birthday niya ay mai-abot ko na sakanya ito ng personal. "Alright, that's good. Sabihan mo ako kung magbago ang isip mo sa susuotin para mabilhan kita. I know your style but incase you want a help choosing your dress, just tell me." Napangiti ako doon kahit papaano. Um-oo nalang ako sakanya kaya umakyat na rin siya sa kanilang kwarto. She looks so worn out. Feeling ko malaki ang problema ngayon ng kumpanya, kahit hindi naman nila sabihin sa akin ay marunong naman akong makiramdam. Halos hindi rin mapirmi sila ate dito dahil ngayon lang siya ulit nakauwi ng Pinas kaya panay ang yaya sakanya ng mga kaibigan niya rito na lumabas. Sinasamahan naman siya ng asawa niya dahil ayaw nitong pumunta siya ng mag-isa. Naiiwan lang dito sa bahay si Astro. Baka nasa taas na at tulog na rin kaya hindi na ako nag-abala pang guluhin. Imbis na pumunta sa kwarto ko para magpahinga na dahil maaga akong mag-aayos bukas ay napagpasyahan kong magliwaliw nalang muna. Sumakay ako sa mustang ko at nagmaneho palabas ng subdibisyon. Wala pa akong alam na eksaktong pupuntahan pero gusto kong mag stroll. Nakasuot lang ako ng itim na hoodie at maikling denim short. Nakaagaw ng pansin ko habang nagmamaneho ako ang isang parke kung saan madaming mga ilaw na naka-display. Malapit na pala ang christmas, kaya siguro meron ng mga ganito. Itinabi ko muna ang sasakyan ko sa gilid at napagpasyahang tumambay muna ro'n. Medyo malamig din ngayon kaya saktong sakto ang suot ko. Walang katao tao rito at tanging ako lang ang nagtangkang pumasok sa harang na nakapagitan sa entrance ng parke at sa mga swing at benches sa loob. I was mesmerized by the lights so I decided to take a look. Na-amazed ako sa mga designs at hindi ko na napigilang hawakan ang mga iyon. Umupo rin ako sa swing na nakita ko at napangiti. I like the ambiance here, it's so damn peaceful. I tried to swing myself but I suddenly stop when I saw a huge figure walking towards me now. Hindi ko pa siya gaanong makita dahil madilim sa parteng iyon pero sigurado akong papunta siya sa pwesto ko. Siningkitan ko ang mata ko para tignan siyang mabuti pero nang matapat siya sa liwanag ay napamulagat nalang ako. Pati ba naman dito, magkikita pa kami? Kotang kota na ako! Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko hanggang sa leeg nang malalim ang matang nakatitig siya sa akin habang nakapamulsang naglalakad papunta sa katabi kong swing. He's wearing a black cardigan, a black t-shirt and a tattered black pants. Ibang iba sa nakasanayan kong makita sakaniyang suot. He looks like a gangster or something. With his serious face, paniguradong gano'n din ang magiging impression ng iba sakanya. Walang salitang umupo siya sa tabi ko at tinukod ang dalawang braso sa tuhod. "Staring is rude, Silvadra." Doon ako nag-iwas ng tingin at tumikhim. "P-Pumupunta ka pala rito?" Pag-iwas ko sa kahihiyan. "This is my favorite spot, ako ang nagpalagay ng mga ilaw dito," pagsiwalat niya. Dahil doon ay mas nadagdagan ang paghanga ko sakanya. Money can really buy happiness. "It's beautiful, I like it here. Ang tahimik," mahina ngunit buo ang boses kong sinabi. I saw his lips rose a bit. "That's good to know. My mother used to visit here, she likes bringing me to this park. That's why I bought this whole lot under my mother's name." I don't know what to say. He's full of surprises. I didn't know that he owned this one too. May iba pa ba siyang hindi pagmamay-ari? Baka magulat ako, sakanya na pala half of this country. "Gustong gusto niyang palagyan ng ilaw ang mga puno rito noon pa. But she failed to do so, namatay na siya bago pa man niya matupad ang matagal na niyang gusto," aniya sa malungkot na tono. Hindi ko mahanap kung anong pwedeng salita ang bibigkasin ko ngayon. This is my first time to see him with this emotion. Grabe ang lungkot ng mga mata niya. Nakatitig lang siya sa harap habang nagsasalita. Hindi ko inakala na magku-kuwento siya sa akin nang ganito. Kahit noon ay pangarap ko lang na mapansin niya, pero ito... Sobra sobra. Gusto ko siyang yakapin. "Today is their death anniversary, I'm always here. This reminds me of my beautiful mom, you didn't see the sign, do you?" Nagpalinga-linga ako para tignan kung anong sign ang tinutukoy niya. I saw a cardboard hindi kalayuan sa inuupuan namin. Nakatalikod ito kaya hindi ko alam kung anong nakasulat. "It says, private property." I gasped when he said that. "I-I'm sorry, hindi ko kase nakita–" "Next time, don't just go inside private properties. This will be the last time that I will allow you enter this park." Ramdam ko ang awtoridad sa boses niya. Ang bilis niyang magbago ng mood. Hindi naman na bago sa akin 'yun dahil kilala ko na ang ugali niya. Tumayo siya at nilahad ang kamay sa akin. Nagtatakang tinignan ko iyon at nagdadalawang isip kung tama ba ang nasa utak ko or ano. "Come on, I'll get you out of here. This is my mom's special place, only I can spend a night here. Where's your car?" Dire-diretsong bigkas niya. Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa sinabi niya. It's like he's saying that I am not welcome here because he owned this one. Hindi naman ako papasok kung alam kong private, hindi ko lang talaga nakita ang sign. Inabot ko nalang ang kamay niya kahit biglang sumama ang loob ko. Nakasimangot lang ako habang hinihila niya ako palabas doon. He's really tall and masculine. Hindi ko na rin pinansin ang pagsiklop ng kamay namin, basta ang alam ko nakaka-offend 'yung sinabi niya. He can say those words in a nice way though! He's so rude, geez. "Go home, you're not supposed to wander at night, kiddo." "Hey! I'm not a kid anymore!" Reklamo ko sakanya. Bumaba siya nang kaunti para pantayan ang mukha ko. Ang mga mata niyang nakakatakot ay para akong lalapain anytime. Para siyang robot kung minsan. "You're still a kid, now get in, Esra." Dahil doon ay wala na akong nagawa kung 'di sumunod nalang sa sinabi niya. Nakita ko siya sa side mirror ng sasakyan ko habang paalis ako ng parking lot. Hinahatid ako ng mata niya. Akala ko pa naman gaganda ang mood ko dahil lumabas ako ngayon. Mas sasama lang pala. Hay nako, Thadron! Kung boyfriend lang sana kita, papayag akong maging under mo forever! Kaso hindi mo naman ako gusto, edi sana man lang pakitaan niya ako ng magandang attitude. Hindi ko mapigilang pumadyak padyak sa inis habang naglalakad papasok ng bahay. Naabutan ko pa sila Kuya Ozhan na palabas ng kusina pero hindi ko nalang pinansin. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagtalukbong na ng kumot. Umaga pa lang ay naghahanda na ang mga magulang ko para sa party mamayang gabi sa mansyon ng mga Morocco. Ngayon ko lang sila nakitang naghahanda ng ganito kaaga para mamaya tsaka bakit ata parang excited sila? Makikita mo kase sa mukha nila na nasa good mood sila ngayon, nakakapagtaka. Umupo nalang ako sa lamesa at nagsimulang mag-almusal nang hindi sila pinapansin. Siguro, bati lang talaga silang dalawa ngayon kaya gano'n nalang kung makangiti. It's sunday, saktong walang pasok kaya naman ang kailangan ko nalang gawin ay maghintay hanggang sa mag gabi. I've already decided not to buy a gift for his birthday, maiba naman ngayon. Tsaka malabong kunin niya rin 'yun, lalo na't masama pa ang trato niya sa akin tsaka hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari kagabi. I hate him! Just for last night. Sumapit ang hapon at may dumating na mga make up artist dito sa bahay. Nagulat pa ako sa dami nila kaya kinalabit ko si Mama. "Anong meron, Ma? Hindi naman gano'n kadami ang nag-aayos sa atin every year, bakit isang batalyon ata kinuha mo?" Sinenyasan niya akong tumahimik. "Just because today is a very special day for all of us." My forehead creased, "What does it mean? Birthday ni Thadron ang pupuntahan–" "Esra, just keep quiet. Umakyat ka na sa room ko at maligo, ako na unang magpapa-ayos. Sige na, iha." Hindi nalang ako kumibo pa at sumunod nalang. Inilabas ko na rin mula sa walk-in closet ko ang susuotin ko para mamaya. Isa itong nude silk gown na hapit sa katawan at may slit sa kaliwang legs na abot hanggang upper knees, hindi naman siya gano'n kataas kaya hindi ako worried na baka makitaan ako sa suot ko. May mga diamonds na iba't iba ang disenyo na nakapalibot sa gown. Isa ito sa nakakuha ng atensyon ko noong nagbakasyon ako sa France. Binili ko agad ito kahit sobrang mahal at wala pa naman akong paggagamitan noon. Good thing, hindi naman ako tumaba. Kasyang kasya pa nga sa akin kahit halos dalawang taon na rin itong naka-imbak. Ang totoo niyan ay hindi talaga ako nagsusuot ng gown kapag dadalo kami sa kaarawan ng kahit sinong Morocco. Ngayon ay naisip kong magsuot na ng ganito dahil gusto kong magmukhang dalaga na talaga, I'm turning 20 so why not, right? Natapos akong naligo, nagpatuyo ng buhok at ngayon ay nakasuot lang ako ng puting bathrobe papunta sa isang guest room namin dahil nandoon daw ang mga magme-make up sa akin. I told them to put a light make-up because I'm not really fond of cosmetics. I am naturally beautiful and I feel so ugly with heavy make ups on. Mabuti nalang at magagaling sila, kahit ang tamang pagsusuot ko ng gown ay itinuro nila. Kinulot lang din nila ang buhok ko at sakto namang may curtain bangs ako kaya ginawan nila iyon ng disenyo. Binagay nila mismo sa suot at sa itsura ko. I looked so fierce with my outfit but when you look at my face, I looked like a child. "You're so perfect, para kang anghel, Ms. Esra!" Puri sa akin ng babaeng nag-aayos ng buhok ko. "Salamat," nahihiya kong sagot. Halos titigan lang ako ng mga kasama niya sa kadahilanang nagagandahan daw sila sa akin. Na-appreciate ko naman sila at talagang natuwa ako dahil bihira lang naman may pumuri sa akin. Inalalayan nila ako palabas ng guest room hanggang sa pagbaba ng hagdan. Nakasuot rin kase ako ng 5 inches pointed heels na kulay silver kaya mas mabuti nang may umalalay sa akin. Baka magpagulong-gulong pa ako rito sa hagdan kung sakali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD