"Before we start, I would like to acknowledge the presence of our beloved VIP's who attend this final defense of our graduating BM students, thank you for choosing our university!"
Palakpakan ang nakapagbalik sa akin sa huwisyo. Nakatunganga na pala ako kanina pa. Iniisip ko kase kung magagawa ko ba ng maayos ang presentation namin. Nag-practice pa naman ako para rito pero mukhang mababalewala pa.
"Class, let me introduce you to the panel," rinig kong sabi ni Dean.
Isa isa niyang pinakilala ang mga nandoon, kasama na si Mr. Thadron.
"Esra, prepare now. Kayo ang una, paki set-up na gamit niyo sa harap," bulong sa akin ng prof namin.
Naiilang na tumango ako bago sinenyasan ang ilan sa mga grupo ko na pumunta na sa harap. Nahagip ng mata ko ang kumpol ng mga estudyante sa labas na nanonood sa amin. Ang iba, lalo na ang mga babae ay nakatutok ang mata sa mga bisita.
Bukod kay Thadron Cy na nandito ay may iba rin na halos ka-edad lang niya ang kasali sa mga VIP, parehas may itsura, kaya siguro puro babae ang makikita mo sa labas. They are simping.
Nang matapos kaming magset-up ng mga gamit ay hinarap ko ang mga kagrupo ko at binilinan na sa mga dapat na gawin. Kahit pa ramdam ko ang nginig ng kamay ko dahil sa presensya ni Thadron ay hindi ko pinahalata. Humarap ako sakanila nang may munting ngiti sa labi.
Ayoko namang makita nilang pati ako ay kabado. Baka madamay sila at maging magulo pa ang pagpe-present namin.
Akala ko ay maide-deliver ko ng maayos ang intro namin pero mas lumala lang ang pagkailang at panginginig ng kamay ko nang mapadako ang mata ko sakanya. His black piercing cold eyes are staring at me, deeply. I felt my cheeks burning, nag-iwas agad ako ng tingin at tumikhim.
Damn it, get back to your senses, Esra! Bawal kang bumagsak. Remember that this is your last year!
Tinago ko ang kamay ko sa likod ko para hindi nila makita ang nakakahiyang panginginig nito bago nagpatuloy sa pagsasalita.
Since hindi naman ako ang magp-present sa lahat at halos kalahati lang ang ipapaliwanag ko. Nakita ko ang pagtango tango ng ibang panel habang nagsasalita ako sa harap. I tried really hard not to shake my voice so that they will not notice my nervousness.
Nang matapos ako sa parte ko ay tumabi ako sa mga kagrupo ko habang pinapakinggan ang sumunod sa akin. The panel threw us questions but we managed to answer all of them.
Nanatiling tahimik si Mr. Thadron habang tutok na tutok sa mga nagsasalita sa harap.
"Alright, thank you and congratulations to the group of Esra, you may now go back to your table. Next group will be the group of Bea, please proceed infront."
Pinalakpakan kami ng panel at ng ibang prof na nandito sa loob kaya naman medyo gumaan ang loob ko. Feeling ko kase hindi ko nagawa ang best ko ngayong araw dahil sakanya. Sino ba naman kasing hindi kakabahan kung nandito sa harap mo ang iniidolo mo sa larangan ng business industry tapos long time crush mo pa?
Buti nalang naitawid.
"Cr lang ako, Pi. Babalik din ako agad," mahinang sambit ko sa kaibigan kong kanina pa may hinahanap ang mata sa labas.
Mukhang si Chio nanaman ang hinahanap nito. Hindi ata nanood.
"O-Okay, bilisan mo at baka hanapin ka nila dean."
Tumango naman ako at tahimik na lumabas na ng room na 'yon. Dali dali kong tinahak ang daan sa mahabang hallway nitong stadium at bumaba sa hagdan. Nasa pinakababa pa ang comfort room dito. Hindi naman ako naiihi, gusto ko lang maghilamos para matanggal ang pamumula ng mukha ko. Para na rin maginhawaan ang pakiramdam ko.
Feeling ko tuloy magkaka-lagnat ako dahil sa aksidenteng pagkakatinginan namin kanina. Ang gwapo talaga niya, nakakainis!
Hay, Thadron Cy Moroco. Parehas naman tayong nasa elite society, pero bakit parang ang layo mo? Nakikita ko naman siya sa mga events, parties na dinadaluhan namin nila Papa pero bakit ang hirap niyang lapitan?
Siguro dahil mas mayaman siya sa amin tsaka aloof siya sa mga tao. Bihira ko lang siyang makitang napapalibutan ng maraming tao. Mostly ng mga kinakausap niya ay parehas niyang businessman at mga kaibigan lang niya.
Based on the magazine that I read, Thadron is not a fan of socializing. He is so business minded. Pure business lang daw ang nasa utak ayon sa mga lumalabas na balita.
I started having a crush on him when I was 12 years old. Dumalo kami sa isang kasal kung saan nando'n din siya. Kasama pa niya ang mga magulang niya that time, namatay lang ang mga ito dahil sa isang ambush na naging usap-usapan sa buong bansa.
I remember his face on the TV. He's crying like a baby and reporters are surrounding him. Their enemies assumed that their company will go bankrupt but Thadron is very smart. He mourned yesterday and stand up like a king today.
