"It's a good thing na magkaklase pa rin kayo ni Esra hanggang ngayon, wala naman kayong problema sa pag-aaral?" Tanong ni ate kay Pia.
Kasalukuyan kaming kumakain ng dessert nang magtanong na si ate. Nauna nang umakyat sila Mama nang matapos kaming kumain, hindi sila masiyadong nagd-dessert dahil matanda na sila at may diabetes si Mama.
"Wala naman, Ate Ed. Naging mas masipag lang si Esra these past few days, mukhang may inspirasyon–"
Agad kong sinipa sa ilalim ng lamesa ang paa ni Pia na siyang nakapagpatigil sakanya sa pagsasalita. Pasimple ko siyang pinanlakihan ng mata.
Damn it, Pia. Mabubuking pa ata ako.
"Inspirasyon?"
"Oh, don't mind her, Ate. Alam mo namang wala akong hilig sa lalake," agad kong kontra.
Nakita ko ang pagsupil ni Pia ng isang ngiti at nag-iwas ng tingin sa akin.
"Really? Are you hiding something, Esra?" Usisa niya na mukhang hindi kumbinsido sa sinabi ko.
Magaling pa naman ito sa mga ganitong bagay.
Umiling ako, "No, I'm telling the truth!"
"Are you sure–"
"Eda, your sister is big enough to like someone. Don't push her, okay? Spare her," pigil sakanya ni Kuya Ozhan.
Napahugot naman ng malalim na buntonghininga si Ate bago ako malumanay na tinignan.
"You know how much I love you, Esra. If you already have someone, ipakilala mo sa amin ng kuya mo. I can't afford to see you brokenhearted. Makakapatay talaga ako kapag sinaktan nila ang prinsesa ko," madrama nitong bilin sa akin.
"Yes, you're too precious for us, Esra. Don't make your sister worry, you know her," segunda naman ni Kuya.
Napalabi nalang ako dahil sa sobrang sweet nilang dalawa. I'm so lucky to have them. Kung anong kinawalang pakialam sa akin nila Papa, kabaligtaran naman nila Ate.
"Of course, kayo pa unang makakaalam. Wala pa naman akong boyfriend. Tsaka na siguro, you know how busy I am."
"Alright, just so you know, I'm not prohibiting you to like someone. If it makes you happy, then go. I want all the best for my only sister."
"Thank you, big sis!"
Nang matapos ang madrama naming pag-uusap ay nagpaalam na silang aakyat na sakanilang kwarto. Tumango lang naman kaming dalawa ni Pia. Napagpasyahan naming kumain ulit ng icecream sa living room habang nanonood ng Netflix. Mahilig kaming mag movie marathon kapag nags-sleep over ako sa condo niya, gano'n din siya rito.
"Muntik ko nang masabi ang pagka obsessed mo kay Mr. Moroco, kinabahan ka 'no?"
Napairap nalang ako sa sinabi niya at sumalampak na sa sofa habang nakatutok ang mata sa malaking TV.
"I'm not obsessed, okay? Pwede naman ang word na 'humahanga' hindi ba? You're exaggerating, Pi."
"I'm not. Kung hindi obsessed ang tawag mo sa pag kolekta ng pictures niya, sa pagpunta sa parking lot ng kumpanya nila para lang makita siya at sa pag stalk sa mga social media niya, anong tawag mo do'n?"
"Oh, shut up, Pia. I was 17 when I did that, ngayon ay paghanga nalang talaga, okay? He's a freaking business tycoon, sinong hindi hahanga sa kanya na sa murang edad ay naging successful na sa business 'di ba? Tapos wala na rin siyang magulang pero nagawa niyang palaguin ang kumpanya nila, he's so smart that's why I like him."
"That is literally obsession, don't deny it. Suportado naman kita diyan. Ang pogi kaya no'n, bagay na bagay maging sugar daddy–"
"Please, Pia! He's still young!"
"What if maging kayo? He's 27 and you're 19, edi sugar daddy nga, duh!"
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang sabihin niya 'yon, damn it! Naramdaman ko agad ang pamumula ng pisngi ko dahil sa kilig.
"Hoy, what if lang naman, ano! Huwag kang ngumiti riyan, para kang baliw! Malabong mangyari 'yon dahil malayo kayo ng agwat ng edad," putol nito sa kasiyahan ko.
Naiinis na hinampas ko ito sa braso dahil sa sinabi niya. Napabulanghit naman ito ng tawa nang makita akong sumimangot.
"Basag trip ka talaga, umuwi ka na nga!"
Tawa lang ito ng tawa. "Asado ka, eh!"
Dahil sa inis ay kinuha ko ang unan sa tabi ko at hinampas siya sa mukha. Napahinto siya sa pagtawa at matalim akong tinignan. Kinuha niya agad ang unan sa gilid niya at sinimulan na rin akong hampasin.
Tumayo ako para lumayo sakanya ngunit hinabol niya rin ako kaya naman napilitan akong makipaghampasan na talaga sakanya.
Nauwi sa pillow fight ang movie marathon sana naming dalawa. Tawang tawa lang kami nang matapos at mapasalampak na sa sofa.
"Ang sakit mo manghampas, badtrip!" Angil nito sa akin.
Tinawanan ko lang siya bago dumapa sa sofa.
"That's what you get when you are blabbering too much."
Nagtawanan lang kaming dalawa sa ginawa namin at nagpatuloy na sa panonood. Nang matapos ay umakyat na kami sa kwarto ko at nagsimula na sa pagre-review.
"Let's go talk to him, Marvin! You know that we can't do that. Nangako ako kay Asli–"
"But we have no choice, Ada! Anong gagawin natin ngayon? If we keep on refusing, tayo lang ang maghihirap!"
Pababa na sana ako ng hagdan para kumuha ng gatas para sa amin ni Pia nang mapadaan ako sa tapat ng kwarto nila Mama. Mukhang nagtatalo nanaman sila, wala talaga silang pinipiling oras. Madaling araw na, jusko!
Hindi ko nalang sila pinansin at tumuloy na sa pagbaba.
"Ingat kayo sa pagpasok, okay? Esra, drive safely!" Bilin sa amin ni Ate nang paalis na kami ng bahay.
"I will," sagot ko sakanya.
Sumakay na kami ni Pia sa tsikot ko at nagsimula na akong paandarin ito. Maaga kaming papasok ngayon dahil may final defense kami sa stadium ng university. May mga special and VIP guests daw kaya ito kami ngayon at kinakabahan.
Nag email na sa akin ang mga prof ko at pinaghahanda ako. Mataas ang expectation nila sa akin dahil isa ako sa pinaka matalino sa campus. They want a perfect final defense which is not possible.
Gusto lang nilang ma-impress ang mga VIP kuno at mahikayat na maging sponsor ng university.
"I'm nervous, Esry! Grabe ang lakas ng t***k ng puso ko, sino kayang mga VIP? Wala silang in-announce sa page."
Nagkibit-balikat ako, "I have no idea, hindi ko rin nga alam na may mga gano'n mamaya. Kagabi lang naman sinabi, tara na sa room," yaya ko sakanya.
Madami dami na rin ang mga pumapasok. Karamihan dito ang mga scholar ng university, mga bookworm na diretso lagi sa library.
Napagpasyahan naming dalawa na ilagay muna ang ibang gamit sa room at magpalit na ng formal attire para ready na mamaya. Ang susuotin ko ay isang black slacks for women, white top covered with black suit for women and a white three inches pointed heels. Itatali ko rin lang ang buhok ko ng pababa at maglalagay ng clips sa gilid.
Si Pia ay halos parehas lang ng suot sa akin, ang pinagkaiba lang ay skirt ang terno ng suit niya.
"Bagay talaga sa'yo lahat, Esry, ikaw na!" Puri niya sa akin nang lumabas ako ng cubicle.
"Ikaw rin naman, ang sexy mo!"
