SIGAWAN at pagkabasag ng kung anong mga gamit ang siyang bumungad sa akin pagkababa ko palang ng sasakyan.
Kakauwi ko lang galing sa university nang marinig ang boses ng mga magulang ko sa loob. Mukhang nag-aaway nanaman sila.
Napahugot nalang ako ng malalim na buntonghininga bago inabot sa nakaabang na kasambahay ang mga gamit ko.
"Kanina pa po sila nag-aaway?" Tanong ko rito.
"Ngayon lang po, Ms. Esra, nandito rin po ang ate niyo, kararating lang."
Napatango-tango ako,"I see. Paki-akyat nalang po ang mga gamit ko sa kwarto ko, I'll go check them," nakangiti kong utos sakanya.
Binigyan din naman ako nito ng isang tipid na ngiti at umakyat na papunta sa kwarto ko. Sanay na ako sa nadadatnan kong ganito, lagi naman silang ganiyan. Hindi ko alam kung anong problema nila at panay nalang ang kanilang bardagulan.
Halos wala nang katahimikan dito sa bahay. Lagi namang tikom ang bibig ni Mama kapag tinatanong ko kung anong problema nila ni Papa.
Nasanay nalang din ako sakanila. Wala naman akong magagawa para tumigil sila, siguro ang ate meron. Baka magbago na sila dahil umuwi na ang ate galing Turkey. Doon kase ito nagt-trabaho sa branch namin doon. May wine business kase kami, siya ang napili nila Mama na mamahala doon.
Doon na rin ito nagka-pamilya.
Dumiretso ako sa kusina kung saan ko naririnig ang mga sigawan at nakita ang ilang basag na baso at pinggan sa sahig. Nagduduruan pa silang dalawa nang pumasok ako ro'n.
"Ma? Pa? Why are you fighting again?"
"Huwag kang makialam dito, Esra. Go to your room!" utos sa akin ni Papa.
"Don't talk to my daughter like that, Marvin! I've had enough, you're always acting like this!" Tanggol sa akin ni Mama.
Sumikip ang dibdib ko sa pagsigaw sa akin ni papa pero hindi ko nalang pinansin. Yumuko ako para damputin ang mga bubog at hinayaan nalang silang magtalo.
"A-Aw," angil ko nang mapadiin ang dampot ko sa isang bubog.
Agad na namula ang palad ko hanggang sa nagdugo na. Nakita ko ang malalim na sugat sa kamay ko kaya dali dali ko itong sinahod sa tapat ng gripo.
"What's happening here?"
Napalingon ako sa pintuan ng kusina nang marinig ang boses ni Ate Eda. Napahinto sila Mama at Papa sa pagbubulyawan nang makita ang seryosong mukha ni Ate.
"Eda, gising ka na pala, iha. Where's my grandson–"
"I am asking you, what is happening here? Bakit kayo nagsisigawan?"
"I-Iha, may kaunting misunderstanding lang kami ng papa mo. Don't mind us, okay?" Mahinong sambit ni Mama.
I mentally laughed. Ang bait talaga nilang dalawa kapag nandiyan siya. Takot sila sakanya, amazona kase 'to hindi gaya ko na hinahayaan lang sila.
Dalawa lang kaming magkapatid. My sister is 26 years old, ako naman ay 19, turning 20 sa January. Sa aming magkapatid, obvious naman na kung sino ang paborito, ano?
My parents changed the norm, instead na bunso ang paborito, panganay na. I don't mind though.
"We will talk later, kung gusto niyo pang mag-away, please do it on your room. Nandito ang asawa ko, huwag niyo naman akong ipahiya," masungit ni wika nito sakanila.
Hindi ko nalang sila nilingon at mas pinagtuunan ng pansin ang paghuhugas sa kamay kong nabubog.
"I'm sorry, iha. Okay we will talk later at dinner, magpapahinga na muna kami," sambit naman ni Papa.
Nang wala na sila sa kusina ay tinawag naman ni Ate ang mga kasamabahay para linisin ang kanilang kalat.
"Esra? What are you doing there? Hindi mo man lang ba ako babatiin?"
Agad ko siyang nilingon at nginitian.
"Welcome back, sis. Are you gonna stay here for good?"
Lumapit siya sa akin at agad na dumako ang mga mata sa kamay kong panay pa rin ang tulo ng dugo.
"Anong nangyare diyan?" Seryoso at galit ang mukhang tanong niya.
"Ah, nasugatan ako sa pagdampot ng mga bubog. Maliit lang naman–"
"Merva! Go get the first aid kit!" Sigaw niya sa isang kasambahay at hinawakan ang nasugat kong kamay.
Siya na mismo ang naghugas no'n sa ilalim ng gripo.
"Ate, maliit lang naman 'to," apila ko sakanya.
"Shut up. Maliit o malaki, I don't care. Come here, let me see your wound."
Hinila niya ako papunta sa counter at mabilis na kumuha ng malinis na towel.
"Lagi ba silang nag-aaway?" Nakataas ang kilay na tanong niya habang pinupunasan ang kamay ko.
"Nope," mahina ang boses na sagot ko dahil alam kong kasinungalingan ang sinabi ko.
"Uh-huh, you're not good at lying, Esra. Are you okay? Medyo pumayat ka."
I smiled. Sobrang bait nito sa akin. Ate Eda is always there for me whenever I need her. Kapag ako ang napagbubuntunan ng galit nila Papa, lagi niya akong pinagtatanggol. She's so sweet and very protective.
"I'm fine, Ate, anong oras kayo dumating? Where's my nephew?"