Ang pinsan niyang si Mr. Tres Vanni Moroco ay isa ring bilyonaryo. Ito rin ang tumulong sakanya sa lahat, they're like twins by heart. Parehas din silang mukhang masungit at laging seryoso. Ang pinagkaiba lang nila ay may bali-balitang ikakasal na raw ito.
Napabuntong hininga nalang ako nang makapasok na ako sa banyo. Mabuti naman at walang tao rito ngayon. Sinahod ko ang kamay ko sa gripo at agad na naghilamos.
Napatitig ako sa basang mukha ko sa salamin at nakita ang sobrang pamumula ng pisngi. Mabilis lang talaga ako kiligin, lalo na kapag tungkol kay Thadron. Kahit nga banggitin lang ni Pia ang pangalan niya ay parang gusto ko nang maglupasay.
Ewan ko ba. I'm really obsessed with him. Taliwas sa tinatanggi ko sa bestfriend ko kagabi.
Tinapos ko nalang nang mabilisan ang paghihilamos at lumabas na. Kumuha lang ako ng alcohol sa shoulder bag ko at nag-spray sa kamay habang paliko sa pasilyo kung nasaan ang hagdan. Napatingin ako sa relo sa kamay ko at nakitang halos kinse minutos din pala akong nag comfort room. Baka hinahanap na ako sa taas.
Nilakad takbo ko na ang mahabang hallway dahil sa pagmamadali.
"Aray!" Angil ko nang mabangga ako sa isang pader saktong pagliko ko papuntang hagdan.
Dahil sa lakas ng impact ko ay nag bounce ako pabalik at napaupo. Nag-angat ako ng tingin at hindi pala pader ang nabangga ko.
Si Thad.
Agad itong yumuko at seryoso akong hinawakan sa braso. Gamit ang isang kamay ay hinila niya ako patayo.
Ramdam ko ang sobrang bilis ng t***k ng puso ko nang magdampi ang balat naming dalawa. Tila nag slow motion sa akin ang lahat nang titigan niya ako sa mata.
"Are you okay, Miss?"
Ang baritono ng boses niya...
"Miss? Hey?"
Ang gwapo niya kahit magkasalubong ang kilay. His lips are naturally pinkish, his thick eyebrows... The pointed nose and that sharp jawline.
He's so perfect.
Nakita ko ang pagdilim ng mata niya ngunit bumalik din naman agad sa pagka-blangko. Binitawan niya ang braso ko at walang salitang nilagpasan nalang ako.
Dahil doon ay nabalik ako sa huwisyo at dali dali siyang sinundan ng mata ko. Nanghihinayang at nalilito man dahil sa nangyari ay puno ng paghangang hinatid ko siya ng tingin.
Did he just touch me? Seriously? I can't believe this.
Wala sa sariling naglakad ako paakyat ng hagdan at bumalik sa room. Nagtatakang tinignan lang ako ni Pia. Hindi na bumalik si Mr. Thadron hanggang matapos ang lahat ng presentation. Wala pa ring lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko hanggang sa pabalikin na kami sa mismong classroom namin.
"Hoy! Kanina ka pa tulala, bruha!" Sinanggi ni Pia ang balikat ko kaya naman napatingin ako sakanya.
Lunch break na at nandito na kami sa canteen nang hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina.
"A-Ano ba 'yon?"
"Anong ano ba 'yon? Tinatanong kita kung anong nangyari sa'yo at ang tahimik mo? Sinapian ka ba? Tagal mo kanina sa cr, aba."
"I'm fine. Tinatamad lang ako magsalita, ubusin mo na 'yan para makabalik na tayo sa room. Si Prof. Grey na ang susunod," sambit ko.
"Wow, galing lumihis ng topic, what a pro!"
Nagkabit balikat nalang ako at sumimsim sa lemon juice ko. Ayokong sabihin sakanya ang naging engkwentro namin ni Thadron. Mang-aasar lang 'to panigurado. Tsaka baka hindi niya ako tigilan hanggang mamaya, mas mabuti nang wala siyang alam.
Mabilis niyang tinapos ang kinakain niya at niyaya na akong bumalik. I never thought na sasaya ng ganito ang puso ko nang dahil doon.
I really like him. As in so much! Grabe 'yung ilang taon na paghanga ko sakanya. Kahit hanggang tanaw lang ako sa malayo at malaki ang agwat ng edad namin, hindi pa rin nawala ang pagka-gusto ko sakanya.
27 na siya, turning 20 naman ako. 7 years age gap is not a bad thing, right? Ang assuming ko talaga, as if magugustuhan ako no'n. I'm not that pretty and sexy, hindi gaya ng mga modelo na mataas ang tyansang magustuhan niya.
Kahit sa isiping 'yon ay hindi ako napanghinaan ng loob. So what kung gano'n? Basta alam ko gusto ko siya, period.
Wala na akong pake kung sa iba siya mapunta, kung may ligawan siyang mas maganda, buhay niya 'yon. Hindi ko naman pwedeng kontrolin ang buhay niya tsaka sino ba ako, 'di ba? Okay na 'yung pagsulyap sulyap sakaniya sa malayo, solve na ako ro'n.