Umikot ikot ito sa harap ko at pumosing, "Maliit na bagay," ani pa niya.
Natawa nalang ako sa taas ng confidence niya. Pumasok ulit kami sa room at naghintay nalang ng oras kung kelan magsisimula. Halos lahat ng kaklase namin ay nandito na at bihis na rin. Announcement nalang talaga ng dean sa speaker ang inaantay.
Bawat room at may kanya kanyang speaker kung saan maririnig mo ang bawat announcement mula sa dean's office. Kasalukuyan kaming nag-aabang nang marinig ang sigawan sa labas. Dali dali kaming nagsi-tayuan at nakita ang kumpol ng estudyante sa labas na nakatutok sa mga sasakyang papasok ng campus. Ang isa pa ay naka limousine at may kasama pang security na puro naka formal suit, sakay ng mga magagarang motor.
Ito na ba ang mga VIP? Grabe naman ang entrance, napaka bongga.
"I think it's them, Esry. Mas lalo tuloy akong kinabahan, mukhang presidente ng Pilipinas ang dumating!"
"Calm down, last defense na 'to. Huwag sana tayong pumalpak, come on! Bitbitin mo na mga gamit mo, paniguradong tatawagin na tayo," utos ko sakanya.
Agad naman siyang sumunod sa sinabi ko. Kita ko ring nagsi-ayos na ang iba at nag-unahan pa sa paglabas para saksihan ang mga paparating na VIPs.
"Gosh. Huwag sana akong mabulol mamaya, manonood pa naman sila Chio!" Bubulong bulong si Pia.
"Goodluck sa'yo," natatawang asar ko sakanya.
Inirapan lang niya ako at nagfocus na sa pag-aayos ng mga gamit.
Nang marinig ang boses ng dean sa speaker ay lumabas na rin kami agad at dumiretso na sa stadium.
Ang stadium kase namin ay may isang malaking kwarto kung saan salamin ang bawat dingding. Nasa itaas na part siya ng stadium. Pwedeng manood ang ibang block kaya naman talagang grabe ang nerbyos namin ngayon.
"Come on, guys! Behave yourself, okay? I don't wanna disappoint the VIPs, lagot tayo nito kay dean," paalala ng professor namin bago kami pinagbuksan ng pinto.
Hinawakan ako ni Pia sa braso kaya naman naramdaman ko ang lamig at mamasa masang kamay niya.
Sa labas pa lang ay kita ko na ang likod ng mga naka suit na lalake sa loob. Lahat ay nakatutok na sa harapan kung nasaan ang malaking screen, projectors and etc.
Dahan dahan kaming naglakad papunta sa harap at gano'n nalang ang paninigas ko nang makita ang long time crush ko na seryosong nakaupo sa unahan at nakatitig na sa amin.
T-Thadron Cy Moroco? What is he doing here?
Sh*t, no.
"Hala ka, Esry. Isa siya sa VIP?" Bulong sa akin ni Pia.
Kahit siya ay tila nagulat din.
Agad akong yumuko nang makita ang pagbaling nito sa akin.
"What the hell, Pia! Bakit kasama siya? Dang it, I'm shaking," bulong ko pabalik.
Sa dinami rami nang pwedeng maging VIP bakit siya pa? Bakit kasama siya? Paano ako makakapag concentrate ngayon? Hindi ako pwedeng pumalpak, ano ba 'yan!
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Nag-angat uli ako ng tingin at nakita siyang nakatutok na ang mata sa lamesa at pinupukpok ng mahina ang hawak niyang ballpen doon.
Ang seryoso niya talaga, grabe. Ramdam ko ang lamig ng awra niya, he's always like that– emotionless. Siguro 'yun ang pinaka attractive sakanya. I like guys with cold personality, I don't know why.
"Okay, class. Please prepare your things, we will start in 5 minutes," bilin sa amin ni prof.
Aligagang nagpatiuna ako sa paglalakad habang nakayuko. Nilapag ko ang mga gamit ko sa nakalaang lamesa para sa amin at iniwasan ang mapatingin sakanya.