"Upstairs, tulog pa sila ng kuya mo. Probably tired because of the flight."
"Are you gonna stay here for good though?" I asked for the second time.
Umiling siya, "For two weeks, may problema lang sa branch natin dito, It affects our branch in Turkey, kailangang ayusin."
Bigla naman akong nakaramdam ng panghihinayang. Hindi nalang ako kumibo hanggang sa dumating ang kasambahay na may dalang first aid kit.
Nilinis ni ate ang sugat ko at nilagyan ng band-aid.
Nang matapos ay nahalata niya siguro ang pananahimik ko kaya hinila niya ako sa braso at niyakap.
"Don't be sad, Esra. You're old enough to travel, you can visit us in Turkey anytime."
I sighed. "I just missed you. Two weeks is too short, stay for a month, please?"
"I can't, my pretty sister. May trabaho kami doon at tsaka nag-aaral si Astro," paliwanag nito.
Tumango nalang ako at hindi na nagpumilit pa. I understand that she have her own life now, I just can't help but to miss her.
"Magpapalit muna ako, lalabas ako mamayang dinner. I still have some school papers to do."
"Alright, aral ng mabuti, Esra. Malapit na ang graduation niyo."
"Of course. Promise me, you'll attend, okay?"
Nag thumbs-up siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
"Syempre, palalagpasin ko ba 'yon. Go now, bumaba ka na lang mamaya kapag dinner na. Matutuwa si Astro kapag nakita ka niya."
Tumawa nalang ako at iniwan na siya sa kusina. Tumakbo ako paakyat ng hagdan at tinungo ang kwarto ko. Kailangan ko pang maligo dahil lagkit na lagkit na ako. Kasali kase ako sa varsity ng volleyball sa university, kaya naman pawis talaga akong umuwi kanina. Idagdag mo pa ang nakakastress na ganap na sumalubong sa akin.
Naligo lang ako ng kinse minutos at nagpalit ng ternong pajama bago pumunta sa study room ko. Malawak ang kwarto ko kaya naman nagpagawa na ako dito ng study room para mas makapag focus ako sa pag-aaral. Business Management ang course ko at running for suma cumlaude this upcoming graduation.
May ilang months pa.
Ang hassle na ng buong month ng December para sa akin. Lalo na't christmas pa.
Kasalukuyan akong nagbabasa ng mga latest topics namin nang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong nakikipag facetime ang kaibigan ko kaya naman agad ko itong sinagot.
"Hey, Esryyy! What's up? May ginagawa ka?" Agad na bati nito sa akin.
Nakadapa siya sa kama at nakasuot na rin ng ternong pajama.
She likes to call me Esry, ang panget pakinggan pero nevermind.
"Nagr-review ako, ikaw ba?"
"Ay, hindi uso sa akin 'yan," tatawa tawa nitong sagot. "Nandito ako ngayon sa condo ko, hindi ako umuwi sa mansyon. Nando'n kase step siblings ko, alam mo naman," pairap nitong utas.
I chuckled, "As usual, Pia. Huwag mo nalang pansinin."
"Yeah, can you come here? Gusto ko ng kausap, eh."
Napalabi ako.
"I can't, kakauwi lang nila Ate Eda. Magd-dinner kami, we'll catch up. Ikaw nalang pumunta rito, let's review together," aya ko nalang sakanya.
Kesa magsolo kaming dalawa sa condo niya, mas magandang dito nalang sa amin, para makita rin niya ang paborito niyang ate-atihan.
Agad namang lumiwanag ang mukha nito at dali daling tumayo mula sa kama.
"Hindi mo agad sinabi, magbibihis lang ako! Damn! I miss Ate Eda so muchhhh!" Tili pa nito bago nawala sa harap ng camera.
Hay, as expected. Close na close sila ng kapatid ko, ewan ko ba kung bakit magka vibes ang dalawang 'yon, samantalang magkaibang magkaiba sila ng ugali.
Pinatay ko nalang ang tawag at nagpatuloy sa pagr-review. Mamaya pa naman siguro 'yon dadating. I still have some time.
"Ms. Esra, pinapatawag na po kayo sa baba," rinig kong tawag sa akin ng isang kasambahay.
"Coming!"
Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko at nag-inat muna ng katawan bago tinahak ang daan pababa.
Naabutan ko sa dining room sila Mama, Papa, asawa ni ate at si Astro. Mabilis akong tumakbo sa upuan nito at agad itong niyakap.
"My baby is here! Namiss kitaaaa!"
"Tata!" Tili naman nito at niyakap ako pabalik.
Astro is 5 years old, sobrang sweet at napakabait nitong batang 'to. Pinaka paborito ko sa lahat ng bata, syempre dahil nag-iisa ko ring pamangkin, spoiled sa akin ang isang ito.
Pinugpog ko ito ng halik sa mukha kaya naman tatawa tawa itong umilag at bumalik sa upuan. Sunod ko namang pinuntahan ang upuan ng asawa ni ate na si Kuya Ozhan at niyakap sa likod niya.
"Nice to see you again, Kuya!"
Natawa naman ito bago tumayo at niyakap din ako.
"Selam, Esra! Nice to see you again too, you still look gorgeous," puri nito sa akin.
Selam is a Turkish word. Born and raised kase si Kuya sa Turkey kaya gano'n.
"Where's my sister?"
"She's outside, dumating ata ang kaibigan mo, iha."
Agad namang nagsink-in sa akin ang sinabi ni Mama. Oo nga pala, pinapunta ko pala rito si Pia.
Lalabas na sana ako ng dining room nang makita silang magka-angklang pumasok.